19/04/2026
๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐๐จ๐ฅ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐๐๐ซ-๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ
Ang nagkakaisang hanay ng mga mag-aaral ng UP Mindanao, sa pamumuno ng mga kinatawang lider-estudyante, ay matibay na itinatakda: ang DTH 2026 ay hindi lamang isang linggo ng maligayang pagdiriwang. Ito ay bulwagan ng araw-araw na militanteng pagkilos.
Sa gitna ng lumalalang krisis pang-ekonomiya na nararamdaman sa pagtaas ng presyo ng langis at mga batayang bilihin, kasabay ng patuloy na komersyalisayon ng edukasyon, at ng paghihigpit sa mga demokratikong espasyo, lalong itinutulak ang kabataan at mamamayan sa bingit ng kawalang-katiyakan. Sa ganitong kalagayan, walang tunay na kalayaang pang-akademiko ang umiiral. Ang unibersidad ay hindi hiwalay sa lipunan; ito ay salamin ng malalim na tunggalian sa pagitan ng naghaharing uri at ng masang inaapi.
Ang ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ay hindi lamang paligsahan ng lakas at galing. Ito ay kolektibong pagmulat sa kapangyarihan ng nagkakaisang mga katawan. ๐๐ช๐ก๐๐๐ค๐ ๐ช๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐ช๐จ๐ ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ ๐ค๐ก๐๐ ๐ฉ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฌ๐๐จ๐๐ฃ! Sapagkat ang tunay na lakas ng kabataang-estudyante ay hindi nasusukat sa indibidwal na tagumpay kundi sa sama-samang pagkilos para sa paglaya.
Ang ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ay hindi lamang entablado ng sining. Ito ay sandata ng rebolusyaryong kamalayan. ๐๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐๐ฃ, ๐๐ก๐๐๐๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐๐๐๐จ๐ค๐, ๐ ๐ช๐จ๐ค๐ ๐จ๐ ๐ง๐๐๐ค๐ก๐ช๐จ๐ฎ๐๐ฃ๐๐ง๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฃ๐๐ฃ๐! Sa bawat pagtatanghal, pinatitibay natin ang kultura bilang larangan ng paglaban, laban sa komersyalisado, depolitikado, at elitistang sining na pinatitindi ang pagkalimot, pinahihina ang kritikal na kamalayan, at nagsisilbi sa pagpapanatili ng naghaharing kaayusan.
Ang ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ay hindi lamang pista. Ito ay sigaw ng masa. ๐๐ฅ๐๐จ๐๐ช๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ข๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ช๐ ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐๐๐ฉ๐ค๐ ๐จ๐ ๐ ๐ค๐ง๐๐ฅ๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ช๐ ๐๐จ๐๐ช๐ก๐ค๐ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐จ๐๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐ช๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐! Sa panahon kung saan ang edukasyon ay ginagawang pribilehiyo at negosyo habang ang gastusin sa pamumuhay ay patuloy na tumataas, iginigiit natin ang karapatan sa abot-kaya, makabuluhan, at mapagpalayang edukasyon para sa lahat.
Sa ilalim ng pasistang rehimeng US-Marcos-Duterte, lalong pinipiga ang kabataan at mamamayan sa tumitinding panunupil at pagsasamantala. Sa Davao, hindi dapat malinlang sa huwad na retorika ng kapangyarihan, laloโt nananatiling kontrolado ang lokal na pulitika ng mga bulok na dinastiyang pulitikal. Ang pagtutol sa mga dayuhang base militar ay maaaring positibong hakbang, ngunit hindi ito sapat kung nananatiling nakatali ang ekonomiya at pulitika sa imperyalismo at sa lokal na naghaharing uri. Hindi sapat ang pagkontra sa mga base kung hindi binabaklas ang buong mapaniil at mapagsamantalang kaayusan.
Mariin naming kinukondena ang pagpapalakas ng makinang pandigma ng Estados Unidos sa rehiyon at ang nagpapatuloy na imperyalistang agresyon nito sa ibaโt ibang panig ng daigdig, kabilang ang umiigting na interbensyon sa Kanlurang Asya. Sa gitna ng krisis sa langis at pandaigdigang mga digmaang imperyalista, lalong nabubunyag ang kabulukan ng umiiral na pandaigdigang sistema at kung paanong ang bigat ng imperyalistang agresyon ay tuwirang ipinapapasan sa mamamayan sa anyo ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sapilitang dislokasyon, at higit pang paglalim ng kahirapan. Bilang kabataang Pilipino, malinaw ang aming paninindigan: tutulan ang digmaang imperyalista, labanan ang pasismo at korapsyon, at isulong ang panlipunang hustisya.
Sa harap ng opresyon, korapsyon, at tumitinding panggigipit sa mamamayan, ang DTH 2026 ay nagiging espasyo ng kolektibong pag-oorganisa, pagkamulat, at pagkilos. Ngunit hindi rito nagtatapos ang ating tungkulin. Ang DTH ay hindi dulo ng pakikibaka kundi panimulang hamon para higit pang palawakin ang ating pagkilos lampas sa entablado, lampas sa paligsahan, at lampas sa loob ng pamantasan. Ang hamon sa kabataan ay malinaw: tumungo sa malawak na hanay ng masang inaapi, makiisa sa kanilang laban, at ialay ang talino, lakas, at sining sa pakikibaka ng sambayanan.
๐๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ , ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ฉ๐๐ -๐๐๐ค๐ฅ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ญ ๐ค๐จ๐ฅ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐จ๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐๐ฒ๐.