03/19/2026
Happy 49th anniversary Isang mainit at taos-pusong pagbati sa buong EARIST Chapter sa nalalapit na ika-50 Anibersaryo ng KAPATIRAN!
Sa pagdiriwang ng ginintuang taon ng ating Kapatiran nawa’y magsilbi itong paalala ng ating matibay na pundasyon—ang pagkakaisa, pag-unawa, at tunay na kapatiran. Ang ating lakas ay nagmumula sa bawat miyembrong handang makinig, umunawa, at kumilos para sa ikabubuti ng lahat.
Sa darating na March 19,2027 ang taong 2026–2027, ay napakahalaga upang mapakita ang pwersa natin tayong lahat ,inaanyayahan ang bawat isa na maging mas aktibo, mas bukas sa pagtutulungan, at mas handang mag-ambag financially ng oras, talento, at puso para sa ating chapter. Ito ang panahon upang ipakita ang tunay na diwa ng “The Real BIG THING of EARIST Chapter” — hindi lamang sa laki ng selebrasyon, kundi sa lalim ng ating pinaglalaban at sa lawak ng ating malasakit sa isa’t isa.
Magkaisa tayo. Mag-unawaan tayo. Maging aktibo tayo.
Para sa mas matibay, mas masigla, at mas makabuluhang Kapatiran!
Mabuhay ang KAPATIRAN! Mabuhay ang EARIST Chapter!