Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, ICCT Colleges

Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, ICCT Colleges Pahinang makakasangkapan sa paghubog ng ating kasanayan at dunong sa wika, linggwistika at panitikan sa asignaturang Filipino.

Layon nitong makaambag sa paglinang at pagpapa-unlad ng wikang Filipino sa isang kontekstwalisadong pamamaraan.

BRIGADA ESKWELA 2026 | Krus na Ligas High SchoolNaging bahagi ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL) ng Bri...
02/06/2026

BRIGADA ESKWELA 2026 | Krus na Ligas High School

Naging bahagi ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL) ng Brigada Eskwela na isinagawa sa Krus na Ligas High School noong ika-1 ng Hunyo 2026.

Ang gawaing ito ay hindi lamang nakatuon sa paglilinis at pagsasaayos ng mga silid-aralan at kapaligiran kundi sumisimbolo rin ito ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mag-aaral, g**o, magulang, at mga boluntaryo para sa ikabubuti ng komunidad ng paaralan.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, naipapakita ang diwa ng bayanihan na patuloy na nabubuhay sa ating komunidad. Isang paalala na sa sama-samang pagkilos, mas nagiging maayos, ligtas, at handa ang paaralan para sa panibagong taong panuruan.


Maligayang Kaarawan! Bb. Anjie L. Bronia - Pangalawang Pangalulong Panloob Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingk...
21/05/2026

Maligayang Kaarawan!
Bb. Anjie L. Bronia - Pangalawang Pangalulong Panloob

Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod, dedikasyon, at mahalagang ambag sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino. Ang iyong sipag, pagiging maaasahan, at suporta sa bawat gawain ng organisasyon ay tunay na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon sa bawat kasapi. Nawa’y mapuno ng saya, tagumpay, at maraming biyaya ang iyong espesyal na araw, at patuloy kang pagpalain sa lahat ng iyong mga mithiin. Maligayang kaarawan!


Isang taos-pusong pagbati kina Bb. Chelsea N. Pascual, LPT at Bb. Cristine Joy P. Leste, LPT sa matagumpay na pagpasa sa...
12/05/2026

Isang taos-pusong pagbati kina Bb. Chelsea N. Pascual, LPT at Bb. Cristine Joy P. Leste, LPT sa matagumpay na pagpasa sa March 2026 Licensure Examination for Teachers!

Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong sipag, tiyaga, dedikasyon, at matibay na pananampalataya sa sariling kakayahan.

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa marami at maging daan sa patuloy na pagbibigay-liwanag at paggabay sa mga kabataan.



Mabuhay ang mga bagongLinsensyadong Guro🎉 Tunay ngang kayo ang mga tagahubog ng kinabukasan ng ating bansa. Ang inyong s...
12/05/2026

Mabuhay ang mga bagong
Linsensyadong Guro🎉

Tunay ngang kayo ang mga tagahubog ng kinabukasan ng ating bansa. Ang inyong sakripisyo, tiyaga, pagpupursige, at walang sawang pagrerebyu ay nagbunga ng tagumpay na matagal ninyong pinangarap.

Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon at patuloy na maging ilaw sa landas ng karunungan at edukasyon.

Mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL), kami ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng inyong tagumpay.



Paano mag-apply at enroll as NEW STUDENT sa ICCT Colleges para sa AY2026-2027?  Online Application & Enrollment Procedur...
11/05/2026

Paano mag-apply at enroll as NEW STUDENT sa ICCT Colleges para sa AY2026-2027?

Online Application & Enrollment Procedure:

STEP 1: APPLY THROUGH ONLINE. Gamit ang iyong cellphone or pc, mag-apply po tayo through ICCT Online Application Portal – https://sms.icct.edu.ph ;

 I-click ang “Create Account” at sagutan ang mga detalyeng kailangan; siguraduhing active ang e-mail address at mobile phone number;
 Kayo ay makakatangap ng application number (Ex. CA2526A00001);
 Makakapag-activate lang po tayo ng Student Portal kapag tayo ay natapus na ng Step 5.

STEP 2: PAYMENT OF APPLICATION / REGISTRATION FEE. Magbayad ng Application Fee na P220 (College Applicant) or Registration Fee na P370 (SHS Grade 11).

 Gamitin ang application no. at inyong pangalan para magbayad sa OVER-THE-COUNTER PAYMENT CENTER tulad ng Mlhuillier, Cebuana Lhuillier, PBB (All Branches); or ONLINE PAYMENT APS tulad ng HelloMoney, and Unionbank;
 Kung thru REALTIME PAYMENTS tulad ng GCash, ECPay, 7Eleven, CLIQQ or PalawanPay, humingi po tayo ng Reference Number (RefNum) for application fee or registration fee sa Admissions Officer; or maaari ding mag-email kay [email protected] (paki-indicate po ang inyong Full Name, Application No and Course)

STEP 3: SUBMIT ADMISSION DOCUMENTS. I-sumite ang mga school admission requirements sa ICCT Colleges – Admissions Office mula Monday to Saturday except Holidays, from 7am to 7pm;

 Proof of Payment for Application Fee (P220.00)
 SHS (Grade 12/Form 138A/SF9) (Original Copy)
 SHS Form 137A/SF10 (Original Copy)
 Certificate of Good Moral Character (Original Copy)
 Two (2) photocopies of SHS (Grade 12) or HS Diploma
 Two (2) photocopies of PSA Birth Certificate
 Four (4) pcs. 2x2 Color Picture (White Background)
 ALS/PEPT Certificate (kung kayo ay ALS Passer / PEPT Eligible for College)

STEP 4: RELEASING OF TENTATIVE CLASS SCHEDULE (TCS). makakatangap po kayo ng Tentative Class Schedule (TCS) starting April 30, 2026. Sa TCS natin makikita ang inyong subjects, section, at class schedules.

STEP 5: PAYMENT OF TUITION FEES. Dahil may TCS ka nap o, maaari ng magbayad ng downpayment (P1,000 for OL & EL Classes / P1,140 for LF Classes) o ang total cash amount sa ating authorized PAYMENT centers/apps.

 Kung sa Mlhuillier, Cebuana Lhuillier, PBB (All Branches), HelloMoney, and Unionbank magbabayad, lagyan ng “DP” or “FP” code (Down Payment / Full Payment) sa dulo ng inyong application no. (Ex.: CA2526A00001DP);
 Kung thru REALTIME PAYMENTS - Gcash, ECPay, 7Eleven, CLIQQ or PalawanPay, humingi po tayo ng Reference Number (RefNum) for DP or FP sa Admissions Officer;
 Kung ikaw ay incoming SHS Grade 11 from public schools, kayo po ay otomatikong under the DepEd SHS Voucher Grantees, kaya magbayad lang po ng P370.00 para sa buong school year; at kung kayo naman ay completer from private JHS or ESC Grantees or PAYEE, P1,370.00 po ang Downpayment na babayaran;
 Susundan po eto ng text message mula sa “ICCT Info” kung saan makikita ang iyong Student ID Number (Ex. CA202500018) within 2 to 3 banking days mula sa araw na kayo ay nagbayad;
 Ugaliing itago ang proof of payment for future references.

STEP 6: ACTIVATE YOUR STUDENT PORTAL. Kung natapus na po natin ang STEP 5, at may natangap na Text Message (ICCTinfo), makikita po doon ang inyong Student ID Number (Ex. CA202600018). Gamitin po eto as your initial username (Ex. CA202600018) at ang initial password ay ang iyong LASTNAME in capital letters (Ex. DELA CRUZ) para makapag-create ng inyong account sa ICCT Colleges Student Portal (Blue).

 Siguraduhin na ang WEB BROWSER ng inyong Celphone, Laptop, Tablet or PC ay CHROME, FIREFOX or SAFARI (Iphone); at sundan ang proseso.
 Please take note of your NEW USERNAME and PASSWORD during your initial set-up dahil yun na ang gagamitin once mag-RELOGIN sa portal.
 Tandaan or isulat ang mga sagot ng inyong tatlong SECURITY QUESTIONS for future use.
 Kung sakaling nahihirapan pa rin kayo gamitin ang Student Portal, maaari kayong mag WALK IN muli sa ICCT para maturuan.

STEP 7: GENERATE & DOWNLOAD YOUR ORF. Sa DASHBOARD ng inyong Student Portal account, makikita ang REGISTRATION menu at gawin ang mga sumusunud:
 I-click ang Registration menu at saka ang Tentative Class Schedule & Assessment button.
 Sa OFFICIAL REGISTRATION & ASSESSMENT button, pindutin at maaari mo ng i-download ang inyong OFFICIAL REGISTRATION FORM (ORF).
 Mula sa inyong ORF, makikita ang mga Class Codes para sa Google Classroom, nasa ibaba po eto ng bawat Subject Codes.
 Para sa mga SHS Voucher Grantees, please disregard ang Assessment of Fees dahil covered na po kayo ng DepEd SHS Voucher Program.

STEP 8: ATTEND NEW STUDENT ORIENTATION. Kayo ay makakatangap ng schedule para sa orientation or i-follow ang official FB page ( www.facebook.com/IM4ICCT ) para sa anunsyu ng Orientation Schedule base sa inyong Campus at Student ID Nos. Mag-uumpisa ang New Student Orientation sa June 15, 2026.

 Tinatalakay sa New Student Orientation ang School Policies (Student Handbook), tamang pag-gamit ng Student Portal, Google Classroom & Blackboard, Learning Modalities (OL, LF & EL Classes).
 Gagabayan din po tayo sa iba’t ibang opisina or departamento kung saan po tayo dapat lumapit or humingi ng assistance.
 At ang mga alituntunin sa unang araw ng pasukan.

STEP 9: STUDENT ID PROCESS & REALEASING. Pumunta sa Library Department ng inyong Campus or sumangguni sa Admissions Office para magpagawa at makuha ang inyong Student ID and Library Card mula Monday to Saturday except Holidays, 7AM to 7PM.

Note:
 Maaari na rin po tayo humingi ng FORM 137 REQUEST LETTER sa inyong Admissions Officer kapag tayo po ay meron ng Official Registration Form (ORF) na.
 Siguraduhin na lahat ng Admission Documents na pinasa sa ICCT Colleges at meron din po kayong copies for future references.
 Maaari rin po kayong tumawag sa ating Tele-Assistance Hotlines (CALLS ONLY): (02)7.001.4228.

Maligayang Araw ng mga Ina!Isang taos-pusong pagpupugay at parangal ang aming iniaalay sa lahat ng mga ilaw ng tahanan n...
09/05/2026

Maligayang Araw ng mga Ina!

Isang taos-pusong pagpupugay at parangal ang aming iniaalay sa lahat ng mga ilaw ng tahanan na nagsisilbing gabay, lakas, at inspirasyon sa bawat hakbang ng kanilang mga anak. Sa kabila ng pagod at sakripisyo, patuloy ninyong ibinibigay ang walang kapantay na pagmamahal, pag-aaruga, at pag-unawa.

Kayo ang unang g**o, unang kakampi, at walang sawang sumusuporta sa bawat pangarap at pagsubok na hinaharap ng inyong pamilya. Nawa’y magsilbing paalala ang araw na ito kung gaano kayo kahalaga at kamahal sa aming buhay.

Mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL), kami ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina.

Mabuhay ang lahat ng mga Ina!




Maligayang Pagtatapos, Panuruang 2026!Taos-pusong pagbati sa mga mag-aaral na nagsipagtapos ngayong taon. Ang inyong sak...
07/05/2026

Maligayang Pagtatapos, Panuruang 2026!

Taos-pusong pagbati sa mga mag-aaral na nagsipagtapos ngayong taon. Ang inyong sakripisyo, tiyaga, at pagsusumikap ay nagbunga. Bawat pahina ng inyong paglalakbay ay may dalang aral, tagumpay, at mga hamong nalampasan.

Ang pagtatapos na ito ay simula ng panibagong kabanata sa inyong buhay. Dalhin ninyo ang mga aral at patuloy na abutin ang inyong mga pangarap.

Mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL), kami ay nakikiisa sa inyong tagumpay.

Mabuhay ang Panuruang 2026!





Maligayang Kaarawan Bb. Rhia May Plid - Kinatawan ng Taytay Kampus!🎉Maraming salamat sa iyong tapat at walang sawang pag...
03/05/2026

Maligayang Kaarawan Bb. Rhia May Plid - Kinatawan ng Taytay Kampus!🎉

Maraming salamat sa iyong tapat at walang sawang paglilingkod sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino. Nawa’y lalo pang magniningning ang iyong kahusayan at dedikasyon sa bawat adhikain ng organisasyon. Hangad namin ang iyong kaligayahan sa espesyal mong araw!


ONLINE PAYMENT ADVISORYPlease be informed that the online payment facility in the AIMS Student Portal is temporarily una...
02/05/2026

ONLINE PAYMENT ADVISORY

Please be informed that the online payment facility in the AIMS Student Portal is temporarily unavailable.

In the meantime, students may settle their dues/fees through available over-the-counter payment centers and payment apps indicated in the advisory.

We appreciate your patience and understanding as we work to resolve this matter.

Thank you and stay updated for further announcements.

Address

Cainta

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, ICCT Colleges posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share