St Paul University Reserve Officer Training Corps Unit (spud Rotcu)

St Paul University Reserve Officer Training Corps Unit (spud Rotcu) SPUD ROTC UNIT is the only ROTC unit that is active through out the St Paul Schools in the entire Philippines.

01/12/2019

Ctto 🇵🇭

03/10/2019
06/07/2018
15/06/2018
😱😮
16/01/2018

😱😮

Ilang taon na rin na retired si Master Sergeant Ernesto Landagura pero nung 2013, ipinamalas niya ulit ang tapang ng isang Scout Ranger. Lumaban siya mag isa sa mahigit isang daan na Abu Sayyaf na sumalakay sa kanilang barangay sa Basilan. Si Master Landagura ang pakay ng mga lumusob dahil marami siya naipatumba nung nasa active service pa siya. Sabay sabay sila umatake para magsunog ng mga bahay at i capture si Master. E si Master, Garand na lang ang baril. Di na rin ganun kadami ang bala. Maru maru ang naisip niya. Magpapanggap siya na marami sila pero sa katotohanan siya lang mag isa. Kada putok niya, lipat siya ng pwesto. Putok na naman siya lipat na naman siya ng puwesto. Akala tuloy ng mga Abu Sayyaf, marami ang kalaban nila. May nag reinforce na bayaw niya kaso tinamaan din ng mabilis. Umabot ng mahigit isang oras na mag isa siya na lumalaban hanggang tamaan na ang paa ni Master Landagura. Ma abilidad pa rin. Walang kaba. Nag command siya na parang marami sila. “Maneuver left!” “Fire!” Kahit mag isa lang siya. Akala pa rin ng mga Abu Sayyaf marami sila kalaban. Umabot ng isa at kalahating oras, umabot na rin ang mga 9th Scout Ranger Company na sumaklolo sa kanya. Apat ang napatay ni Master Landagura na lumaban mag isa. Nagsitakbuhan ang kulang kulang na 100 na Abu Sayyaf na nakalaban niya. Kahit retired na si Master Landagura, mandirigmang musang pa rin siya. Ang anak niya ay warrior din sa Marawi. At siyempre, sumunod sa yapak ng tatay niya bilang isang fighting Scout Ranger.

10/01/2018
21/11/2017
"Boom! Kunana!"Congratulations to the 8SRC!!!
16/10/2017

"Boom! Kunana!"
Congratulations to the 8SRC!!!

Mula kay “Destroyer,” ang commander ng 8th Scout Ranger Company na nakatama kina Isnilon Hapilon at Omar Maute, ito ang mga huling oras ng dalawang notorious na terorista: Alam ng Scout Rangers at ibang units na sumusuporta sa kanila na cordon na nila ang isang grupo ng terorista pero di nila alam na sina Hapilon ito. Alas siyete ng gabi, nag deploy ng 1 team ng Scout Rangers sa dulo ng kalsada, sa may likod ng block. Kasama nila ang isang armored vehicle na may thermal capability. Isa pang team nag deploy naman sa kabilang dulo ng kalsada na pwede rin nila takasan at ganun din, may armored vehicle din. Alam nila na mag attempt tatakas ang mga terorista kaya nag abang ng nag abang ang mga Rangers. Hanggang 1:30 ng madaling araw, may tumawid. E alerto ang Ranger, boom kunana. Tumba ang isang terorista. Di nila alam, si Omar Maute na pala yun. E may pasilip silip pa din, akmang tatawid. Boom kunana, galing naman sa secondary weapon ng armored vehicle. Tumba din. Di rin alam ng Rangers na yun na pala si Isnilon Hapilon. Madaling araw, inattempt ng mga kasama ng dalawang terorista na i recover ang mga katawan ng dalawang tumba na kasama nila. E nilamayan ng Rangers. Kada may lumapit, pitikan. Pagliwanag, mabilisan na plano, para kunin ang dalawang bangkay na naitumba nila. Sa isang napaka daring na move, na pang action movie mo lang makita, pinasok ng mga Rangers kasama ang armored vehicles at mabilis na nakuha ang dalawang bangkay. Maya maya, naglalabasan na mga babaeng hostages. Tinakbo nila at sinabi: “sir, sina Isnilon Hapilon at Omar Maute ang mga napatay niyo.” Hiyawan, sigawan lahat ng tropa! Di nila akalain na natumba na pala nila ang dalawang leader ng mga terorista. Diyan natapos ang kasamaan ni Hapilon at Maute. (Special request ni “Destroyer” na itong picture ng “Destroyer” building ang ilagay sa kuwento na ito. Very memorable sa 8SRC ito dahil nakuha nila nung July pa ito at a very heavy cost — halos nahati ang kumpanya nila sa dami ng wounded at namatayan pa sila. At siyempre, team effort ang pagkakuha kina Hapilon. Special recognition sa mga units na kasama ng 8SRC na nag cordon sa block na ikinamatayan nina Hapilon.)

Address

Dumaguete City

Opening Hours

Tuesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Saturday 7am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St Paul University Reserve Officer Training Corps Unit (spud Rotcu) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share