29/04/2026
PASUNDAYAG: Multilinggwal Seminar-Workshop sa Pagsulat ng Maikling Kuwento at Tula
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2026, matagumpay na isinigawa ng University of Southern Mindanao ang PASUNDAYAG: Isang Multilinggwal na Seminar-Workshop sa Pagsulat ng Maikling Kuwento at Tula, na isinagawa kanina, Abril 29, 2026, sa USM-ESO Conference Room
Sa panguguna ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), kasama ang Gender and Development (GAD) Office, Extension Services Office (ESO), Kundo E. Pahm Learning Resource Center (KEPLRC), at University Student Government, ang workshop na ito ay nagsilbing tulay upang ipagdiwang ang ganda ng panitikang Filipino, at lalo pang linangin ang kaalaman sa pagsulat ng tula at maikling kwento.
Kasabay ang temang โBekรซt Panitikan: Para sa Katwiran at Kalikasan,โ tampok bilang mga panauhing tagapagsalita sina Dr. Lita A. Bacalia, mula sa Cebu Normal University, at Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco, mula sa University of the Philippines Diliman.
Ang seminar na ito ay bahagi ng pagpapahalaga ng unibersidad sa kultura at wika sa pamamagitan ng ibaโt ibang anyo ng panitikan.