The Reflection

The Reflection The Reflection, the Official Student Publication of the School of Education at Holy Angel University

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I Angeles City Local Government Unit (LGU) declares suspension of classes today, August 25 in all public and pr...
24/08/2026

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I Angeles City Local Government Unit (LGU) declares suspension of classes today, August 25 in all public and private schools at all levels due to inclement weather.

Holy Angel University is yet to make an announcement.

Stay safe and dry, Talaturus!

MIDTERM EXAM WEEK NA?! HUMAN IS DA NA TALA IS TURUS!Midterm examination is just around the corner, Talaturus! A lot has ...
23/08/2026

MIDTERM EXAM WEEK NA?! HUMAN IS DA NA TALA IS TURUS!

Midterm examination is just around the corner, Talaturus! A lot has happened lately, from the class suspensions because of the prevailing weather conditions to endless activities. But we are now here to face a week-long journey full of caffeine and stressful exam papers. As we begin this stressful week, may we always remember to pause or rest for a bit for our mental and physical health.

Walang good luck galing kay crush? No worries, because Reple got you! πŸ˜‰πŸ¦‰

May our pens be the light that will guide us this coming exam week. And remember, we are always proud of you. Go and conquer that exam!

Good luck, dear Talaturus!

Caption by Ari Mae Gonzales
Layout by Ezekiele Roque

π—™π—˜π—”π—§π—¨π—₯π—˜ I Beyond One Way of Teaching: What RA 12322 Means for the Filipino ClassroomUsually at eight in the morning, eve...
22/08/2026

π—™π—˜π—”π—§π—¨π—₯π—˜ I Beyond One Way of Teaching: What RA 12322 Means for the Filipino Classroom

Usually at eight in the morning, every teacher stands in front of the class filled with different kinds of learners.

A student at the front opens her notebook before the teacher even arrives. Another leans back in his chair, waiting for the lesson to make sense. Someone learns best by listening. Someone else needs pictures. Another needs to try it with their own hands before the idea finally clicks.

Same classroom. Same lesson. Different learners.

For years, Philippine education has worked within a curriculum framework that included prescribed pedagogical approaches. One notable example is the spiral progression approach, where concepts are revisited across grade levels with increasing complexity. But classrooms are not formulas. What works for one learner may leave another behind.

This is where Republic Act No. 12322 comes in.

The law amends Republic Act No. 10533, or the Enhanced Basic Education Act of 2013 started last August 2, 2026, which gives the Department of Education (DepEd) greater flexibility in choosing the pedagogical approaches to implement in the Basic Education Curriculum. It removes the strict statutory requirement for a particular approach while allowing DepEd to determine what best helps learners achieve mastery.

At first glance, it may sound like another education policy change. But inside a classroom, it can mean something much more personal. It means the question of teaching is not only what to teach, but also how learners can best understand it.

Imagine an English teacher introducing a difficult literary text. One class might benefit from a close reading activity. Another might understand the story better through a role-play. A teacher may use collaborative discussion for one lesson and direct instruction for another. The goal remains the same: learning. The route does not always have to be the same.

RA 12322 does not mean that teachers are suddenly free to abandon curriculum standards or choose whatever method they prefer. The flexibility is intended to help DepEd determine pedagogical approaches that effectively support learning and mastery.

That freedom comes with responsibility. If teachers have more room to choose, they must also become more thoughtful about those choices. A teaching strategy cannot be considered effective merely because it is familiar. It has to answer a more important question: Did the learners actually learn?

This question matters more than ever in a generation shaped by rapid technological change, different learning environments, and diverse student experiences. The classroom of today is no longer the classroom of yesterday. Yet the purpose of education remains.

A child who finally understands a difficult lesson. A student who discovers confidence after struggling to speak. A learner who begins to see school not as a place where answers are given, but as a place where curiosity is welcomed.

These moments cannot always be produced by following one method. They require teachers who observe, adjust, experiment, and listen.

RA 12322 also provides for a comprehensive review of the basic education curriculum every five years, recognizing that education must keep responding to changing needs and realities. Perhaps, then, the law is not simply about removing one required teaching approach. Perhaps it is about recognizing something teachers have always known: learners are not all the same.

And if education is truly meant for every Filipino child, perhaps our classrooms should have more than one way of reaching them. Because sometimes, the difference between a student who says "I don't understand" and one who finally says "Ah, now I get it" is not the lesson itself. It is the way the lesson was taught.

Thus, giving teachers the freedom to find that way can be the first step toward giving every learner a chance to be heard, understood, and taught in the way they learn best.

Written by Emma Joyce MuΓ±oz
Layout by Hanna Beyonce Leakeshia Tugab

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I Angeles City Local Government Unit (LGU) suspends face-to-face classes at all levels in both public and priva...
19/08/2026

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I Angeles City Local Government Unit (LGU) suspends face-to-face classes at all levels in both public and private schools tomorrow, August 20, following the announcement of MalacaΓ±ang through Memorandum Circular No. 131 due to prevailing weather conditions.

Holy Angel University has yet to announce class arrangements.

Stay safe and dry, Talaturus!

π—žπ—’π—Ÿπ—¨π—  I Buw(A)n ng W(I)ka…?Kung ang ipinagdiriwang ay sariling atin, bakit likha ng makina ang inihahain? Sa pagsapit ng...
18/08/2026

π—žπ—’π—Ÿπ—¨π—  I Buw(A)n ng W(I)ka…?

Kung ang ipinagdiriwang ay sariling atin, bakit likha ng makina ang inihahain?

Sa pagsapit ng buwan ng Agosto, hindi maikakaila ang pagsilay ng mga kulay na p**a, asul, at dilaw sa mga paaralan. Ito ay tanda ng taunang kaganapan sa Pilipinas na kung tawagin ay β€˜Buwan ng Wika,’ kung saan binibigyan ng karangalan ang wika ng ating Inang Bayan.

Kadalasan, kapag ito ay ipinagdiriwang, laganap ang pagbibigay-pugay sa mga gawaing tatak-Pinoy. Gaya na lamang ng mga tradisyonal na sayaw at kantahan, balagtasan, pagsusuot ng Filipiniana’t barong, at iba pa. Hindi lamang ito paggalang sa ating bansa, kundi pagbibigay-puri na rin sa ating mayamang kultura.

Kaya’t isipin mo na lamang ang dismayang hatid ng mga kumakalat na balita tungkol sa pang-aabuso sa Artificial Intelligence (AI) ng mga paaralan sa kanilang pagdiriwang ngayong Agosto. Nararapat itong itigil at pahupain sa lalong madaling panahon dahil ang paggunita sa ating wikang Filipino ay ang pagkilala sa ating pagkatao at hindi ito sa pamamagitan ng paggamit ng makina.

Isa sa mga tampok na aktibidad ngayon sa mga paaralan ay ang mga paligsahan sa paggawa ng mga AI-generated na poster. Naging matunog na balita ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng isang pampublikong paralan mula sa Negros Oriental kaakibat ng temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon." Isa sa naging ilaw ng entablado sa kaganapan ay ang kanilang AI poster making contest. Ang pagkapanalo ng mga sasaling mag-aaral ay malalaman sa desisyon ng paaralan at sa mga makukuhang reaksiyon sa kanilang mga social media post, na siyang naging mitsa upang batikusin ng madla ang paligsahan.

Depensa ng paaralan kaya nila isinagawa ang programa at hikayatin ang mga estudyante sa patimpalak ay upang maisagawa at mai-akma ang mga aktibidad sa tema ng Buwan ng Wika ngayong taon. Isa rin sa naging pahayag ng paaralan ay, "Hindi naman siguro masama kung gagamit kami ng AI tutal nasa 21st century na tayo ngayon." Ngunit, kung ating tatandaan, ipinaalala na ng Komisyon sa Wikang Filipino sa isang press launching para sa Buwan ng Wika noong Hulyo 2023 ang halaga ng responsableng paggamit ng AI.

Ang paglalagay ng AI-generated works sa sentro ng mga patimpalak na dapat sumusukat sa malikhaing kakayahan ng mga mag-aaral ay salungat sa diwa ng Buwan ng Wika. Hindi lamang umiikot sa pagproklama ng wikang Filipino ang Buwan ng Wika; ito rin ay tungkol sa paghubog sa mga talentong taglay ng mga Pilipino, katulad na lamang sa larangan ng sining.

Tandaan natin na ang poster-making contests ay isinasagawa na sa mga paaralan noon pa man. Ngunit bakit ngayon ay mas pipiliing tangkilikin ang isang paskil na maaaring mabuo sa isang pindot lamang? Paano natin masasabing tunay ang pagkapanalo ng isang estudyante kung hindi naman nanggaling sa sariling niyang mga kamay ang piyesang nagwagi? Ang mga kompetisyon ay daan upang tasahin ang kakayahan ng isang tao, at ang paggamit ng artipisyal na tulong upang maisabuhay ang mga ideyang naiisip ay hindi alinsunod sa esensya ng tradisyonal na poster-making contests.

Ang tanong: bakit natin kailangang gumamit ng mga artipisyal na imahe upang maipamalas ang ating pagkakakilanlan? Hindi ba’t mas magiging makabuluhan kung ang obrang iaalay natin para sa pagpaparangal ng isang tradisyonal na pagdiriwang ay sa pamamaraang tradisyonal din?

Oo, laganap na ang AI sa masa. Saang sulok man ng komunidad, maging sa ating mga kani-kanyang telepono, ito ay ating nakikita. Kaya naman hindi rin masisisi ang mga taong nagsasabing dapat na itong tanggapin at gawing normal maging sa kontekstong pampaaralan, sapagkat gamit lamang ang isang pindot, ang ating mga nais gawin ay nabubuo.

Ngunit ating itatak sa sariling mga kaisipan ang kahusayan sa sining na ipinamalas ng mga Pilipino sa mga nagdaang taon, na inaasahan nating maipapamana sa susunod na henerasyon. Isipin na lamang natin ang mga kabataang may talento sa pagguhit at kung paano unti-unting hindi nabibigyang-pansin ang kanilang kakayahan dahil mayroong mga paligsahang nagpapatuloy kahit hindi naman nasusukat ang tunay na esensya ng sining.

Isa sa mga taglay na yaman nating mga Pilipino ay ang ating mga damdamin. Kapag tayo ay lumikha mula sa puso, ramdam na ramdam ang emosyon at dedikasyon sa kalalabasan.

Nakalulungkot lamang na sa paglaganap ng paggamit ng AI, nasisilaw ang mga malikhaing kaisipan at ulirang mga kamay ng sambayanan. Kaya naman, sana ay mabuksan ang kaisipan ng mga paaralan sa usaping ito upang maitaguyod ang mas responsableng paggamit ng AI sa anumang aspekto sa loob ng paaralan.

Magsilbi sana itong ehemplo upang gumawa ng mga hakbang para ihiwalay ang mga paligsahan sa larangan ng sining at larangan ng AI, o kaya naman ay mas bigyang-pansin ang mga paligsahan na prayoridad ang angking galing ng mga estudyante.

Nawa’y tayo ay tumapak muna pabalik at bigyang repleksyon ang lalim at kalubhaan ng sitwasyon, nang ating maisalba ang tunay na diwa ng Buwan ng Wikaβ€” ang awtentisidad.

Isinulat ni Raj Raymundo
Paglalapat ni Avrille Sangalang

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I In response to the Angeles City Local Government Unit (LGU) announcement of the suspension of classes tomorro...
18/08/2026

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I In response to the Angeles City Local Government Unit (LGU) announcement of the suspension of classes tomorrow, August 19, at all levels for both public and private schools, Holy Angel University shifts face-to-face classes to synchronous learning mode.

Following this, the campus will be closed.

Stay safe and dry, Talaturus!

π—žπ—’π— π—œπ—žπ—¦ I Hindi ito panahon para sa mga β€œjoke time” niyo Sa kasagsagan ng umiiral na masamang kondisyon ng panahon sa ban...
17/08/2026

π—žπ—’π— π—œπ—žπ—¦ I Hindi ito panahon para sa mga β€œjoke time” niyo

Sa kasagsagan ng umiiral na masamang kondisyon ng panahon sa bansa, hindi na bago sa mga mag-aaral ang maghintay sa anunsyo ng mga opisyal hinggil sa suspensyon ng klase.

Hindi sa dahil ayaw nilang pumasok, kundi dahil hindi sila pinahihintulutan ng mga pangyayari. Nang dahil sa baha at malakas na bugso ng ulan.

Ngunit kadalasan, ang paghihintay nilang ito ay isang biruan lang sa mga namumuno. Makikita ito sa mga post na gaya ng: β€œNaghihintay ba kayo?” β€œSecret!” Imbes na pormal na anunsyo ang ibigay, gagawin pang katatawanan ang komunikasyon sa oras ng sakuna.

Oo, nakasanayan na nating mga Pilipino ang magbiro kahit sa mga panahon ng sakuna, para kahit papaano, mabawasan ang bigat na dala ng mga ito. Subalit, para sa isang mag-aaral na nasa gitna ng hagupit ng panahon, walang espasyo para sa mga ganitong biro.

Dahil ang mga ganitong pakulo ng mga opisyal, patunay na mas uunahin pa ang katatawanan kaysa sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Ang pagpapaliban ng mabilisan at pormal na anunsyo sa mga ganitong oras ay nangangahulugang pangamba at kapahamakan sa mga mag-aaral na nakatira sa malalayo, sa mga nagko-commute, sa mga nasa dorm na mag-aatubiling bumalik na sa kanilang bayan.

Epektibo man ang mga ganitong pakulo online upang magkaroon ng maraming likes o shares, oras na para panagutin ang mga pinunong ito at tumuon sa kung ano talaga ang mahalagaβ€” ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Marahil, ang kailangan po namin ay kasiguraduhan mula sa inyo, hindi ang biruan, hindi ang paghihintay.

Isinulat ni Kate Lyanne Dalusung
Iginuhit ni Mikylla Sampana

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I MalacaΓ±ang has announced alternative learning modalities for all levels in public and private schools tomorro...
17/08/2026

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I MalacaΓ±ang has announced alternative learning modalities for all levels in public and private schools tomorrow, August 18, due to continuous heavy rainfall brought by Habagat.

It was announced through Memorandum Circular No. 128 and covers the National Capital Region and provinces including Pampanga.

Holy Angel University has yet to make an official announcement.

Stay safe and dry, Talaturus!

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I The Angeles City Local Government Unit (LGU) announces the suspension of classes tomorrow, August 16, at all ...
16/08/2026

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I The Angeles City Local Government Unit (LGU) announces the suspension of classes tomorrow, August 16, at all levels in both public and private schools due to continuous heavy rainfall.

According to the latest weather update from PAGASA, issued at 11:00 p.m., Pampanga will experience light to moderate rains with occasional heavy rains, which may persist for the next 3 hours.

Holy Angel University is yet to release an official announcement.

Stay safe and dry, Talaturus!

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I Holy Angel University announces that classes tomorrow, August 15, will shift to online learning due to prevai...
14/08/2026

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 I Holy Angel University announces that classes tomorrow, August 15, will shift to online learning due to prevailing weather conditions.

Following this, the campus will be closed.

Stay safe and dry, Talaturus!

Address

Angeles City
2009

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Reflection posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to The Reflection:

Shortcuts

Share