12/06/2021
Mga kababayan, mga mamayang Pilipino, hayaan niyo po akong maipadama sa inyo ang pagmamahal sa bayan na siyang pumukaw sa kahalagahan ng pagiging makabansa
Libot daang taon ang nagdaan, mga iba't ibang panahon ang nilagpasan, mga dugo na dumaloy sa bakbakan, para sa bansa nati'y may kalayaan
Ibat ibang dayuhan ang nagisisipagsiksikan
Para makuha ang ina asam
Inalipin tayo na parang ibon, kinukulong sa hawla, pinutol ang mga pakpak para di makalipad. Sa mata ng alipin nagmamakaawa para masilayan ang pagsilang ng araw, subalit naabotan ang paglubog
Ang paglubog ng araw nangunguhulagang walang pag asa dahil dilim paparating, subalit sa kagitnaan ng kadliman, may liwanag na nag aapoy sa pagmamahal sa bayan. Liwanag na dinadala ng mga bayani, at ang bayani ang liwanag na nagdadala ng Pag asa sa Bansang nasaktan.
Tatanungin mo ang iyong sarili, kalayaan o negosyo? Bayan o sarili?. Marahil iilan sa at ang nagsisipagbulagbulagan tinakpan ang mga mata para di makita ang sakit ng bansa, tinakpan ang mga tainga para di marinig ang sigaw ng hinagpis dulot ng nga mananakop.
Karamihan nagsasabi na sila'y makabansa
Makabansa? Pero di pinapahalagahan ang wika
Makabansa? Pero ang sariling tradisyon at kultura ay kinalimutan
Makabansa? Pero nakikipagdigmaan laban sa Pilipino
Makabansa? Pero kinukolong ang sarili sa pag iidolo ng dayuhan
Makabansa? Pero di pinapahalagan ang historya ng bansa?
Nasaan ang pagiging makabansa kung kinukulong tayo sa atong sarili?
Ngayon, sabay natin punitin ang mga takip sa ating mga mata
Dahan dahang buksan at silayan ang inang bayan
Tayo'y dapat lumaban sa bayan kahit pandemya'y tila bang walang hangganan.
Dahan dahang ihakbang ang ating mga paa at bitbitin ang armas ng ating sarili at harapin ang kalaban.
Walang dugong masasayang, kung gagamitin ito para sa kalayaan.Mas mabuti pang mamatay na lumaban kaysa mamatay na alipin lamang.