23/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐ผ๐ค
Nagpamalas ng natatanging kahusayan ang mga mag-aaral ng BSEd-Filipino bilang mga kalahok na kumakatawan sa Unit III, na binubuo ng CTE, Laboratory Schools, CTech, at CARBE, sa ginanap na ๐๐ซ๐ญ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ bilang bahagi ng Intramurals 2026.
Sa kategoryang Literary Arts, matagumpay na nasungkit ni Melanie Foronda mula sa BSEd-Filipino 4 ang Ikatlong Puwesto sa larangan ng Pagsulat ng Sanaysay.
Samantala, sa kategoryang Dramatic Arts, nakamit nina Ericson P. Alambat at Jholynclaire Piรฑol ang Ikalawang Puwesto sa Pandalawahang Pag-arte (Filipino Duo Acting) dahil sa kanilang mahusay na pagganap. Itinanghal si Alambat bilang Best Actor, at nakamit din ng grupo ang parangal na Best in Script.
Dagdag pa rito, nakamit nina Aron Jake Lopez at Mark Lester Lopez ang Ikatlong Puwesto sa Short and Sweet Play Dialogue. Ipinagmamalaki rin ng kapisanan ang mahusay at katangi-tanging paglahok ni Maia Dennise Oliva sa kategoryang Radio Drama.
Naging posible ang kanilang mga tagumpay sa pamamagitan ng gabay at pamumuno ni Head Coach G. Joven Andrian Respicio, gayundin ng mahalagang suporta at pamamatnubay ng mga tagapagsanay na sina Dr. Novelyn T. Barcena, Dr. Nancy T. Ubilas, at G. Jake Garnace.
Muli, pagbati sa ating mga mag-aaral at tagapagsanay! Taas-noo, Unit III!