14/02/2022
Para sa mga gustong maging ROTC officer ito nag ilan sa mga simpleng tips na gusto kong sabihin sa inyo :
1. Be prepared, kailangan lagi kang handa sa mga unexpected experiences, marami kang mararanasan na first time dito kaya be ready.
2. Lagi mong tatandaan na sa ROTC ang kailangan mo lang gawin ay ang SSS, sunod ng sunod ng sunod.
3. Kailangan wala kang hiyahiya sa katawan dahil katakot takot na kahihiyan ang mararanasan mo dito sa codename palang ewan ko lang. Kaya kung mahiyain ka at balak mong mag ROTC officer simulan mo na ngayon maging walang hiya dahil sinasabi ko sayo ikaw ang laging mapagtatripan.
4.Dapat matibay ang dibdib mo dahil bawal ang emotional sa ROTC madami kang matatanggap na masasakit na salita dito hindi para pababain ang self confidence mo kundi para pataasin.
5. Kailangan magaling ka sa time management dahil mahirap pag sabayin ang pagaaral at pagaROTC
6. Para sa babaeng gustong magofficer say goodbye to your hair. Say hello to boycut. Kaya kung mahal mo pa ang buhok mo wag ka ng mag officer. Pero sinasabi ko sainyo buhok lang yan hahaba pa yan pero yung experience na dito nyo lang mararanasan hindi na mauulit pa.
7. Never ever QUIT kasi nasimulan muna susukuan mo pa sayang yung mga pinagpaguran mo.
Madami pang kulang dyan pero tadaan niyo lang na hindi madaling maging officer madaming pagdadaanan pero magiging worth it lahat once na naging officer kana. Believe me, angsarap sa feeling sulit na sulit lahat ng iyak, hirap, at pawis mo!