17/04/2026
๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐จ-๐๐ถ๐ฝ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ป๐ถ๐, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ต๐ต.๐ด๐ฎ% ๐๐ฎ ๐ฅ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Upang tiyakin ang kahandaan at kahusayan ng mga kadete sa larangan ng serbisyo at pambansang seguridad, isinagawa ang Regional ROTC Annual Administrative and Tactical Inspection (RAATI) para sa School Year 2025โ2026 ng Jose Rizal Memorial State University (JRMSU) โ Dipolog Campus,na ginanap sa Sports Complex Oval, Turno , Dipolog City kahapon Abril 16, 2026.
Mas mataas ito kumpara sa kanilang 98.1% na marka noong nakaraang taon, na nagpapakita ng patuloy na pag-angat sa kahandaan at kakayahan ng yunit.
Layunin ng RAATI na suriin ang disiplina, liderato, at kakayahang administratibo at taktikal ng mga kadete bilang bahagi ng National Service Training Program (NSTP 2).
Pinangunahan ang inspeksyon ni Col. Ian Noel P. Ignes, MNSA (INF) PA, Chairperson ng RAATI, kasama ang mga kinatawan mula sa Reserve Command, Philippine Army, at mga opisyal ng unibersidad.
Sa kaniyang pambungad na mensahe, ipinahayag ni Dr. Marvin A. Recapente, direktor ng kampus, ang kaniyang karangalan sa pagtanggap sa RAATI '26, habang binibigyang-diin na ang aktibidad ay mahalaga sa paghubog ng karakter at kakayahan sa pamumuno ng mga kadete.
Sa pangunguna ni Ltc. Rodolfo L. Lamban Jr. (INF) PA, Admin Officer (ADCRRA) binigyang pugay din ang lahat ng mga inspection personnel at tagasuri.
Kabilang sa mga nagsilbing tagasuri sa isinagawang taktikal na inspeksyon sina Col. Ian Noel P. Ignes (ADCRRA, 11D, PA) para sa Unit Briefing at Commandantโs Briefing ng mga school officials at comprehensive examination; LTC Rodolfo L. Lamban Jr. (Admin, ADCRRA 11D, PA) at SSG Jay A. Leopoldo (Admin, NCO, ADCRRA 11D, PA) na katuwang sa parehong gawain; 2LT Sonny P. Duterte (53IB, 11D, PA) para sa Admin Inspection; Sgt. Kimber T. Arsenal (102BDE, 11D, PA) para sa Evaluation of Commandant and Training Staff; SSG Sabeniano B. Bercasio (12IMB, IMCOM, PA) at TSG Richard M. Buena (1DTS, 11D, PA) para sa Arrival Honors, Ceremonial Parade, Rank Inspection at Close Order Drill; Sgt. Hermie S. Dela Peรฑa (1DTS, 11D, PA) para sa Map Reading at Land Navigation; TSg Ronnie S. Quimno Jr. (1FSMC, SSBn, 11D, PA) para sa M16 rifle at .45 pistol Disassembly/Assembly; SSG Arifin G. Aradani Jr. (9RCDG, RESCOM, PA) para sa Raid/Ambush Scenario at First Aid (practical at theoretical); SSG Reil L. Basco (1st Signal Bn, SR, PA) bilang bahagi ng secretariat; Sgt. Alejandro P. Jabian Jr. (DPAO, 11D, PA) bilang combat photographer; PFC John Rey T. Solis (OADCRRA, 11D, PA) bilang es**rt; SSG Jesielo C. Aclo (SSBn, 11D, PA) bilang driver; at SSG Alger A. Pang-An at SSG Rezaldy A. Caparoso kasama si SSG Gleen Richard E. Ponce bilang mga karagdagang driver na tumulong sa maayos na daloy ng buong inspeksyon.
Sa bawat kategorya ay seryoso at disiplinadong ipinakita ng bawat kadete sa pamamagitan ng ibaโt ibang presentasyon at demonstrasyong taktikal na sumasalamin sa kanilang mahabang pagsasanay.
Sa kabilang banda, ipinahayag ni Col. Mandy T. Libertino, ART (GSC) PA, commandant ng JRMSU-Dipolog ROTC Unit ang kaniyang mensahe ng motibasyon para sa mga kadete. Aniya, " To our cadets, today is your time to prove, not to others, but to yourself. Remember, your limits are not only as strong as your biceps, go beyond what you think is your best, stand tall and stay focused."
Nagbigay din ng mensahe ang guest speaker na si Col. Ian Noel P. Ignes MNSA (INF) PA ADCRRA 1ID, PA, chairperson ng RAATI S.Y. 2025-2026 kung saan binigyang diin niya ang tunay na kahulugan ng naturang aktibidad.
"Allow me to remind you that RAATI is not a competition among schools, it is not about outperforming others, or claiming superiority, instead it is a significant and quantifying objective evaluation of strength, opportunities for growth and overall development of each cadets." ani Col. Ignes.
Sa isang panayam kay Col. Libertino, nagbigay siya ng pahayag kaugnay sa pagganap nga mga kadete, "I'm so proud kasi nakita ko yung effort nila. Sa mga pinakita nila sa drills pa lang, but yung leadership at discipline nandyan na, those are the qualities na kailangan natin for them to become a good citizen and once na tawagin sila sa pangangailangan ng bansa sa tingin ko handa na sila," aniya.
Dagdag pa dito, nagbigay naman ng mensahe at pahayag ukol sa kanilang naging paghahanda si Prof. Joven Jhon Lanticse, NSTP Unit Head.
"The preparation we made for the upcoming RRAATI 2026 was not easy. Honestly, we did not expect to achieve a score of 98.82, as our primary goal was simply to surpass our performance from last year. This outcome shows that the ROTC is truly doing its best, and that every effort, no matter how small, contributed to this success." pahayag ni Prof. Lanticse.
Sa kabuuan, ang RAATI ay hindi lamang isang inspeksyon kundi isang mahalagang mekanismo sa paghubog ng mga disiplinado at makabayang lider na handang tumugon sa anumang hamon at maging sa pagpapatibay ng pambansang seguridad.
Balita | Maria Teresa Tenedo at Cherry Anne Maquidato
Larawan | Arjay Galabin
Joben Retes
Mathew Ragusta