19/05/2026
Day 124: Paano Kung Mali Ako?
Keyword: Kababaang-loob (Humility)
Guiding Question: Kapag ipinakita ng Diyos na mali ako, handa ba akong tanggapin ito at magbago?
📖 “God opposes the proud but shows favor to the humble.”
(James 4:6)
Alam mo kapatid, lahat tayo may opinion.
Lahat tayo may paniniwala.
Lahat tayo may pinanghahawakan.
At kadalasan…
ang gusto natin ay tayo ang maging tama.
Hmmm… korek ba? Relate ka ba kapatid?
Yung gusto mong ipaglaban ang side mo…
kasi feeling mo ikaw ang tama.
At sa mundo natin ngayon…
parang bihira na ang marunong magsabi ng:
“SORRY… NAGKAMALI AKO.”
Kapatid, eto ang gusto kong maintindihan mo.
HINDI PWEDENG TAMA TAYO PALAGI.
At minsan ang pinakamahirap tanggapin ay ito:
“PAANO KUNG MALI TALAGA AKO?”
Masakit iyon sa pride.
Kasi kapag inamin mong mali ka…
parang may nababasag sa loob mo.
Pero tandaan mo ito:
Hindi pinapakita ng Diyos na mali ka para ipahiya ka lang. Pinapakita Niya ito para baguhin ka!
“God opposes the proud…”
Napansin mo ba?
Ang kalaban ng growth ay hindi ang kakulangan ng talino. Kundi…
☝️PRIDE!
Kasi kapag masyado mong pinoprotektahan ang ego mo…
✔️mahihirapan kang matuto,
✔️mahihirapan kang makinig,
✔️at mahihirapan kang magbago.
Kapatid, may mga pagkakataon talagang:
▪️mali ang naging pananaw mo
▪️mali ang naging desisyon mo
▪️mali ang naging reaksyon mo
At okay lang aminin iyon. Kasi hindi ka naman bumababa bilang tao kapag marunong kang magpakumbaba.
Sa totoo lang, doon ka mas ginagamit at hinuhubog ng Diyos.
Pwede mo bang sabihin kay Lord ngayon:
“Lord, bigyan Mo ako ng pusong marunong tumanggap kapag mali ako. Alisin Mo ang pride na humahadlang para magbago ako.”
At maniwala ka…
♥️ Ang pusong marunong magpakumbaba
ay pusong patuloy na pinalalago at pinapagpala ng Diyos.
Amen po ba?
🙏Sige po, pray na po tayo kapatid,
Panginoon, patawarin Mo ako sa mga pagkakataon na mas pinili kong ipagtanggol ang pride ko kaysa tanggapin ang katotohanan. Bigyan Mo ako ng pusong mapagpakumbab