09/03/2026
๐๐จ. ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐๐ญ.
Mula sa kalansing ng mga kutsara hanggang sa mahinang dagundong ng mga mesa, matagal nang nakaangkla sa isipan ng nakararami ang paniniwalang ang mga kamay ng babae'y hinubog para sa pamilya at kusina. Mga gampaning pilit ibininyag at binabasbas ng lipunan sa bawat kababaihan.
Ngunit sa anumang pagkakataon, hindi rito nagtatapos ang kanilang kakayahan. Ang kamay ng bawat babae ay hindi nasusukat sa ayos ng bawat dikta, sapagkat ang mga kamay na ito'y may kakayahang itaob ang matagal nang nakahain sa mesa. Kaya ngayong ika-walo ng Marso, ating ipagdiriwang ang bawat kababaihan hindi lamang sa kanilang gampaning iniakay o sa sakripisyong inialay, kundi sa kanilang katatagang sinubok ang bawat mitsa.
Sa haba ng kanilang pakikibaka, bulag pa rin ang iba sa kanilang tunay na halaga.
Umiikot ang paniniwala na ang kababaihan ay likas na mahina sa diwa, sa salita, at sa gawa. Subalit, hindi kailanman naging mahina ang babae sa anumang aspeto. Ang tunay na mahina ay ang sistemang hindi kailanman naging totoo.
Sa kabila ng mga pagdududa at paglimita, isang katotohanan ang hindi mabubura: ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ. Sa bawat oportunidad, puwang, at karapatan. Oras na upang kilalanin at pahalagahan ang kanilang galing, boses, at katatagan. Oras na upang ibigay ang lugar na tunay na nararapat sa kababaihan.
๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ค๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง; ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ญ๐๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค๐ข๐ง ๐ฌ๐ข๐ฒ๐ ๐๐ฒ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ก๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง.
๐๐๐๐๐ ๐ค๐. ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐ .
Isinulat ni Althea Mitch Satura
Likha ni Khryscel Betorin