17/04/2026
๐๐๐ฉ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐๐ง ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ ๐ค๐ข๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ฐ๐ข๐ซ๐๐ง ๐๐ญ ๐๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ค๐๐ฌ๐๐ง, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ฌ๐ ๐รก๐ง-๐๐ฐ: ๐๐๐ซ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐๐ง ๐๐๐๐
Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 968, s. 2015 na nagtatagubilin na ang Abril ay Buwan ng Panitikang Filipino, matagumpay na naidaos ang ๐งร๐ก-๐๐ช: ๐ง๐ฒ๐ฟ๐๐๐น๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ na may temang โBekรซt Panitikan Para sa Katwiran at Kalikasan,โ Biyernes, 17 Abril 2026 via Zoom.
Binuksan ng tertulya ang diskurso ng kapangyarihan ng panitikan bilang lunan ng matalinong pagpapasya at masidhing pangangalaga sa kapaligiran.
Dinaluhan ng humigit-kumulang 200 kalahok mula sa ibaโt ibang panig ng bansa, ang webinar ay nagsilbing tulay sa pagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), PUP Open University, Isabela State University (ISU), Sentro ng Wika at Kultura at Kolehiyo ng Edukasyon upang pag-isahin ang tinig ng akademya sa pagtataguyod ng pambansang kamalayan.
Sa pambungad na mensahe ni Prop. Boyet L. Batang, PhD, Pangulo ng Isabela State University, SUC IV, binigyang-diin ang papel ng sining sa paghubog ng kritikal na kaisipan. Sinang-ayunan ito nina Dr. Manuel M. Muhi, Pangulo, PUP, at Prop. Precila C. Delima, PhD, Pangalawang Pangulo para sa Ugnayanh Akademiko ng ISU, na kapuwa naniniwala na ang kolaborasyong intelektuwal ang susi sa mas matibay na pagpapahalaga sa ating panitikan at kultura. Nagbahagi rin ng mahalagang mensahe si Atty. Marites Barrios-Taran, Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino, tungkol sa pambansang direksiyon ng panitikang Filipino.
Binuksan ni Eros S. Atalia, beteranong manunulat at miyembro ng fakulti ng DLSU-Manila, ang talakayan sa isang mapanghamon at makabagong perspektiba sa Malikhaing Pagsulat sa kaniyang paksang โIntroduksiyon sa Malikhaing Pagsulat at iba pang Ka-churvahan ng
Pagsusulat ng Ganehrn.โ Dagdag pa, ibinahagi niya na dapat maging malinaw sa manunulat kung bakit sya magsusulat, para kanino siya magsusulat, at bakit siya dapat basahin.
Hindi lamang nanatili sa teorya ang talakayan, bagkus ay lalo pa itong nag-alab sa pamamagitan ng apat na mahahalagang saliksik na naglayong iugnay ang teksto sa realidad ng lipunan at kalikasan.
Ang Ubbog ti Asin: Kuwento at Kuwenta ng mga Babaeng Mannurat ng Nueva Vizcaya ni Dr. Lovella Gamponia Velasco ng Nueva Vizcaya State University ay pinagpugayan ang mga kababaihang manunulat ng rehiyonal na panitikan. Sa pamamagitan ng paghimay sa kanilang mga akda, ipinakita ni Dr. Velasco kung paano nagiging instrumento ang panulat ng kababaihan sa pagprepreserba ng lokal na kasaysayan at sa paglalatag ng matatag na pundasyon ng pagkakakilanlan ng mga taga-Nueva Vizcaya sa gitna ng nagbabagong panahon.
Samantala, ang saliksik ni Prop. Alvin M. Ortiz ng PUP na SIRENA: Ang Bakla sa Kamalayang Pilipino na Makatao ay isang matapang na pagbaklas sa mga estereotipo. Gamit ang metapora ng "Sirena," sinaliksik ng papel ang masalimuot na karanasan at diskurso ng kasarian sa Pilipinas. Binigyang-diin dito na ang pag-unawa sa pagkatao ng mga nasa laylayan ay isang anyo ng pagpapatatag sa katwiran, isang panawagan para sa mas inklusibo at makataong lipunan.
Dagdag pa rito, ang โAlamat ng mga Gaddang: Estruktura, Gampanin, at mga Implikasyonโ na saliksik ni Dr. Kristopher R. Lopez ng ISU ay pinalalim ang gampanin ng tradisyong oral ng mga Gaddang. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa estruktura ng kanilang mga alamat, naipakita ang mahigpit na ugnayan ng katutubong karunungan sa pangangalaga ng kalikasan at identidad.
Panghuli, ang saliksik na โDokumentaryo bilang Panitikang Filipino: Katuwiran at Kamalayang Pangkalikasan sa mga Obrang Kaigorotan (1986) at The Greening of Libertad (1992)โ ni Kawaksing Prop. Rosemarie Omnes Roque ng PUP ay isang makabagong pagtanaw sa dokumentaryong pelikula bilang mabisang anyo ng panitikan sa modernong panahon.
Naghatid ng matatalas na reaksiyon at pagsusuri sina Prop. Jomar G. Adaya ng PUP at Dr. Mark Jhon R. Prestoza ng ISU na lalong nagpalalim sa malayang talakayan kung saan aktibong nakilahok ang mga g**o, mag-aaral, at mga mananaliksik.
Sa pagtatapos ng programa, nag-iwan ng hamon si Dr. Rudolf Anthony A. Lacerna ng PUP-OUS na panatilihing buhay ang "Tรกn-aw"โang pagtanaw sa ating nakaraan at hinaharap gamit ang lente ng panitikan na may katuwiran at pagmamahal sa kalikasan.
Sa huli, patunay ang Tรกn-aw 2026 na ang panitikan ay hindi lamang nananatili sa mga pahina ng aklat kundi isang buhรกy na puwersang nagpapakilos sa makatuwiran at makakalikasang bansa.