23/10/2026
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ฑ๐ถ๐๐บ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป
Bagamaโt magdadalawang buwan pa lamang matapos gunitain ang Pambansang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag, hindi dapat nito nililimitahan sa iisang araw lamang ang proteksyon sa mga mamamahayagโbagkus ay araw-araw dapat itong isapuso.
Hindi biro ang sitwasyong kinahaharap ng mga mamamahayag sa bansa. Sinusuong nila ang liblib na sulok ng katotohanan, isinisiwalat ang madilim na katiwalian, at iniinda ang lapnos na balat dulot ng karahasan. Sapagkat wala ni isa rito ang kayang magpatahimik sa pusong tunay na pumapanig sa kapakanan ng bayan.
Sa pagsasa-reyalidad ng pangyayari, hinaras at muntik nang arestuhin ng Quezon City Police ang Bulatlat reporter na si Ernest Cruz, sa kabila ng pagpapakilala nito bilang isang midya. Nangyari ang insidente habang inuulat ng peryodista ang Southern Tagalog Salubungan ng Kampuhan ng Magbubukid sa tapat ng Department of Agrarian Reform (DAR) nitong Oktubre 19. Kinaladkad at pinagtangkaan siyang dakipin ng mga pulis na siyang nagresulta sa pagkasira ng kaniyang kasuotan at pagtatamo ng ilang mga sugat.
Ang The AXIS, ang Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Batangas, Ang Pambansang Pamantasan sa Inhinyeriya - Kampus ng Alangilan, sa ngalan ng buong patnugutan, mga miyembro-dyorno, at lahat ng naniniwala sa layunin ng publikasyong ito, ay mariing kinokondena ang nangyaring panggigipit at panghaharas ng pulisya sa peryodistang ang nais lamang ay mag-ulat ng katotohanan. Dahil sa oras na alisan ng karapatan ang malayang pamamahayag, inaalis na rin ang karapatang mabuhay sa demokratikong bansang ating kinabibilangan.