02/06/2026
๐พ๐ MALIGAYANG PAGBATI SA MGA BSED FILIPINO MAJORS, CLASS OF 2026 ๐๐พ
May mga pangarap na nagsisimula lamang bilang bulong sa isip, mga adhikaing minsang isinulat sa mga pahina ng kuwaderno, at mga pangakong ibinulong sa sarili sa gitna ng pagod at pangamba. Ngayon, ang mga pangarap na iyon ay hindi na lamang hiraya, sila'y ganap nang katotohanan.
Sa bawat gabing nagpuyat, sa bawat pagsubok na hinarap, sa bawat pagkakataong pinili ninyong magpatuloy kahit mahirap, unti-unti ninyong binuo ang landas na inyong tinatahak ngayon. At sa araw na ito, buong galak naming nasasaksihan ang bunga ng inyong pagsisikap.
Batch Hiraya, kayo ang patunay na ang pangarap ay hindi lamang pinapangarap, ito'y ipinaglalaban.
Habang kayo'y humahakbang patungo sa panibagong yugto ng inyong buhay, nawa'y manatiling buhay sa inyong puso ang pagmamahal sa wika, kultura, at bayan. Dalhin ninyo ang liwanag ng inyong mga natutuhan saan man kayo dalhin ng panahon, at maging inspirasyon sa mga susunod pang maglalakas-loob na mangarap.
Sa pagtatapos ng isang kabanata ay nagsisimula ang panibagong kuwento. At bagaman magwawakas na ang inyong paglalakbay bilang mga mag-aaral, mananatili kayong bahagi ng kasaysayan at puso ng ating kapisanan.
Mula sa inyong pamilyang KanFil, taos-puso naming ipinagmamalaki ang inyong tagumpay.
Lumipad kayo nang mataas, Batch Hiraya. Ang mga pangarap na minsang inabot lamang ng imahinasyon ay ngayo'y abot-kamay na ng realidad.
Maligayang pagtatapos at mabuhay kayo, mga bagong graduate! ๐ปโจ