UP SLIS Student Council

UP SLIS Student Council Konseho ng mga Mag-aaral ng Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon ng Unibersidad ng Pilipinas (2026โ€“2027)

UP SLIS Student Council, A.Y. 2024-2025

CHAIRPERSON
Sen Dylayn Bantigue

VICE CHAIRPERSON
Kristen Belle Tamondong

COUNCILORS
Jaina Rhys Rodriguez
Jean Karlo Sioson
Patricia Cementina
Jerome Emmanuel Ugalino
Alyssa Louise Versoza

SLIS REPRESENTATIVE TO THE USC
Francis Xenia Regala

SLIS REPRESENTATIVE TO THE UFC
Keon Anjel Joven

CALL FOR BAIL SUPPORT | Nangangailangan ng agarang tulong ang dalawa nating mga kapwa Iskolar ng Bayan, kasama ng tatlo ...
10/09/2026

CALL FOR BAIL SUPPORT | Nangangailangan ng agarang tulong ang dalawa nating mga kapwa Iskolar ng Bayan, kasama ng tatlo pang ibang mga paralegal, na iligal na hinuli ng PNP sa isinagawang iglap-protesta laban sa Pax Silica sa hindi malinaw na dahilan.

Para sa mga nais magbigay ng tulong, mangyari lamang na i-scan ang QR Code sa ibaba para sa pinansyal na tulong.

Kailanman ay hindi mali ang irehistro ang panawagan laban sa banta ng imperyalismo sa bisa ng Pax Silica.




๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐ŸŽ‰Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong tiyaga, paghahanda, at determinasyong ha...
08/09/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐ŸŽ‰

Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong tiyaga, paghahanda, at determinasyong harapin ang hamon ng licensure examination. Sa bawat oras ng pag-aaral, bawat pagsubok, at bawat sandaling pinili ninyong magpatuloy, unti-unti ninyong nilapit ang inyong mga sarili sa araw na ito.

Ngayong nakamit na ninyo ang inyong lisensya, panibagong yugto naman ang inyong haharapin bilang mga propesyonal na maglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng kaalaman, impormasyon, at librarianship.

At sa mga naghintay para sa kanilang pangalan ngunit hindi ito nakita sa listahan, nararamdaman namin kayo. Hindi nito inaalis ang inyong karangalan, kakayahan, at pagiging isang librarian ng bayan. Hindi nababawasan ng isang resulta ang lahat ng inyong pinagdaanan at natutuhan. May pagkakataon para magpahinga, magpatuloy, at muling sumubok.

Sa araw na ito, ipagdiwang natin ang mga nakamit ang lisensya at yakapin naman ang mga patuloy na lumalaban. Ang bawat isa ay bahagi ng ating komunidad, at bawat paglalakbay ay karapat-dapat kilalanin.

Malugod na pagbati, mga Bagong Librarian ng Bayan! Nawaโ€™y maging makabuluhan ang inyong paglilingkod sa propesyon at sa bayan.


Matapos ang Paanyaya para sa Aplikasyon at Nominasyon noong Agosto 25โ€“Agosto 29, 2026, nakatanggap ang Konseho ng tatlon...
01/09/2026

Matapos ang Paanyaya para sa Aplikasyon at Nominasyon noong Agosto 25โ€“Agosto 29, 2026, nakatanggap ang Konseho ng tatlong (3) aplikasyon para sa posisyon ng SLIS Representative to the University Freshie Council (UFC), at isang (1) aplikasyon para sa posisyon ng FST Core Liaison. Ang mga aplikante ay dumaan sa onlayn na panayam at ipinahiwatig ang kanilang kusang-loob na pagpayag sa parehas na posisyon ng SLIS Representative to the UFC at FST Core Liaison. Sinundan ito ng deliberasyon na pinangunahan ng UP SLIS SC noong Agosto 31, 2026.

Kaugnay nito, mainit na binabati ng Konseho ang mga bagong naitalaga na SLIS Representative to the UFC at FST Core Liaisons para sa Akademikong Taon 2026โ€“2027:

Peter Jael Opelanio, SLIS Representative to the University Freshie Council (UFC)
Aliyah Ashlee Caber, FST Core Liaison
Camryn Elizabeth Perez, FST Core Liaison

Nawa'y inyong paglingkuran, suportahan, at katawanin ang inyong mga kapwa-FSTs maging ang buong komunidad ng SLIS nang may puso, dangal, at pagmamalasakit.

Maaaring maakses ang katitikan ng pulong ng mga panayam at deliberasyon sa ibaba:

๐Ÿ”— https://bit.ly/SLISFreshieRep_FSTCoreLiaison2627
๐Ÿ”— https://bit.ly/SLISFreshieRep_FSTCoreLiaison2627
๐Ÿ”— https://bit.ly/SLISFreshieRep_FSTCoreLiaison2627

Lagi't lagi para sa komunidad ng SLIS! โœŠ๐ŸŒป

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ! ๐Ÿ‘‹๐ŸŒปSa pagbukas ng bagong akademikong taon, ating balikan ang mga programa, proyekto, at ini...
26/08/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ! ๐Ÿ‘‹๐ŸŒป

Sa pagbukas ng bagong akademikong taon, ating balikan ang mga programa, proyekto, at inisyatibang matagumpay na naisagawa ng Konseho ng Mag-aaral ng UPSLIS para sa buwan ng Hulyo:

๐Ÿ—“๏ธ Kasama KITA โ€” Hulyo 6, 13, at 31
๐Ÿ—“๏ธ Oryentasyon ng Konseho sa College Briefing โ€” Hulyo 13
๐Ÿ—“๏ธ Cherry Coquette Merch โ€” Hulyo 27
๐Ÿ—“๏ธ Lakbay Librarian โ€” Hulyo 31

Mula sa pagkampeon ng mga likhang sining ng ating mga lokal na SLIS artista hanggang sa pag-alalay sa mga pangunahing hakbang papasok sa buhay unibersidad ng mga SLIS FSTs, lumiliyab na ang ningas ๐Ÿ”ฅ ng paglilingkod higit kailanman.

Nais naming magpasalamat sa lahat ng mga nakibahagi at tumulong sa mga kaganapang ito. Higit na pinahahalagahan namin ang inyong boluntaryong paglaan ng oras at panahon sa pagsuporta sa aming mga inisyatiba. ๐Ÿ’›

Simula pa lamang ito ng makabuluhang paglalakbay ng Konseho sa patuloy na paglilingkod at pagtataguyod ng kapakanan ng komunidad ng Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon. Inaanyayahan namin ang lahat na antabayanan ang mga proyekto ng Konseho na naghihintay para sa ikauunlad at ipakikinabang ng ating kolehiyo.

Lagi't lagi para sa komunidad ng SLIS! โœŠ๐Ÿ“–



๐Ÿ“ฃ ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก: ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ง๐—ข ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—จ๐—™๐—– ๐—”๐—ง ๐—™๐—ฆ๐—ง ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—˜ ๐—Ÿ๐—œ๐—”๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—กMatapos ang Paanyaya para...
25/08/2026

๐Ÿ“ฃ ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ก๐—ข๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก: ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ง๐—ข ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—จ๐—™๐—– ๐—”๐—ง ๐—™๐—ฆ๐—ง ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—˜ ๐—Ÿ๐—œ๐—”๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ก

Matapos ang Paanyaya para sa Aplikasyon noong Hulyo 28โ€“Agosto 3, naitalaga na ang bagong Konsehal at Kinatawan ng SLIS sa University Student Council (USC) na siyang nagpabuo sa dalawang bakanteng posisyon sa Konseho.

Sa pagbukas ng bagong akademikong taon at bilang bahagi ng pagsasagawa ng University of the Philippines Diliman University Freshie Council (UPD UFC) Elections para sa Taong Panuruan 2026โ€“2027, nais ipabatid ng Konseho na ang ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ก๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ay opisyal na bukas para sa mga sumusunod na posisyon:

โ€ข ๐—™๐—ฆ๐—ง ๐—–๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ป โ€” nakatuon sa representasyon, koordinasyon, at mga usaping may kinalaman sa FST community sa antas ng Kolehiyo;

โ€ข ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜๐˜† ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น (๐—จ๐—™๐—–) โ€” magsisilbing kinatawan ng SLIS sa University Freshie Council at tagapag-ugnay sa pagitan ng SLIS SC at ng UFC

Alinsunod sa mga kaugnay na probisyon ng 2013 SLIS Student Council Constitution, kinakailangang taglay ng mga aplikante ang mga sumusunod na kwalipikasyon:

โ€ข Isang bona fide undergraduate student na nasa unang taon ng paninirahan sa Unibersidad;

โ€ข May normal na academic load na itinakda ng kani-kanilang kolehiyo sa semestre kung kailan isinasagawa ang halalan; at

โ€ข Hindi napatunayang nagkasala sa anumang kasong pandisiplina na may kinalaman sa isang gawaing may moral turpitude, ayon sa Revised Penal Code.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mga kwalipikadong Freshie, Shiftee, at Transferee (FST) ng SLIS na lumahok at magsilbi bilang kinatawan ng kanilang komunidad sa antas ng Kolehiyo at Unibersidad.

Mananatiling bukas ang form para sa aplikasyon hanggang sa ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฎ๐Ÿต ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ, ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐Ÿญ๐Ÿญ:๐Ÿฑ๐Ÿต ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ.

Para sa mga interesado at handang maglingkod upang masuportahan ang kapakanan at mga pangangailangan ng komunidad ng SLIS, maaaring maakses ang form ng aplikasyon na nakatala sa ibaba:

๐Ÿ”— https://bit.ly/4gPh35u
๐Ÿ”— https://bit.ly/4gPh35u
๐Ÿ”— https://bit.ly/4gPh35u


NO TO PAX SILICA! YES TO PUBLIC LIBRARIES!OPEN THE BOOKS! EXPOSE CORRUPTION!PONDO SA AKLATAN, HINDI SA KORAPSYON!EDUKASY...
11/08/2026

NO TO PAX SILICA! YES TO PUBLIC LIBRARIES!
OPEN THE BOOKS! EXPOSE CORRUPTION!
PONDO SA AKLATAN, HINDI SA KORAPSYON!
EDUKASYON AT KAALAMAN, HUWAG GAWING NEGOSYO!

Unang linggo ng pang-akademikong taong 2026-2027 subalit sakuna at kalamidad ang sumalubong sa mga Iskolar ng Bayan. Hindi man bago ang taunang pag-ulan sa komunidad ng UP, ngunit sa bawat taong lumilipas ay nararanasan natin ang paglala ng mga ito.

Habang patuloy ang pagbaha sa ibaโ€™t ibang mga lugar, paglubog ng mga kabahayan sa ating mga komunidad, at pagkawala ng kuryente sa ating mga dormitoryo, nananatiling walang ginagawa ang mga nasa tuktok. Ang mga karanasang ito ay hindi hiwalay sa danas ng buong sambayanang Pilipino.

Katumbas ng bawat patak ng ulan ang katiwalian na nangyayari sa loob ng ating gobyerno. Mula sa mga huwad na flood control projects, sa walang pananagutan ng hari at reyna ng korapsyon na sina Marcos Jr. at Sara Duterte, hanggang sa pandarambong ng imperyalistang US. Ang bawat buhay na nawawala ay hindi bunsod ng kawalan ng kahandaan ng mga Pilipino, kundi dahil sa kanilang kapabayaan.

Nakalipas na ang isang taon mula nang pumutok ang isyu ng korapsyon sa SONA ni Marcos Jr., ngunit wala pa ring napapanagot hanggang ngayon. Kung mayroon mang pag-unlad, ito ang pagdami ng mapanirang proyekto ng gobyerno sa ating kalikasan upang patabain lang lalo ang bulsa ng iilan.

Kung kaya't, bumagyo man o umaraw, may pasok man o wala, buhay ang diwang palaban ng mga Iskolar ng Bayan.

SINGILIN ANG REHIMENG US-MARCOS SA KAPABAYAAN, KALMIDAD, AT PAGSIRA NG KALIKASAN!



๐Ÿ“ฃ ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—จ๐—ฃ ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ ๐—ฉ๐—ข๐—Ÿ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ฆAng Konseho ay nanawagan sa mga mag-aaral na handang tumulong at magin...
11/08/2026

๐Ÿ“ฃ ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—จ๐—ฃ ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ ๐—ฉ๐—ข๐—Ÿ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ฆ

Ang Konseho ay nanawagan sa mga mag-aaral na handang tumulong at maging bahagi ng ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—จ๐—ฃ ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ ๐—ฉ๐—ผ๐—น๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฒ๐—ฟ ๐—–๐—ผ๐—ฟ๐—ฝ๐˜€ para sa Akademikong Taon 2026โ€“2027. Ito ay naglalayong magtipon ng mga mag-aaral na handang maglaan ng kanilang oras, lakas, at kakayahan upang makibahagi sa mga gawain, programa, at proyekto ng UP SLIS.

Bilang bahagi ng SLISERVE, maaaring maimbitahan ang mga boluntaryo na tumulong at makibahagi sa mga sumusunod:
โ€” LIS Month
โ€” Lantern Parade
โ€” Gabriel A. Bernardo Memorial Lecture
โ€” Kasama KITA
โ€” Enlistment Activities
โ€” Mga Kumperensya at Seminar
โ€” Iba pang proyekto at gawain ng UP SLIS

๐Ÿ“Œ ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ผ๐—ฏ๐—ผ๐—น๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ. Ang hinihiling lamang namin ay ang inyong oras, pakikilahok, at kahandaang tumulong.

๐Ÿ“Œ Bukas ang SLISERVE sa ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—จ๐—ฃ ๐——๐—ถ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฒ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—ฃ ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ.

Para sa mga interesadong sumali, mangyaring buksan at sagutan ang form na nakatala sa ibaba. Tiyakin na tama at kumpleto ang lahat ng detalyeng iyong ilalagay bago magsumite.

๐Ÿ“ ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ฉ๐—ข๐—Ÿ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ฆ ๐—™๐—ข๐—ฅ๐— :
๐Ÿ”— https://bit.ly/SLISERVE_2026
๐Ÿ”— https://bit.ly/SLISERVE_2026
๐Ÿ”— https://bit.ly/SLISERVE_2026

Maglingap, mag-agapay, maglingkod. Halina't makibahagi sa makabuluhang karanasan ng pagboboluntaryo!


๐Ÿ“ [SLIS STUDENT CONCERN AND GRIEVANCE FORM A.Y. 2026-2027]Ang UP SLIS Student Council, bilang pinakamataas na katawan at...
10/08/2026

๐Ÿ“ [SLIS STUDENT CONCERN AND GRIEVANCE FORM A.Y. 2026-2027]

Ang UP SLIS Student Council, bilang pinakamataas na katawan at naglilingkod na konseho para sa mga mag-aaral ng UP SLIS, ay nananatiling tapat sa paninindigan nitong tulungan ang mga mag-aaral sa pagharap sa mga suliraning kanilang nararanasan at bigyang-linaw ang kanilang mga alalahanin.

Alinsunod dito, nais ipabatid ng konseho na ang ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—š๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐—บ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿณ ay opisyal na bukas para sa lahat ng mga mag-aaral mula sa SLIS. Ito ay isang pormal, ligtas, at kompidensyal na tsanel kung saan maaaring maipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga hinaing, maging ito man ay may kaugnayan sa kanilang pang-akademikong buhay, kalagayang pangkaisipan, o mungkahi tungkol sa aming mga inisyatiba, komite, at mga kinatawang mag-aaral na sangkot.

Inaanyayahan ang lahat ng mga estudyante ng SLIS na idirekta ang kanilang mga alalahanin, reklamo, o katanungan gamit ang plataporma na ito. Sa pagsagot sa form, hinihiling naming tiyakin na ang lahat ng kinakailangang impormasyon ay naibigay nang tapat at wasto upang makapagbigay ang konseho ng pinakamainam na tugon hinggil sa usapin sa lalong madaling panahon.

Maaaring buksan ang SLIS Student Concern and Grievance Form 2026-2027 gamit ang QR Code o link na nakatala sa ibaba:

๐Ÿ”— https://tinyurl.com/UP-SLIS-Grievance-Form
๐Ÿ”— https://tinyurl.com/UP-SLIS-Grievance-Form
๐Ÿ”— https://tinyurl.com/UP-SLIS-Grievance-Form

Para sa mga agarang usapin, maaaring magpadala ng mensahe sa opisyal na SLIS SC page o ng email sa [email protected].

Lagi't lagi, para sa komunidad ng SLIS! ๐Ÿ“–โœŠ


  | Call for Donations and VolunteersIn light of  , the UP SLIS Student Council, together with the UP Diliman University...
09/08/2026

| Call for Donations and Volunteers

In light of , the UP SLIS Student Council, together with the UP Diliman University Student Council (UPD USC), are calling for donations for those affected in the Brgy. UP Campus area.

For UPD students, you may refer to your local college council for urgent needs, or access the sensing form for organized by the UPD USC: https://tinyurl.com/IskoOpsMaymayPHSensing

For urgent concerns and Volunteers, contact USC CSAW Councilor, Thirdy Tolentino:
๐Ÿ“ž (0927) 285 9051
๐Ÿ”— Thirdy Tolentino
๐Ÿ”— https://tinyurl.com/IskoOpsVolunteersCoordGC

Transparency report for Donations may be accessed through this link:
๐Ÿ”— https://tinyurl.com/MaymayIskoOpsDonations

๐Ÿ“Œ Emergency Hotlines:
โ€ข Brgy. UP Campus Hotline: 09957219867
โ€ข Quezon City: 122, 8988-4242 loc. 8038, 0947 885 9929, 0947 884 7498
โ€ข CMO Quick Response Team: 09777841234
โ€ข UP Diliman Police: 8928-3615

Address

SLIS New Building, Quirino Avenue Cor. Africa Street, UP Campus
Diliman
1101

Opening Hours

Monday 8am - 10pm
Tuesday 8am - 10pm
Wednesday 8am - 10pm
Thursday 8am - 10pm
Friday 8am - 10pm
Saturday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP SLIS Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UP SLIS Student Council:

Shortcuts

Share