21/08/2024
Lulan ng dunong at makadiwang pag-irog, muli nating ipagdiwang ang pinakamahalagang buwan ng ating pinipintuhong wikang pambansa.
Ang buwang ito ay hindi lamang buwan ng ating wikang tinatangi, ito rin ay buwan ng ating pagkalas sa mga talikalang pilit na gumagapos sa atin. Kumawala tayo mula sa hawlang nagkukulong sa atin upang lumago, lumayo, at lumaya. Palayain natin ang ating mga kakayahan, upang itaguyod ang wikang nagbigay sa atin ng pagkakakilanlan at kasarinlan.
Bilang tanda ng paglaya, inaanyayahan namin kayong makilahok, makibahagi, at makiisa sa mga paligsahang inorganisa ng kapisanan ng mga mag-aaral sa Filipino.
Halina't sabay-sabay nating saksihan ang paglaya ng ating mga talento. Maniwala tayong ang mararating natin ay malayo, kung tayo ay mulat at malaya.
Narito ang listahan ng mga paligsahang maaaring lahukan: