19/08/2026
𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐆𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 - 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 𝐇𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐍 2026 🗳️✨
Sa pagtatapos ng panahon ng paghahain ng kandidatura, inilalahad ng 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 - 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 ang mga 𝐤𝐚𝐧𝐝𝐢𝐝𝐚𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐠𝐚𝐥𝐢 sa kani-kanilang posisyon para sa 𝐂𝐓𝐄-𝐒𝐂 𝐇𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐧 2026. 🗳️
Matapos ang isinagawang pagsusuri sa mga isinumiteng kandidatura, napag-alamang iisa lamang ang kwalipikadong kandidatong naghain ng kandidatura para sa bawat posisyon.
Dahil dito, ang mga kandidatong walang katunggali ay 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚, alinsunod sa itinakdang pamamaraan at sa mga kinakailangang pag-apruba ng kinauukulang awtoridad.
Kalakip ng paskil na ito ang mga 𝐩𝐥𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 ng mga mag-aaral na nagpahayag ng kanilang kahandaang maglingkod. Hinihikayat ang bawat Ka-Eduk na basahin at suriin ang kanilang mga layunin, panukala, at mga adhikaing nais nilang isulong para sa ating kolehiyo.
𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐧𝐨 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐩𝐨𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐡𝐚𝐰𝐚𝐤𝐚𝐧, kundi sa pananagutang kaakibat ng paglilingkod sa kapwa mag-aaral.
Kinikilala natin ang mga mag-aaral na naglaan ng kanilang panahon at lakas upang maghain ng kandidatura at magpahayag ng kanilang kahandaang maglingkod sa 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧. 💙
📌 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀-𝐄𝐃𝐔𝐊
• Ang mga kandidatong walang katunggali ay 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 alinsunod sa mga umiiral na tuntunin at kinakailangang proseso ng pag-apruba.
• Hinihikayat ang bawat Ka-Eduk na 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐬𝐮𝐫𝐢𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐥𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐝𝐢𝐝𝐚𝐭𝐨.
• Panatilihin ang 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐩𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐬, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐚𝐛𝐥𝐞 sa anumang pakikilahok kaugnay ng proseso.
• 𝐌𝐚𝐡𝐢𝐠𝐩𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐰𝐚𝐥 ang anumang gawaing maaaring makaimpluwensiya nang hindi wasto sa proseso o lumabag sa mga itinakdang tuntunin at alituntunin.
• Ang pagkakatalaga sa mga posisyon ay magiging 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐦𝐚𝐢𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐮𝐤𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐩𝐫𝐮𝐛𝐚 ng kinauukulang awtoridad.
Ang konseho ay itinatag upang itaguyod ang 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐤𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥, 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐚𝐤𝐭𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚.
Ang paglilingkod ay isang pananagutang nangangailangan ng integridad, kahandaan, at malasakit sa buong pamayanan ng College of Teacher Education upang maipagpatuloy ang;
𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗗𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴, 𝗟𝗶𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗣𝘂𝘀𝗼.
𝗞𝗮-𝗘𝗱𝘂𝗸, 𝗶𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆, 𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆! 💙💛