30/06/2026
Neophyte o Pledgee Days.
Ito ang mga panahong kahit tama ka, parang mali ka pa rin. Mga panahong napapagalitan, napagtatawanan, at inuutus-utusan tayo ng kung ano-ano ng ating mga Lords at Ladies. Mga panahong ramdam ang pressure sa pagkakabisado ng ating mga aralin at sistema ng SRB o nang Tickler, dahil alam nating sa harap ng mga terror na Lords at Ladies natin ito irerecite.
Sa bawat pagkakamali ay may kaakibat na iindahing parusa. Noon, akala natin iyon lang ang layunin. Akala natin puro hirap, puro disiplina, at puro pagsubok.
Ngunit habang tumatagal, doon natin nauunawaan ang tunay na aral. Tinuturuan pala tayo na sa tunay na buhay, hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang tama. Hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang mas mataas. Hindi rin palaging ikaw ang masusunod kahit ano pang taas ng antas ng buhay mo. Hindi rin puwedeng lagi kang may dahilan o palusot sa bawat pagkukulang at pagkakamali. Higit sa lahat, hinuhubog tayo upang maging mapagpakumbaba, matatag, magkusa, disiplinado, at handang kumilos nang hindi naghihintay ng papuri o pagkilala. Dahil ang tunay na diwa ng ating mahal na kapatiran ay hindi nasusukat sa antas, posisyon, o palakpakan ng tao. Nasusukat ito sa tahimik na paglilingkod. Sa katapatan sa kapatiran, at sa pusong laging handang maglingkod.
Isabuhay palagi ang aral na natutunan sa paglalakbay sa landas ng Scouting. Gabay yan at sistemang umiiral sa bawat SRB.