30/08/2026
π’ Isang Panawagan para sa Pagkakaisa at Suporta
Sa nalalapit na Chapter Anniversary ng TAU GAMMA PHI / SIGMA β Triskelion de Caibiran,
muli nating ipapakita ang tunay na diwa ng brotherhood, sisterhood, at serbisyo sa pamamagitan ng Feeding Program at Water Dispenser Donation para sa mga batang mag-aaral ng Brgy. Uson Daycare Center.
Dahil dito, kami po ay magalang na humihingi ng pinansyal na suporta mula sa ating mga mapagbigay na brothers at sisters upang maisakatuparan ang gawaing ito.
Anumang halaga o tulong na inyong maibabahagi ay malaking ambag upang maiparamdam natin ang pagmamahal at malasakit sa ating komunidad.
Sama-sama nating gawing posible ang proyektong ito. Ang inyong suporta ay magbibigay ng ngiti, pag-asa, at inspirasyon sa ating mga kabataan.
Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal at suporta.
TGPS BILIRAN PROVINCIAL COUNCIL Triskelion de Visayas (TDV) Tau Gamma Phi Fraternity Triskelion Celebrity