BSED MATH I

BSED MATH I BSED Major in Mathematics I
SLSU Gumaca Campus AY: 2025-2026

Byaheng 2nd Year ✨🚌💚Hindi namin namamalayan… byaheng 2nd year na pala kami. Parang kailan lang, nangangapa pa kami sa ba...
20/05/2026

Byaheng 2nd Year ✨🚌💚

Hindi namin namamalayan… byaheng 2nd year na pala kami. Parang kailan lang, nangangapa pa kami sa bagong environment, kinakabahan sa mga requirements, at nag-aadjust sa dami ng gawain. Hanggang sa unti-unti, naging normal na lang ang puyatan, deadlines, cramming, at paulit-ulit na reklamo sa mga activities na akala namin hindi na matatapos.

Ilang beses kaming nagsabi ng “pagod na ako,” “ayoko na,” o “bakit ang dami?” Pero kahit puro reklamo, nandiyan pa rin kami—gumagawa, tumatawa, nagtutulungan, at lumalaban. Kasi sa likod ng stress at pagod, may mga alaala ring nabuo. Mga tawanan habang nagccram, panic moments bago magpasa, at mga simpleng usapan na naging dahilan para gumaan ang lahat.

Hindi naging madali ang byahe, pero mas naging bearable dahil magkakasama kami. Sa bawat challenge, may natutunan. Sa bawat pagod, may growth. At sa bawat reklamo, may kwentong babalikan at pagtatawanan balang araw.

Ngayon, habang tinitingnan namin kung gaano na kalayo ang narating, napapaisip kami… 2nd year na pala kami. Hindi man perpekto ang journey, puno naman ito ng effort, memories, at mga taong naging parte ng bawat hakbang.

Sa byaheng ito, hindi lang grades ang nadadala namin, kundi mga karanasan, pagkakaibigan, at mga alaala na mananatili kahit matapos ang lahat. Kaya kahit maraming puyat, stress, at cramming—worth it pa rin, dahil sabay-sabay naming nilakbay ang pagiging 2nd year students.

Ito ang Byaheng 2nd Year — magulo, nakakapagod, maraming reklamo… pero puno ng saya, aral, at hindi malilimutang alaala. 🫶📚✨

With a crown upon his head and the spirit of BSED MATHEMATICS in his heart, we celebrate our phenomenal Mr. SLSU Gumaca ...
08/04/2026

With a crown upon his head and the spirit of BSED MATHEMATICS in his heart, we celebrate our phenomenal Mr. SLSU Gumaca 2026, Romel Rolloque! This victory is a testament to dedication, intellect, and grace. May your reign be as brilliant as your smile!

We are so proud of youu!✨🫶

Address

Brgy. Villa Nava
Gumaca

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BSED MATH I posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share