FBHS-Historical Club (Official)

FBHS-Historical Club (Official) FBHSHC is all about history, culture, and other areas of social studies.

FBHSHC is a historico-cultural organization of Fort Bonifacio High School affiliated with the National Historical Commission (formerly National Historical Institute). FBHSHC is the host club in conducting Social Studies Quiz Bee, History Week, Independence Day Celebration, etc.

‎🇵🇭 PAGPUPUGAY SA MGA BAYANI NG BAYAN 🇵🇭‎‎Tuwing Agosto 31 ating ginugunita ang Pambansang Araw ng mga Bayani (National ...
31/08/2026

‎🇵🇭 PAGPUPUGAY SA MGA BAYANI NG BAYAN 🇵🇭

‎Tuwing Agosto 31 ating ginugunita ang Pambansang Araw ng mga Bayani (National Heroes Day)— isang araw ng pagkilala at pasasalamat sa mga Pilipinong nag-alay ng kanilang tapang, sakripisyo, at paglilingkod para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan. 💛🤎

‎Hindi lamang sa mga kilalang pangalan sa ating mga aklat pangkasaysayan nararapat ang ating pagpupugay. Kasama rin sa diwa ng araw na ito ang mga ordinaryong Pilipinong nagpakita ng pambihirang tapang, malasakit, at pagmamahal sa kapwa sa panahon ng pangangailangan. 📜

‎Ang kanilang mga ginawa ay nagpapaalala sa atin na ang kabayanihan ay hindi nasusukat sa kasikatan ng isang pangalan, kundi sa mga handa nitong isakripisyo para sa iba. ✨

‎Sa bawat bayani, may kuwentong hindi dapat kalimutan. Ang bawat Pilipino ay may pagkakataong maging bahagi ng kasaysayan. 💛🤎

‎Lagi't lagi, para sa bayan. 🇵🇭

Isinulat ni:
Castaño, Katrina Anne

Paskil ni:
Balansag, Karen Cecily A.

Mabuhay, Bonifacians! 💛🤎Ngayong araw, ikaw-21 ng Agosto sabay-sabay nating alalahanin at bigyang-pugay ang kabayanihan a...
21/08/2026

Mabuhay, Bonifacians! 💛🤎

Ngayong araw, ikaw-21 ng Agosto sabay-sabay nating alalahanin at bigyang-pugay ang kabayanihan at katapangan ni Benigno "Ninoy" Aquino Jr. para sa kalayaan ng ating bansa. 🎉✊🏻

Ang kanyang walang-takot na pagtindig at ang tanyag niyang mga salita na "The Filipino is worth dying for" ay patuloy na magsisilbing paalala na ang tunay na lakas ng nasyon ay nasa pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. ❤️🌟

Sa araw na ito, ating pagnilayan ang kahalagahan ng pagkakaisa, malasakit sa kapwa, at pagmamahal sa bayan. Ang sakripisyo ni Ninoy Aquino ay paalala na ang bawat isa sa atin ay may boses at may kakayahang magdala ng pagbabago. Nawa'y patuloy nating pahalagahan ang kalayaang ating tinatamasa at gamitin ang ating mga boses para sa kabutihan ng lahat. 🫡🤝

Patuloy nating buhayin ang demokrasya sa ating mga puso. Maligayang Paggunita ng Ninoy Aquino Day! 🎗️🇵🇭✨

Isinulat ni:
Vispo, Zara Beatrice M.

Paskil ni:
Balansag, Karen Cecily A.

Ang Pagsilang ng ASEAN 🤝‎Pagpugay, Bonifacians! 🌟‎Noong Agosto 8, 1967, isang mahalagang hakbang tungo sa pagkakaisa ng ...
08/08/2026

Ang Pagsilang ng ASEAN 🤝

Pagpugay, Bonifacians! 🌟

Noong Agosto 8, 1967, isang mahalagang hakbang tungo sa pagkakaisa ng Timog-Silangang Asya ang isinagawa nang itatag ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). 🌏

‎Sa pamamagitan ng Bangkok Declaration, nagkaisa ang limang bansang nagtatag nito: Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand—upang palakasin ang kooperasyon, kapayapaan, katatagan, at pag-unlad sa rehiyon. ✨🤎

‎Mula sa limang bansang nagsimula, lumawak ang samahan at naging mahalagang bahagi ng ugnayan ng mga bansa sa Southeast Asia. Higit pa sa isang organisasyon, ang ASEAN ay simbolo ng kung ano ang maaaring makamit kapag ang magkakaibang bansa ay nagkakaisa para sa iisang layunin. 💛🌇

Ngayong araw, ang Historical Club ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-59 na taon ng pagkatatag ng ASEAN! Patuloy nating paunlarin ang kapayapaan at kaunlaran hindi lamang sa loob ng bansa, kundi na rin sa buong Timog-Silangang Asya. ✊🎉

‎Mula sa isang deklarasyon, nabuo ang isang samahan. Magkakaiba ang ating bansa, ngunit sama-sama tayong bumubuo ng iisang layunin. 🤎💛

Isinulat ni: Castaño, Katrina Anne
Paskil ni: Panoy, Krisheyne Joy

🇵🇭 Ang kasaysayan ay hindi lamang binabasa—ito ay inuunawa, pinapahalagahan, at isinasabuhay. 📜‎‎Ngayong Agosto, sabay-s...
07/08/2026

🇵🇭 Ang kasaysayan ay hindi lamang binabasa—ito ay inuunawa, pinapahalagahan, at isinasabuhay. 📜

‎Ngayong Agosto, sabay-sabay nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Kasaysayan, isang pagkakataong balikan ang mga pangyayaring humubog sa ating bansa, kilalanin ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, at pahalagahan ang mayamang kultura at pagkakakilanlan ng bawat Pilipino. ✨💛

‎Ang kasaysayan ay hindi lamang tungkol sa mga petsa, pangalan, at pangyayari. Ito ay salamin ng ating pinanggalingan, gabay sa ating kasalukuyan, at inspirasyon sa kinabukasan. Sa bawat aral na ating natututuhan, mas lalo nating nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pananagutan bilang mamamayan.🤎🇵🇭

‎Ngayong buwan, nawa'y magsilbi itong paalala na ang bawat Pilipino ay may papel sa pagpapatuloy ng ating kasaysayan. Sapagkat ang mga desisyong ginagawa natin ngayon ang magiging kuwento ng susunod na henerasyon.🤎💛

‎Sama-sama nating buhayin ang diwa ng kasaysayan— hindi lamang tuwing Agosto, kundi araw-araw. 📔

‎Ang nakaraan ay ang ating ugat. Ang kasalukuyan ay ating pananagutan. Ang kinabukasan ay ating isusulat.

‎Maligayang Buwan ng Kasaysayan! 🇵🇭 🤎💛

✍️Isinulat ni: Castaño, Katrina Anne
🖼️Paskil ni: Panoy, Krisheyne Joy P.

‎📣 Missed It? History Gives You Another Chance! 📜 🤎‎‎Good day, Bonifacians!‎‎Good news! The Historical Club is opening i...
15/07/2026

‎📣 Missed It? History Gives You Another Chance! 📜 🤎

‎Good day, Bonifacians!

‎Good news! The Historical Club is opening its doors once again for our Second Recruitment. If you weren't able to apply during the first round, this is your opportunity to become part of a community that values history, leadership, and continuous learning. 🤎💛

‎Here are the steps to join the Historical Club:

‎⭐ Complete the Candidacy Form
‎This is your opportunity to express your genuine interest in becoming a member of the organization. Share your unique skills, talents, experiences, and knowledge that you can contribute to the Historical Club.

‎⭐ Participate in the Online Interview
‎The interview allows us to get to know you better beyond your application. It is your chance to showcase your potential, commitment, and readiness to become a member of the club.

‎⭐ Maintain a General Weighted Average (GWA) of 85% or above
‎The Historical Club believes in nurturing well rounded and responsible individuals. Meeting this academic requirement reflects discipline, dedication, and the ability to balance leadership with academic excellence.

‎📌 Application Form:
‎- https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSceL22aTfoCTtjkUcttr7ayU5uZB78GXAR6RsMLPMfgNNZ_bw/viewform?usp=dialog

‎Don't just study history— experience it, preserve it, and help shape its future! 📜

Written by: Castaño, Katrina Anne

Poster by: Panoy, Krisheyne Joy P.
Vispo, Zara Beatrice M.

Maligayang ika-128 taong Anibersaryo ng Kalayaan, Pilipinas! 🇵🇭Ngayong Hunyo 12, muli nating ginugunita ang isang makasa...
12/06/2026

Maligayang ika-128 taong Anibersaryo ng Kalayaan, Pilipinas! 🇵🇭

Ngayong Hunyo 12, muli nating ginugunita ang isang makasaysayang yugto ng ating bansa—ang araw na ipinapahayag ng mga Pilipino ang kanilang hangarin para sa isang malaya na bayan. ❤️

Sa loob ng 128 na taon, ang ating kasaysayan ay puno ng kuwento ng katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan. Mula sa pakikibaka ng ating mga bayani hanggang sa mga hamon ng kasalukuyang panahon, nananatiling buhay ang diwa ng kalayaan sa puso ng bawat Pilipino. 💪⚔️

Ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng nakaraan, bagkus ito ay pananagutan ng kasalukuyan at pamana para sa kinabukasan. Bilang kabataan, taglay natin ang mahalagang tungkulin na pangalagaan ang katotohanan, pahalagahan ang ating kasaysaysan, at gamitin ang ating boses para sa ikabubuti ng ating bayan. 🗣️

Sa panahon ng mabilis na pagbabago, nawa'y magsilbing inspirasyon ang ating kasaysayan upang patuloy tayong maging makabayan, mapanuri, at responsable sa ating mga pagkilos. Ang tunay na kalayaan ay makikita sa mamayang may malasakit, paggalang, at pagmamahal sa kapwa at sa bansa. 🕊️✨

Sama-sama nating itaguyod ang diwa ng kasarinlan hindi lamang sa paggunita, kundi sa araw-araw na paggawa ng tama para sa bayan.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino! 💛🤎
Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭✨




✍️ Isinulat ni:
Cuevas, Elijah Dan Dale

🖼️ Paskil ni:
Panoy, Krisheyne Joy P.

📣 WHAT’S UP, BONIFACIANS? ARE YOU ALL READY ⁉️Maligayang Araw, Bonifacians! 🌟Taglay mo ba ang tapang at talino upang una...
06/06/2026

📣 WHAT’S UP, BONIFACIANS? ARE YOU ALL READY ⁉️

Maligayang Araw, Bonifacians! 🌟

Taglay mo ba ang tapang at talino upang unawain ang ating pinagmulan? Ikaw ba ay interesado sa mga kwento ng nakaraan, sa kadakilaan ng mga bayani, at sa mga aral na bumuo sa ating kasaysayan? 🤔 Kung ang sagot mo ay oo, oras na para iangat ang iyong boses at kahusayan! 🫵🏻 🙌🏻

Sa pagsisimula ng Taong Panuruan 2026-2027, Ang Historical Club ay muling binubuksan ang pinto para sa mga bagong lider at aktibong miyembro na handang magsilbi at pahalagahan ang ating pinagmulan. 🎉‼️

Sa Historical Club, sama-sama nating tutuklasin ang yaman ng ating kahapon upang magsilbing liwanag sa pagbuo ng mas mabuting kinabukasan. 🇵🇭✨

Narito ang mga hakbang sa pagsali ng Historical Club:

⭐️ Sagutan ang Candidacy Form
- Dito mo maipapakita ang sinserong interes na maging bahagi ng organisasyon. Gamitin ang pagkakataong ito upang mailahad ang iyong mga natatanging kakayahan, talento, at kaalaman na handa mong ibahagi para sa organisasyon.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSceL22aTfoCTtjkUcttr7ayU5uZB78GXAR6RsMLPMfgNNZ_bw/viewform?usp=dialog
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSceL22aTfoCTtjkUcttr7ayU5uZB78GXAR6RsMLPMfgNNZ_bw/viewform?usp=dialog
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSceL22aTfoCTtjkUcttr7ayU5uZB78GXAR6RsMLPMfgNNZ_bw/viewform?usp=dialog

⭐️ Sumailalim sa Online Interview
- Ang pagdaan sa online interview ay mahalaga dahil dito ka makakapaglahad ng impormasyon tungkol sa iyong sarili. Dito rin makikita ang iyong tunay na potensyal, dedikasyon, at kahandaan na maging isang miyembro ng organisasyon.

⭐️ Mayroong General Weighted Average (GWA) na 85 pataas
- Ang aming organisasyon ay naniniwala sa paghubog ng mga natatanging indibidwal. Sa paraang ito, napapatunayan mong ikaw ay may mataas na disiplina sa sarili, kayang balansehin ang pagiging isang mahusay na lider, at nagtatagumpay sa iyong akademiko.

Kaya tara na, Bonifacians — ang kasaysayan ay mas makulay kapag ikaw ay kasama! ✊🏻💛
Maging bahagi ng isang samahang nagtataguyod ng kultura, kaalaman, at bayanihan. Ang iyong paglahok ay hindi lamang isang simpleng pagsali, kundi isang panata na ipagpatuloy ang diwa ng ating mga ninuno at ipalaganap ang kahalagahan ng kasaysayan sa bawat henerasyon. 📜🤎

Paksil nina:
Cuevas, Elijah Dan Dale
Panoy, Krisheyne Joy P.
Ortega, Eriana Lian T.

Isinulat ni:
Vispo, Zara Beatrice M.

Pagbati, Historians! 💛🤎May mga yugto sa isang pagsasama na hindi lamang minamarkahan ng pagtatapos, kundi ng tahimik na ...
04/04/2026

Pagbati, Historians! 💛🤎

May mga yugto sa isang pagsasama na hindi lamang minamarkahan ng pagtatapos, kundi ng tahimik na pag-ukit nito sa pangalan ng kasaysayan. Sa pagwawakas ng Taong Panuruan 2025-2026, nasilayan natin ang samu't-saring pagpapahayag sa kuwento at kasaysayan ng iba't ibang tagpo, kagamitan, at mga kilalang indibidwal. 🎒📚

Sa likod ng bawat lathalaing ibinabahagi sa publiko, kinikilala natin ang mga opisyales na nagsisilbing utak na walang sawang nagsisikap upang manatiling gising ang kamalayan ng masa sa diwa ng kasaysayan. Dagdag pa rito, hindi lamang natin binibigyang-dangal ang gampanin ng bawat kasapi ng organisasyon, bagkus ay ang pagkamit nila ng tagumpay sa kanilang paglalakbay. Ito'y tiyak na nakaugat sa mga panahong pinili nilang manindigan para sa kinabukasan, kahit na walang kasiguraduhan sa kung anong magiging kahihinatnan nito. 🌅☀️

Sa loob ng sampung buwan sa Historical Club, ang kasaysayan ay hindi lamang nanatiling paksa na wangis ng organisasyon. Ito'y naging pagsasabuhay sa mga aral na natamo ng bawat isa mula sa proseso ng pag-usisa, pag-unawa, at pagpiling tumindig para sa bayan. May mga ideyang nabigyang-linaw sa bisa ng diskurso, mga pagdududa na napagtibay sa pamamagitan ng pagbangon sa araw-araw, at mga adhikaing piniling isulong kahit hindi naging magaan ang tinahak na daan. Mula pa lamang sa mga ito, makikita natin ang diwang makabayan ng kabataan at ng Historical Club. 👊🏻🇵🇭

Ang mga opisyales at kasaping nagtapos sa taong ito ay hindi lamang nag-iwan ng parangal na nakakabit sa kani-kanilang mga pangalan. Sila’y nag-iwan ng direksyon at nagsilbing pamantayan sa mga susunod na mamumuno kung paano maging isang lider, kung paano gampanan ang kanilang mga responsibilidad higit pa sa mga kaakibat ng papel nila, at kung paano mahalin ng buong puso ang isang tungkuling nakaatas sa kanila, kahit gaano man ito kaliit sa paningin ng iba. 🚦✨️

Bilang isang organisasyon, nawa'y ituring natin ang sandaling ito bilang pagpapatuloy sa nasimulang adhikain—hindi bilang wakas. Bagamat magbabago sa tingin ng iilan ang tinig ng pamumuno at mga mukhang madalas nilang makikita sa loob ng samahan, hindi ito simbolo ng pagputol sa inaasam naming hangarin para sa Historical Club. Mananatiling bukas ang aklat ng kasaysayan para sa mga kamay na naghihintay rito upang masulatan, maunawaan, at mabigyang-kahulugan ang tunay na diwang Pilipino. ✍️🏻❤️

Walang kasaysayang tunay na nagtatapos. Sapagkat sa bawat pag-alala rito, may mga kamay na pinipiling magbago. Higit sa lahat, patuloy itong isinusulat muli sa bawat henerasyong handa itong ipagpatuloy. 📜🗣

Isinulat ni:
Borromeo, Janelle G.

Paskil nina:
Dela Cruz, Dylan Kristoff
Lagare, Joshua Trazin A.
Panoy, Krisheyne Joy P.

Pagbati, Historians! 💛🤎Sa bawat parangal na ating nasisilayan at natatanggap, mahalagang tandaan na hindi ito kailanmang...
02/04/2026

Pagbati, Historians! 💛🤎

Sa bawat parangal na ating nasisilayan at natatanggap, mahalagang tandaan na hindi ito kailanmang magiging sukatan ng tagumpay; bagkus ito'y nasusukat sa ating pagsusumikap, sa mga kaalamang buong-puso nating niyakap, at sa tahimik na pagsasakripisyong binigay natin para makamit ang mga ito. Bagamat may mga hamon tayong kinaharap sa gitna ng ating paglalakbay, ang pagtayo natin sa harapan nang may paninindigan ay patunay na nalampasan natin ang anumang hadlang sa pagwawagi. 🏅🏆

Sa pagtatapos ng Taong Panuruan 2025-2026, kinikilala natin ang mga opisyales ng Historical Club na nagtapos at nagkamit ng tagumpay, bunga ng kanilang disiplina, dedikasyon, at pagsisikap sa bawat gawaing ginagampanan nila. Ang bawat karangalan ay nagsisilbing simbolo na ang patuloy na pagtamo ng kaalaman ay may layong higit pa sa sariling tagumpay, kundi ito rin ay nagsisiklab ng butil ng pag-asang mayroon ang masa para sa kabataan. Sila’y tumatayo bilang inspirasyon sa bawat kabataang tinatahak ang kani-kanilang mga landas sa pag-aaral na magpatuloy kahit nakapapagod, dahil ang tunay na tagumpay, hindi man nakikita nang pisikal, ay nadarama bilang bunga ng pagsisikap. 💪🏻✨️

Nawa'y sa sandaling ito, tandaan natin na ang edukasyon ay hindi hangganan ng ating kaalaman, ito'y susi at simula ng pagbabago sa mas malawak na mundo at ang mga oportunidad na naghihintay sa atin sa hinaharap. Padayon! 🌻☀️

Isinulat ni:
Borromeo, Janelle G.

Paskil nina:
Dela Cruz, Dylan Kristoff
Lagare, Joshua Trazin A.
Panoy, Krisheyne Joy P.

Talino, tawanan, at galaw—lahat ay nakamtan kasama ang Historians! 💛🤎🕰 Noong Pebrero 25, 2026, napuno ng sigla at kasiya...
08/03/2026

Talino, tawanan, at galaw—lahat ay nakamtan kasama ang Historians! 💛🤎

🕰 Noong Pebrero 25, 2026, napuno ng sigla at kasiyahan ang bawat isang naging bahagi ng Club Fair 2026, kasabay ng sama-samang pagtuklas ng Bonifacians sa nakaraan sa malikhaing paraan. 🎨 May mga hamong sinubok ang bilis at galing ng bawat isa, may mga palaisipan at gawain na nagbukas sa parehong isip at imahinasyon ng mga kalahok, at may mga sandaling nagtulungan ang lahat para maipakita at maunawaan ang kwento sa likod ng bawat ideya. 🏛️✨

📸 Makikita sa bawat pitik ang pagtutulungan at pagkakaisa, hindi lang ng mga lumahok sa palaro, kundi pati na rin ng mga kasapi at opsiyales ng Historical Club. Tunay ngang sabay-sabay nating binubuksan ang mga pahina ng kasaysayan sa malikhain at kakaibang paraan. 😉💭 Sa bawat tawa at palakpakan, muling nabuhay ang diwa ng pagkatuto at pagtuklas. 📚🔎

💡 Bagamat nagtapos ang Club Fair sa isang iglap, nananatili pa rin ang diwa ng kasaysayan. Patuloy tayong nangangalap ng kaalaman, nagbabahagi ng kuwento, at nagbibigay-buhay sa ating pagkatao bilang mga Pilipino. 🇵🇭🌟

Isinulat ni:
Borromeo, Janelle Marley G.

Paskil nina:
Go, Wilfred Ryan B.
Lagare, Joshua Trazin A.

Address

Makati
1215

Telephone

+639611692408

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FBHS-Historical Club (Official) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to FBHS-Historical Club (Official):

Shortcuts

Share