13/03/2016
Confession #854
MATAGAL NA.
Mr. Jay-B.-Bal.
3rd year student
Archi. Dept.
Hello? Kumusta na? Sana masaya ka ngayon sa buhay mo. It’s been a long time pero bakit hanggang ngayon meron pa din? Ano bang gayuma ang ipinainom mo sa’ken ha? I-share mo naman para magamit ko din sa’yo.
Hindi naman tayo naging close sa isa’t-isa at nagkaroon ng maraming alaala together pero bakit ang hirap mong kalimutan? Don’t worry, hindi naman kita sinisisi e. Ako naman kasi ‘tong hindi nag-iingat, hinayaan kong umusbong ang noo’y katiting kong pagtingin sa’yo. Pinigilan ko naman, iniwasan pa nga kitang makita kaso wala e. Every time na makikita ulit kita, boom! Back to zero.
Akala ko ‘pag hindi kita makikita, mawawala din ‘to paglipas ng panahon; nagkamali ako.
Ang sakit kaya. ‘Yung tipong hindi naman naging kayo pero kailangan mong mag-move on. Kailangan mo siyang kalimutan kasi kapag hindi mo ginawa ‘yon, mas lalalim lang yung hukay na ginawa mo para sa sarili mo. Mas masasaktan ka lang. And last, I’ve been unlucky.
Sa bawat pagkakataon na nakasama o nakita kita, what if kinausap kaya kita? May magbabago kaya? Mapapansin mo kaya ako? Siguro oo, siguro hindi pa din. Pero isa lang ang sigurado, wala pa ring love story na mabubuo. Alam ko naman kasing wala akong pag-asa sa’yo sa simula pa lang. Masakit man pero ‘yun ang totoo.
Ayoko ‘tong nararamdaman ko para sa’yo (ang hirap kasi ng wala kang pag-asa sa taong gusto mo) at aaminin ko, nahihirapan na kong itago pa ang sikretong ito. Matagal ko ng gustong sabihin sa harap mo ang lahat-lahat pero wala akong lakas ng loob na gawin ‘yon. Atat na atat na kong maipalabas ‘tong nararamdaman ko, ang bigat at ang sakit na kasi, kaya kahit dito ko man lang maipaalam sa’yo, at least, nasabi ko na. Mabasa mo man ‘to, okay; if not, ayos lang din.
I really like you a lot pero sana mawala na ‘tong feelings ko for you.
I’m tired, and I surrender. There will never be an us. Saklap.