11/06/2026
๐๐๐๐ง๐จ๐ฅ๐ | ๐๐ ๐ ๐๐ ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐๐๐ฒ๐๐ง
Ngayon ang araw ng kalayaan โ petsa na hindi makakalimutan, sumasagisag kung kailan nakalaya ang mga Pilipino mula sa mga banyagang mananakop. Araw ng pagbibigay-pugay sa mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para sa Pilipinas.
Ito ay kasaysayan na parte na ng Pilipinas โ ipinagdiriwang tuwing ika-12 araw ng Hunyo, ang araw kung kailan itinaas ni Heneral Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas sa Cavite el Viejo (ngayon ay Kawit, Cavite), na nagbukas ng bagong yugto para sa ating Inang Bayan.
Ang pambansang awit ng Pilipinas na binuo ni Juliรกn Felipe noong 1898 na ngayon ay kilala bilang Lupang Hinirang (nooโy Marcha Nacional Filipina) ay dito rin unang pinatugtogโ himig lamang ang naririnig, wala pang liriko nito. Makalipas ang isang taon, ang unang liriko sa wikang Espanyol ay binuo ni Josรฉ Palma.
Bago pa man naging opisyal na ika-12 ng Hunyo na petsa ng araw ng kalayaan, ay ika-4 araw ng Hulyo ang orihinal na petsa nito na ipinagkaloob ng United States of America sa Pilipinas, ngayon ay kinikilala bilang Filipino-American Friendship Day. Nabago ang petsa na ito nang pirmahan ni noo'y Pangulong Diosdado Macapagal ang Batas Republika 4166 noong 1964.
Hindi lamang patungkol sa kalayaan ang araw na ito, ngunit tungkol din sa mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng Pilipinasโ mga bayaning namatay, nagsakripisyo at gumawa ng paraan para makamit ng mga Pilipino ang inaasam na kalayaan mula sa kamay ng mga manlulupig.
Ito ay nagbigay ng bagong kinabukasan โ kung saan nagkaroon ng pagkakaisa, pagtutulungan, at bagong kasanayan para sa mga Pilipino matapos lumaya sa kamay ng mga mananakop. Hindi lamang ito simpleng araw ngunit kasaysayan na tumatak na sa kalendaryo ng mga Pilipino.
โ๐ป: Jeane Pinqui
๐จ๐ป: Jeorelle Ann Baua