20/08/2026
𝐄𝐢𝐬𝐦𝐚 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐮𝐧𝐚-𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐈𝐧𝐯𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐢𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐥𝐢𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐃𝐞𝐛𝐚𝐭𝐞
Kinatawan ni Gio Eisma ng College of Hospitality Management (CHM), Cagayan State University–Aparri Campus ang CSU-Aparri sa kauna-unahang LNK 2026 Cagayan Asian Parliamentary Debate Invitational na isinagawa noong Agosto 19, 2026, sa CPIO-TeleRadyo Studio bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.
Sa unang araw ng kompetisyon, kabilang si Eisma sa Government side na nagsulong ng mosyong “ Abolishment of Senior High School.” Bilang bahagi ng kanilang argumento, binigyang-diin ni Eisma ang kalagayang pinansyal ng mga pamilyang Pilipino at kung paano ito maaaring makaapekto sa kakayahan nilang tustusan ang edukasyon.
“According to Philippine Statistics Authority, the average income of the Filipino is roughly around 325,000 annually which is equivalent 1000 per day and with higher inflation rate 6.2% as of June 2026, this wage is not enough to cater education.", aniya.
Sa pamamagitan ng kanyang argumento, ipinakita ni Eisma ang kanilang paninindigan tungkol sa dagdag na gastusin na maaaring kinakaharap ng mga pamilya sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng kanilang mga anak.
Nasubok din sa kompetisyon ang kanyang kakayahan sa critical thinking, public speaking, argument building, at confidence sa pakikipagpalitan ng ideya sa iba pang kabataang debaters.
Kasama sa kompetisyon ang mga debaters mula sa iba’t ibang institusyon sa Cagayan, kabilang ang International School of Asia and the Pacific (ISAP), University of Cagayan Valley (UCV), University of St. Louis Tuguegarao (USL), Medical Colleges of Northern Philippines (MCNP), at Saint Paul University Philippines (SPUP).
Layunin ng aktibidad na malinang ang kritikal na pag-iisip, pangangatwiran, at aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa mga usaping panlipunan. Ito ay isinagawa sa pangunguna nina BM Jirowell Alameda, SK Federation President, at ng Provincial Local Youth Development Office (LYDO), katuwang ang Cagayan Provincial Information Office (CPIO).
Magpapatuloy ang kompetisyon sa ikalawang araw, kung saan itatanghal ang kampeon sa kauna-unahang LNK Cagayan Asian Parliamentary Debate Invitational.
✍️ Yvonne Khel
🎨 Nicole Pinapin