28/08/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐ - ๐:๐๐ ๐จ๐ง๐ฐ๐๐ซ๐๐ฌ
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 132 ng Malacaรฑang, suspendido simula alas-1:00 ng hapon ngayong Biyernes, Agosto 28, 2026, ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Oriental Mindoro.
Ang suspensyon ay ipinatutupad dahil sa inaasahang paglala ng Southwest Monsoon (Habagat) dulot ng Low-Pressure Area (LPA) na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Dahil dito, walang pasok at suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng Mindoro State University (MinSU) ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ-๐:๐๐ ๐ง๐ ๐ก๐๐ฉ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ, maliban sa mga tanggapan at personnel na kabilang sa vital services, kabilang ang medical services, security services, at mga personnel na nakatalaga sa pangangalaga ng plant and animal projects. Inaatasan ang mga ito na mahigpit na sundin ang mga safety precaution at protocol.
Pinapayuhan din ang lahat ng tanggapan na tiyaking ligtas at maayos ang mga kagamitan, dokumento, at iba pang mahahalagang ari-arian, at maayos na maisara at mapangalagaan ang mga opisina at gusali bago umalis.
Manatiling mapagmatyag, unahin ang kaligtasan, at magsagawa ng kinakailangang pag-iingat ngayong panahon ng masamang lagay ng panahon.
Ingat po tayong lahat, MinSUans!