AKRHO Balagtas Municipal Council

AKRHO Balagtas Municipal Council Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from AKRHO Balagtas Municipal Council, Sorority and fraternity, Balagtas Bulacan, Balagtas.

๐ŸคŸ
18/05/2026

๐ŸคŸ

Ang Holy Week sa Tagalog ay tinatawag na Semana Santa, o kilala rin bilang Mahal na Araw ay isang mahalagang panahon ng ...
26/03/2026

Ang Holy Week sa Tagalog ay tinatawag na Semana Santa, o kilala rin bilang Mahal na Araw ay isang mahalagang panahon ng paggunita para sa mga Kristiyano sa pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Karaniwan itong ginugugol sa taimtim na pananalangin, pagsisisi, pagninilay, at pagpapatawad.

Para sa marami, ito rin ay panahon ng pagbabalik sa mga pangunahing halagang dapat isabuhay tulad ng pagmamahal, pag-asa, at pagkakaisa.

Nawaโ€™y magsilbi ang Semana Santa bilang paalala ng kahalagahan ng buhay na may layunin at maging inspirasyon upang tayo'y maging mas mabuting tao โ€” para sa ating sarili, pamilya, at bayan.

04/03/2026
03/03/2026

INIWANG NAGHIHINGALO SA OSPITAL...
LALAKING HINIHINALANG BIKTIMA NG HAZING, PATAY

Isang lalaki ang nasawi matapos umanong maging biktima ng hazing at iwan na lamang sa isang pagamutan sa General Trias City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Sa kasalukuyan ay masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang mga taong posibleng sangkot sa krimen.

Ayon sa inisyal na impormasyon, dinala ang lalaki sa ospital ngunit iniwan ng mga kasama nito bago pa man makapagtanong nang maayos ang mga awtoridad.

Ayon sa ulat, bandang alas-2:11 ng hapon nang dumating sa General Trias Medical Hospital sa Barangay Manggahan ang isang Mitsubishi Mirage na may plakang NAV 9489.

Agad na tinawag ng mga sakay ng sasakyan ang atensyon ng mga hospital staff at sinabing biktima umano ng hit-and-run ang lalaking nasa loob ng kotse. Hiniling ng mga ito na agad na kunin ang pasyente at ipasok sa emergency room upang malapatan ng lunas.

Gayunman, matapos maibaba at maisugod sa loob ng ospital ang pasyente, mabilis na umalis ang mga sakay ng sasakyan nang hindi man lamang nagbibigay ng kanilang mga pangalan o anumang detalye hinggil sa insidente.

Dahil dito, lalong tumindi ang hinala ng mga awtoridad na may itinatago ang mga naghatid sa biktima. Iniwan nila ang lalaki sa kritikal na kondisyon at hindi na muling nagpakita.

Sa isinagawang pagsusuri ng mga doktor, nadiskubreng may mga paso at malulubhang sugat sa ibaโ€™t ibang bahagi ng katawan ng biktima, kabilang ang kanyang mga hita. Ang naturang mga pinsala ay hindi tugma sa isang karaniwang aksidente sa kalsada, dahilan upang maghinala ang mga imbestigador na posibleng biktima ito ng hazing.

Sa kabila ng agarang pagbibigay ng medikal na atensyon, idineklarang patay ang lalaki makalipas ang ilang oras.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa Land Transportation Office (LTO) sa Cavite upang matukoy ang rehistradong may-ari ng nasabing sasakyan. Layunin ng hakbang na ito na matunton ang driver at ang iba pang sakay ng Mitsubishi Mirage na naghatid sa biktima sa ospital. Inaalam din kung may kaugnayan ang insidente sa anumang fraternity o organisasyong nagsasagawa ng initiation rites sa lugar.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa sinumang may impormasyon hinggil sa insidente na makipag-ugnayan agad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Binibigyang-diin nila na mahigpit na ipinagbabawal ang hazing sa ilalim ng umiiral na batas at may kaakibat itong mabigat na parusa. Umaasa ang pulisya na sa tulong ng publiko ay mabibigyan ng hustisya ang nasawing biktima at mapapanagot ang mga responsable sa kanyang pagkamatay.

๐Ÿ๏ธ WANT TO JOIN? ๐Ÿ”ฅSKEPTRON RIDERS CLUBBalagtas Municipal CouncilInteresado ka bang maging parte ng isang organisadong Ri...
02/03/2026

๐Ÿ๏ธ WANT TO JOIN? ๐Ÿ”ฅ
SKEPTRON RIDERS CLUB
Balagtas Municipal Council

Interesado ka bang maging parte ng isang organisadong Riders Club na may disiplina, respeto, at tunay na kapatiran?

๐Ÿ‘‰ Delta Chi Chapter

02/03/2026

Let's go Balagtas Council

MAGANDANG ARAW PO๐Ÿ™๐ŸปBaka po sakaling matulungan nyo kami sa paghahanap po sa aking nawawalang kapatid na nagkaroon po ng ...
02/03/2026

MAGANDANG ARAW PO๐Ÿ™๐Ÿป
Baka po sakaling matulungan nyo kami sa paghahanap po sa aking nawawalang kapatid na nagkaroon po ng mental health problem ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป namayapa na po ang kanyang asawa at ang anak nya po ay lumalaban sa sakit na luekemia๐Ÿฅน๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป

LAST SEEN: FEBRUARY 32, 2026 1pm(bmc malolos)

HULING SUOT: GREEN TSHIRT/SANDO, BLACK SHORT AT BLACK SHOULDER BAG๐Ÿฅน๐Ÿ™๐Ÿป

"๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐š๐ญ ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐ž๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฎ๐ง๐š"Ang pag-survive ay simula pa lamang ng iyong paglalakbay. Itabi ang yabang at yakapin ang...
02/03/2026

"๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐š๐ญ ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐ž๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฎ๐ง๐š"

Ang pag-survive ay simula pa lamang ng iyong paglalakbay. Itabi ang yabang at yakapin ang aral ng mga nauna. Hindi lahat ng nakikita ng iyong mata ay tama sa mata ng kapatiran. Dito, hinuhubog tayo ng disiplinang may lalim at respeto. Aral bago angas. โ€™๐˜๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐’๐ค๐ž๐ฉ๐ญ๐ซ๐จ๐ง

Admin.Brn ๐Ÿซก๐ŸคŸ




#

08/02/2026

Good ha ๐Ÿคฆ

๐ŸคŸ๐Ÿซก
08/02/2026

๐ŸคŸ๐Ÿซก

Address

Balagtas Bulacan
Balagtas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AKRHO Balagtas Municipal Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share