ALPHA KAPPA RHO - Brotherhood in Action

ALPHA KAPPA RHO - Brotherhood in Action Unity is our strength

19/08/2026

Hindi ito tungkol sa pula't dilaw
Tungkol ito sa pag-alala sa isang taong minsan nating nakasama at minahal noong siya ay buhay pa. Sa kabila ng mga pagkakaiba at samahan, manaig sana ang respeto at pagkilala sa kanyang buhay, kabutihan, at mga alaala na iniwan niya sa atin. 🕊️

Iba-iba man ang ating fraternity, sa huli, tao pa rin tayo na marunong umalala, rumespeto, at makiramay. 🙏

Nakakalungkot na balita ang dumating sa ating kapatiran sa pagpanaw ng ating dating kasamahan at isa sa mga magagaling n...
17/08/2026

Nakakalungkot na balita ang dumating sa ating kapatiran sa pagpanaw ng ating dating kasamahan at isa sa mga magagaling na naging opisyales ng ating konseho.
Malaki ang aming pasasalamat sa kanyang mga naging serbisyo, sakripisyo, at dedikasyon sa ating kapatiran. Ang kanyang mga naiambag at mabubuting alaala ay mananatili sa aming mga puso.
Taos-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, at sa lahat ng naiwan niyang kaibigan at kasamahan.
Paalam, kapatid. Maraming salamat sa iyong paglilingkod. Nawa’y makamtan mo ang walang hanggang kapayapaan.
🕊️ Rest in Peace Nuyan Tan

Isang maligaya at makasaysayang ika-53 Anibersaryo sa buong Kapatiran ng Alpha Kappa Rho! Sa loob ng mahigit limang deka...
07/08/2026

Isang maligaya at makasaysayang ika-53 Anibersaryo sa buong Kapatiran ng Alpha Kappa Rho! Sa loob ng mahigit limang dekada, patuloy nating pinatutunayan ang tibay ng ating pagkakaisa, katapatan, at paglilingkod sa pamayanan. Nawa'y patuloy nating isabuhay ang mga tunay na prinsipyo ng Skeptron at maging gabay tayo sa bawat isa tungo sa mas matatag na hinaharap. Mabuhay ang Alpha Kappa Rho! 🤟🤟🤟

53RD FOUNDING ANNIVERSARYSa pagdiriwang ng ika-53 anibersaryo ng ating minamahal na kapatiran, inaanyayahan namin ang ba...
18/07/2026

53RD FOUNDING ANNIVERSARY

Sa pagdiriwang ng ika-53 anibersaryo ng ating minamahal na kapatiran, inaanyayahan namin ang bawat Skeptron na muling magsama-sama bilang iisang pamilya.

Anuman ang inyong fraternal views, paniniwala, grupo, o faction na kinabibilangan—bukas ang aming mga bisig para sa inyong lahat. Yayakapin namin kayo bilang mga kapatid, sapagkat higit na mahalaga ang pagkakapatiran kaysa sa anumang pagkakahati.

Panahon na upang ibalik ang ating katapatan sa mga adhikain at aral na iniwan ng ating mga Founders—sa pagkakaisa, paggalang, paglilingkod, at tunay na kapatiran. Huwag nating hayaang manaig ang pansariling interes na nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak. Ang lakas ng ating samahan ay nakasalalay sa ating kakayahang magkaisa sa kabila ng ating pagkakaiba.

Hindi tayo tinawag upang magtayo ng mga pader sa pagitan ng magkakapatid, kundi upang bumuo ng isang kapatirang may paninindigan, pananagutan, at pagmamahalan.

Kaya't sa darating na pagdiriwang:

Magbalikan tayo bilang magkakapatid.
Magpatawaran at magkaunawaan.
Muling buhayin ang diwa ng ating mga Founders.
Isabuhay ang tunay na kahulugan ng Brotherhood.

Sama-sama nating ipagdiwang ang 53 taon ng ating kapatiran—isang samahang patuloy na bumabangon, lumalakas, at lumalawak dahil sa pagkakaisa ng bawat tunay na Skeptron.

Magbalik loob sa tamang pamunuan.
-Skeptron Uprising Team



Takits mga kapatid! Abangan ang aming vlog 😁😍🤟
18/07/2026

Takits mga kapatid! Abangan ang aming vlog 😁😍🤟

Skeptron❗️Are you ready?

Alpha Kappa Rho National Council – Luzon Jurisdiction, National Capital Region proudly presents the 53rd Founding Anniversary Celebration!

Theme:
"Rising Beyond Limits: 53 Years of Alpha Kappa Rho Excellence"
📅 Date: August 8, 2026
📍 Venue: Marikina Sports Center
🕙 Time: 10:00 AM – 10:00 PM

Join us as we commemorate 53 years of brotherhood, service, leadership, and excellence. Let us gather in unity as one organization to celebrate this remarkable milestone and create lasting memories together.

Together, we rise beyond limits. See you there!

📢 Frat Shirt Orders Are Still Open! Don't miss your chance to get yours. Place your order now!
17/07/2026

📢 Frat Shirt Orders Are Still Open! Don't miss your chance to get yours. Place your order now!

Address

Norzagaray
1850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ALPHA KAPPA RHO - Brotherhood in Action posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to ALPHA KAPPA RHO - Brotherhood in Action:

Shortcuts

Share