21/09/2026
𝐂𝐑𝐒𝐒𝐂𝟐𝟔𝟐𝟕: 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐓𝐄𝐒
𝘚𝘦𝘱𝘵𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 21: 54th Anniversary of 1972 Martial Law Declaration
“𝗗𝗲𝗺𝗼𝗰𝗿𝗮𝗰𝘆 𝗶𝘀 𝗱𝗲𝗮𝗱.” Ito ang ipinaloob ng estudyanteng-manunulat na si Liliosa R. Hilao sa kanyang libreta, matapos ideklara ni diktador Ferdinand Marcos Sr. ang pambansang Martial Law sa pamamagitan ng Proclamation No. 1081, pinetsahang Setyembre 21, 1972.
Ang implementasyon nito ay tahimik na sinimulan ni Marcos noong Setyembre 22, ngunit hindi niya aanunsiyuhin sa publiko ang proklamasyon hanggang Setyembre 23, sa isang brodkast ng 7:15 ng gabi. Simula noon, kulay itim ang sinuot ni Liliosa, tila ipinagluluksa ang patay na demokrasyang Pilipino. Kabilang sa kanyang maraming pang-estudyanteng aktibidad, inilabas niya ang kanyang kathang “Democracy is Dead in the Philippines under Martial Law” sa Hasik, ang noong pangestudyanteng publikasyon ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Pitong buwan ang makalipas, noong Abril 1973, ipinasok ng mga lasing na miyembro ng Constabulary Anti-Narcotics Unit ang tahanang Hilao, at malubhang binugbog si Liliosa sa harap ng kanyang pamilya. Dinakip nila ang babaeng ‘studyante at dinala sa Camp Crame, kung saan siya’y mapapailalim sa tortyur at karahasang pisikal at sekswal sa susunod na mga araw. Matapos matagpuang dispigurado at may ebidensya ng tortyur ng kanyang nakatatandang kapatid na si Alice sa Camp Crame Station Hospital, ipapaalam sa kanila na pumanaw na si Liliosa sa sugat at pinsala. Pinarangalan siya ng pamantasan ng gawad ng posthumous cm laude, at nireserbahan ng bakanteng upuan sa kanilang seremonyang pagtatapos dalawang linggo lamang ang makalipas ng kanyang pagkamatay. Kikilalanin si Liliosa Hilao bilang martir, bayani, ang unang biktimang namatay sa detensyon sa ilalim ng panunupil at karahasan ng diktaduryang Marcos Sr.
Isa lamang ito sa mga madilim na katotohanan ng Martial Law. Malaking bahagi ng mga pangalang nakaukit sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City ay mga pangalan ng kabataan at estudyante, kung kaninong mga balikat ay nahatulan ng bigat ng pakikibaka, kung kaninong sakripisyo ay patuloy na umaalingawngaw, dekada nang nakalipas. Ngunit ang kanilang pagkamartir ay hindi dapat iniluluwalhati yaong sa mga manlalaban at mandirigma, na siyang buhay ay itinakdang ialay para sa bansa, dahil ang pagsasaisip nito ay pagabandona sa katotohanang hindi naman silang karapat-dapat na mamatay– hindi dapat binawi ang kanilang buhay bilang kabataan sa kamay ng mga sakim at makasalanan. Sila’y mga estudyante– mga manunulat, mananaliksik, estudyanteng-lider– na may kinahaharap sanang maliwanag na kinabukasan kundi dahil sa diktadurya.
Ipagpasiya natin na ang pagkitil kay Liliosa– at sa lahat ng mga martir noon at ngayon– ay magsilbing mabigat na paalalang 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗺𝗼𝘁, paalalang pakinggan ang babala ng kasaysayan: na sa gobyernong kayang unahin ang pansariling interes, sa kamao ng mga lideratong handang magpaka-diktador, handang isakripisyo ang buhay ng mamamayang Pilipino, tayong lahat ang talunan– babala na 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗠𝘂𝗹𝗶 makaladkad ang taumbayan sa putik at lusak ng diktadurya at Martial Law, at paalala na nasa ating lahat ang kapangyarihang talunin ang mga pwersa ng kawalang-hustisya, nasa ating lahat ang tungkuling bantayan at pangalagaan ang kinabukasan ng bansa at ng isa’t isa.
-
Communicate with us through our accounts!
Facebook: /thecrssc.dlsmhsi
Instagram:
*The views and opinions in this post are of the CRS Student Council's, and do not reflect those of the institution, its students, and administration.