28/04/2026
๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐, ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ญ ๐ง๐!
Isang pambihirang pagkakataon ang nagbukas upang makadaupang-palad nang personal si ๐๐ญ๐ญ๐ฒ. ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐๐ฌ ๐. ๐๐๐ซ๐ซ๐ข๐จ๐ฌ-๐๐๐ซ๐๐ง, ๐๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ถ๐ญ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐๐ฐ๐ฎ๐ช๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐๐ช๐ฌ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ, bilang bahagi ng masinop na pagpapahayag ng interes na ๐ฆ๐๐ข๐ฌ๐๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐๐ง๐๐ฎ๐ฆ ๐จ๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ tungo sa ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ซ๐ญ๐ก ๐๐๐ฌ๐ญ๐๐ซ๐ง ๐๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐๐ญ๐๐ญ๐ ๐๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ.
Ang makabuluhang pagpupulong na ito ay sumasalamin sa patuloy na pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng akademya at mga institusyong nangunguna sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Layunin nitong itaguyod ang isang mas sistematiko at sustenableng sentro na magsisilbing daluyan ng pananaliksik, pagsasanay, at pagpapalaganap ng wika, panitikan, at kulturang Pilipino, lalo na sa konteksto ng Mindanao.
Pinangunahan ang inisyatibang ito nina ๐๐ซ๐จ๐ฉ. ๐๐ข๐ฌ๐๐ก ๐. ๐๐๐ฆ๐๐ซ, ๐๐ซ. ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐๐ก๐๐ข๐ฅ๐ ๐. ๐๐ ๐๐จ๐ฌ ๐๐ซ๐๐จ๐ฌ, at ๐๐ซ๐จ๐ฉ. ๐๐ซ๐ฒ๐ฌ๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐ง๐ ๐. ๐๐๐ฌ๐, na patuloy na nagsusulong ng mga programang pangwika at pangkultura bilang tugon sa adhikain ng unibersidad na maging sentro ng kahusayan sa edukasyon at pananaliksik.
Nakibahagi rin sa nasabing pulong ang mga pangunahing katuwang sa larang ng wika at kultura, si ๐๐ซ. ๐๐๐๐ฃ๐ข ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐จ๐ง, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura ng University of Southern Mindanao; si ๐๐ซ. ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐. ๐๐๐๐๐ฌ๐๐๐ฌ, Direktor ng LIRIP Pambansang Kumperensiya sa Filipino; at si ๐๐. ๐๐๐ซ๐ข๐๐ง ๐. ๐๐๐ซ๐๐ง, Koordineytor ng SWKโMindanao.
Ang pulong na ito ay hindi lamang isang pormal na hakbang tungo sa institusyonalisasyon ng Sentro ng Wika at Kultura, kundi isang makahulugang pagsasanib-puwersa ng mga iskolar, lider, at tagapagtaguyod ng wikang Filipino, patunay ng sama-samang pagkilos para sa patuloy na pagyabong ng wika at kulturang Pilipino sa rehiyon at sa buong bansa.
๐ Isang hakbang pasulong para sa wika. Isang ambag para sa bayan.