06/06/2020
๐๐๐ฅ๐จ๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐๐จ๐ฒ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐
๐๐ซ๐ข๐ญ๐๐ซ: ๐๐ข๐ฑ๐ฑ๐ฉ๐๐ง๐ข๐๐ง๐๐
Bakit ngayon ka lang? Sino yung kausap mo kanina? Bakit ka niya hinatid? mga tanong ng boyfriend ko sa akin.
Tt..teka nga ang dami mong tanong eh pwede dahan dahan lang, mahina po ang kalaban mahinahon kong sagot sa kaniya.
Sino ba yun? Bakit ka niya hinatid? tanong niya ulit sa akin.
Boss ko lang siya, kaibigan lang kami okay? Hinatid niya ko kasi naawa lang siya sa akin wala kasing dumadaang mga taxi kanina sagot ko sa kaniya.
Siguraduhin mo yan ha ayokong sumama ka sa iba na hindi mo man lang gaanong kakilala tsaka nagseselos ako kapag iba kasama mo at hindi ako sabi niya.
Wala ka bang tiwala sa akin? tanong ko sa kaniya.
Sayo meron akong tiwala pero sa ibang taong nakapaligid sayo wala. Baka anong gawin nila sayo ayokong mawala ka sa akin sagot niya.
Opo master masusunod po ang inyong kahilingan. Pasensiya na kung natagalan ako ha hindi ko naman ginusto yun paumanhin ko sa kaniya sabay yakap.
Walang araw na hindi niya ako pinagbabawalan. Ang daming pinagbabawal niya sa akin pero nasanay na ako sa kaniya.
Kumain ka na pinagluluto kita ng paborito mong pagkain sabi niya sa akin sabay halik sa pisngi ko.
Ayoko munang kumain gusto ko pang matulog sabi ko sa kaniya.
Kakain ka o kakainin kita? tanong niya sabay titig sa akin.Oo na kakain nako,heto na. Masarap bang niluto mo? tanong ko.
Oo naman at kailan pa ako nagluto ng hindi masarap aber? tanong niya sa akin habang ako ngumiti nalang baka kasi mapiktosan na naman ako niyan.
Halos lahat ng galaw ko kontrolado niya. Maging sa pananamit ang daming bawal.
Bakit ang iksi ng short mo? tanong niya sa akin.Bakit may short bang mahaba? Short nga diba kaya maiksi sagot ko.
Hubarin mo yan sabi niya.
Huh? huhubarin ko to? Naku ayoko gusto ko magsuot nito at tsaka ito yung uso ngayon eh. Wala ka talaga sa uso reklamo ko sa kaniya.
Ahh wala ako sa uso, mas mabuti pang wala sa uso kesa hindi nirerespeto. Gusto mo bang hindi ka respetohin ng iba diyan lalo na ang mga lalake kapag nakita ka nila na ganiyan ang suot mo. Lalake ako kaya ramdam ko yun sabi niya.
Ang alin? Anong klase ng ramdam? biro kong tanong sa kaniya at ngumiti.
Wala, ikaw talaga ang dumi ng utak mo. Hubarin mo na yan kung ayaw mong ako maghuhubad diyan sabi niya sa akin.
Nasanay na talaga ako sa pag-uugali niya marami man siyang pinagbabawal sa akin,kontrolado man niya ang bawat kilos ko.Marami man siyang ipinagbabawal atleast tunay ang kaniyang pagmamahal.