12/02/2024
Being at school nowadays is exhausting. Kasi imagine isang student 8-10 SUBJECTS ang inaaral tapos may kanya-kanyang projects and requirements na kailangan icomply. Kaya physically and mentally draining na talaga siya. Tapos sasabihin nyo “GALING KA LANG NAMAN SA SCHOOL BAT KA NAPAPAGOD?” no, hindi basta basta “lang” ang naeexperience namin as a student everyday, hindi lahat ng students ay pare-pareho ang social status, i know na part yan ng pagiging estudyante pero wala na ba kaming karapatan na mapagod? kasi sa totoo lang pagod na pagod na pagod nako, pagod nakong mag commute araw-araw, pagod nakong mag-aral, pagod nakong magpuyat dahil sa mga imbak na schoolworks, pagod nako. Tapos may iba namang students na pagdating ng bahay ay maghuhugas, magluluto o maglalaba pa, ang iba naman nagttrabaho pa, so tell me bakit wala kaming karapatan na mapagod? Isa pa, hindi na goal ng students ang matuto kundi ang goal na namin ay yung makasubmit ng mga requirements during deadline, learning is not healthy anymore. May ibang parent naman na nagsasabi na “BAT NOONG PANAHON NAMIN?“ no, iba yung noon at ngayon, iba na rin kasi ang learning system ngayon, compare sa dati. Plus, sasabihin nyo na “WAG MO NAMAN KASING SERYOSOHIN” tapos kapag di naman nakasama sa honor list anong matatanggap namin? ikukumpara kami sa iba na kesyo yung anak ni ano ay ganito, o kaya naman sasabihin na puro kasi selpon at barkada inaatupag mo. I’m very tired. So, student have every right to be tired, and to rest. Don’t be guilty when you are resting, so be it. You deserve to rest as much as you want.