02/06/2026
๐๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ญ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ซ๐๐ฐ: ๐๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐๐ซ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐๐ฒ 2026, ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐
โ
โMaluwalhating idinaos ang Summer Journey 2026 sa muli nitong pagbabalik, na pinangungunahan ng Ang Biyayaโang opisyal na publikasyon ng Pavia National High School. Mula sa limang kolaborasyon, nakiisa ang The Signal.
โ
โNagbukas ang programa sa nakakaganyak na mensahe ng panauhing tagapagsalita na si Engr. Adrian L. Pillano, isang Registered Electrical Engineer at kasalukuyang Adviser ng The Signalโang opisyal na publikasyon ng ISAT U College of Engineering and Architecture. Sa kanyang talumpati, binalikan niya ang sariling simula noong 2005 bilang isang "raw" o nangangapang campus journalist, hanggang sa marating ang tugatog ng tagumpay bilang Gold Medalist sa Regional PASUC Competitions.
โ
โSa harap ng mga batang manunulat, binigyang-diin niya na ang pamamahayag ay isang sining ng kaluluwa na nangangailangan ng katumpakan, estruktura, at puso. Iniwan niya ang isang hamon na nagpatibay sa determinasyon ng lahat:
โ
โ"Do not fear the technical rules, do not fear the blank page, and never fear the losses. Remember: We write to taste life twice, in the moment and in retrospect... We write to inspire! We write to EXPRESS, not to IMPRESS!"
โ
โIbinahagi rin niya ang kanyang J-O-U-R-N-E-Y Mantra upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral: Journalism bilang layunin, Ownership sa kapangyarihan ng kwento, Unwavering na katotohanan, Resilience sa bawat pagkatalo, Navigating sa mga hamon ng paglago, Excellence sa bawat salita, at You bilang katalista ng pagbabago.
โ
โPagpapanday ng Pluma sa Unang Araw
โ
โAgad na sumiklab ang sigla ng mga batang mamamahayag sa pagbubukas ng mga serye ng workshop sa Kategorya A noong umaga. Pinangunahan nina Ritsdon Lizada Hijastro para sa News Writing, Reyven T. Garcia para sa Editorial Writing, Jason F. Guyala sa Feature Writing, at Vanessa Mae Hallarda para sa Copyediting & Headline Writing ang pagbabahagi ng kanilang kaalaman upang pasiklabin ang husay ng mga kalahok.
โ
โHindi pa doon nagtapos ang pagganyak sa mga mag-aaral dahil pagdating ng hapon ay sumabak naman sila sa Kategorya B. Dito ay ibinahagi ni Engr. Adrian L. Pillano ang kanyang sining sa Column Writing, habang si Kent Ronie Huyong naman ang nagturo ng mga estratehiya sa Sports Writing, at si Jiero M. Fernandez para sa Science and Technology Writing.
โ
โUpang mas mapatibay ang samahan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang publikasyon tulad ng Ang Biyaya, The Signal, The Educatorsโ Gazette, Special Program in Journalism (SPJ), at Archive Studio, tinapos ang unang araw sa isang masayang team building na puno ng kulitan at pagbuo ng mga bagong pagkakaibigan.
โ
โPagpupursigi sa Gitna ng Pagsubok
โ
โSa pagdating ng Ikalawang Araw para sa Kategorya C, dumaan sa isang hindi inaasahang pagsubok ang programa nang magkaroon ng power interruption o kawalan ng kuryente sa pasilidad. Subalit, hindi ito naging hadlang upang patayin ang kaisipan at dedikasyon ng mga kalahok.
โSa kabila ng madilim at mainit na silid, buong-husay na ibinahagi nina Kate Ercel Cataluna (Mobile Journalism), Jude Mars B. Erlano (Newscasting), Frank Andreus Janagap (Photojournalism), at Christian P. Jaud (Editorial Cartooning) ang kanilang kadalubhasaan sa mas modernong mukha ng pamamahayag.
โ
โMatagumpay na Pagtatapos
โ
โAng dalawang araw na siksik sa kaalaman ay nagtapos sa isang madamdaming seremonya ng paggawad ng parangal (Awarding Ceremony) upang kilalanin ang angking galing, pagsisikap, at mga natatanging awtput ng mga campus journalists. Ginawaran din ng sertipiko ng pagpapahalaga ang mga dedikadong tagapagsalita at mga tagapagpadaloy mula sa Iloilo Science and Technology University (ISAT U).
โ
โSa huling bahagi ng pagsasara, nag-iwan ng isang makabuluhang mensahe ng pasasalamat ang Program Head na si Raine Jacob Jallorina para sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito.
โUmuwing may baong ngiti, sertipiko, at mas pinalakas na paninindigan ang mga mag-aaral. Ang Summer Journey 2026 ay maaaring nagtapos na, ngunit para sa mga kabataang mamamahayag ng Pavia National High School at mga katuwang nitong kolehiyo, ito pa lamang ang tunay na simula ng isang mas malawak at makabuluhang kwento na kanilang isusulat para sa lipunan.
โ
___
sulat ni Rafael Colanag
litrato | Archive Studio at Ang Biyaya