Panitikang Pilipino Tungo sa Kaunlaran

Panitikang Pilipino Tungo sa Kaunlaran Naglalayong ibahagi at panatilihin ang kabuluhan ng Panitikang Pilipino sa pamamagitan ng ibat’t i

02/10/2019

Haiku
"Buko"
Puno ng buhay
Atin 'tong bigyang pugay
Hatid ay buhay.

02/10/2019

Tanaga
"Pangarap"
Matarik man na bundok
Pipiliting maarok
Maabot lang ang tuktok.

02/10/2019

"Inang Kalikasan"

Luha ko'y hindi mapatid sa pag-agos
Tila ba isang ilog na umaagos
Aking kandila'y malapit ng maupos
Iningatang yaman ay ubos na ubos.

Hangad kong muli ako ay maiayos
Nais kong ibalik ang dati kong ayos
Sapagkat ako'y punong-puno ng galos
Na likha ng mapansamantalang unos.

Aking itinuturing tao ay unos
Di nila nadidinig boses kong paos
Patuloy na yaman ko ay inuubos
Hangad nitong mga tao'y lubos lubos.

Tila ba isang langit yaring kanyang kabayanihan,Di maaabot at hindi mapapantayan nino man ,Hatid nito'y isang pag-asa sa...
17/09/2019

Tila ba isang langit yaring kanyang kabayanihan,
Di maaabot at hindi mapapantayan nino man ,
Hatid nito'y isang pag-asa sa kanyang inang bayan,
Labis na kapayapaan ang hatid sa sanlibutan.

Pagkakapantay-pantay ng lahat ang kanyang mithiin,
Sya'y nagsumikap upang maabot ang kanyang layunin,
Nais n'ya sa kanyang kalahi'y di na muling kutyain,
Letra ang gamit upang ang mga katunggali'y supilin

Kristiyanismo: Iisang diyos at iisang paniniwala
06/09/2019

Kristiyanismo: Iisang diyos at iisang paniniwala

"Panitikan: Sa halip na pagyamanin, nais pa nila itong patayin"
06/09/2019

"Panitikan: Sa halip na pagyamanin, nais pa nila itong patayin"

Address

Iba
Hagonoy

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Panitikang Pilipino Tungo sa Kaunlaran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share