18/10/2026
Tayo'y makiisa, makipagkilala, at makibahagi sa isang pagtitipon tungo sa kamalayan sa ating lipunan sa gaganaping 𝗧𝗔𝗧𝗦𝗨𝗟𝗢𝗞 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗮𝗹𝘂𝘆𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲, sa ika-24 ng Oktubre taong 2026 (Sabado) sa University of Perpetual Help System DALTA - Calamba Campus.
Kitakits sa SouthDaluyan 2026! 🔱
Pwede magtanong? Ahm.. Never Grow Old? Mali!
Itatanong lang namin… Kamusta na ang rehistrasyon ng inyong organisasyon? Dagdag 5K kung tapos na 😛 Pero… Narinig mo ba? Ay hindi pa? P’wes, ipatawag ang mga kapitbahay, may anunsyo ako sainyo. Ngayon ang araw na isasara na ang rehistrasyon ng 𝗧𝗔𝗧𝗦𝗨𝗟𝗢𝗞 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗮𝗹𝘂𝘆𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆𝗿𝗼𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗺𝗮𝗻𝗴 “𝗧𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻, 𝗕𝗼𝘀𝗲𝘀 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻: 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻”
Oops.. bago ‘yan para mas maging klaro sa lahat, kailan nga ba gaganapin ang Sandaluyan na ito? 𝐢𝐤𝐚-𝟐𝟒 𝐧𝐠 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔. Sabado ito, Ka-Tatsu! Impake na at baunin ang kagustuhan na matuto pa tungkol sa katotohanan at kamalayan sa lipunan.
Ito ay pagkakataon para makasama ang iba't ibang organisasyon at kasapi mula sa buong South Luzon, makapagpalitan ng kaalaman at karanasan, at mapalalim ang pagkaunawa sa mga isyung humuhubog sa ating lipunan. Dito, hindi lang tayo makikinig, kundi magiging boses din ng pagbabago. Hindi lang tayo nagtitipon para makadalo, nagtitipon tayo upang magsalita, makinig, matuto, at makiramdam.
𝐀𝐭 𝐭𝐮𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐠𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐠𝐢𝐭𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐥𝐢𝐦, 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐝𝐚𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐦𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐢𝐠𝐢𝐝, 𝐦𝐚𝐬𝐮𝐫𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐫𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐢𝐬𝐢𝐩, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨. Dahil ang isang makabuluhang pagbabago ay nagsisimula sa mga tinig na may lakas ng loob na magsalita at sa mga pusong handang makinig sa karanasan ng iba.
Teka lang muna wait! Sa pamamagitan ng Facebook Reaction, ibahagi mo naman ang naging estado ng rehistrasyon ng inyong organisasyon gamit ang tatlong reaction na sumisimbolo bilang:
❤️ - 𝐌𝐚𝐦𝐚, 𝐑𝐃𝐒 𝐧𝐚 𝐚𝐤𝐨. 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐃𝐞𝐥𝐞𝐠𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐝𝐚𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔
😆 - 𝐖𝐚𝐢𝐭 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨, 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐑𝐃𝐒
🥰 - 𝐍𝐞𝐱𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐨, 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐲𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧
Huling araw na, isang simbolo na nalalapit na ang araw ng SOUTHDALUYAN! Tinig mo. Karanasan mo. Kamalayan nating lahat. Kita-kits sa TATSULOK South Luzon - Sandaluyan 2026! 💙💛
𝙏𝙪𝙣𝙜𝙤 𝙨𝙖 𝙎𝙞𝙠𝙤𝙡𝙤𝙝𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖, 𝙢𝙖𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖, 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜𝙖!
Isinulat ni: Merylle Angela Umali ng DLSP
Likha ni: Princess Carol Jimenez ng SSCRDC