05/06/2026
Ipinakikilala ng Tanglaw si Leonard Z. Magadia (BSDC '24) bilang ikaapat na editor-in-chief (EIC) nito, matapos niyang malampasan ang kinakailangang puntos sa katatapos lamang na Tanglaw EIC Selection 2026 ngayong araw, Hunyo 4.
Nagsimula si Magadia bilang news apprentice ng pahayagan noong Pagningas 2025. Kalaunan ay naglingkod siya bilang news editor sa ikaapat na taon ng Tanglaw. Matapos nito ay nagsilbi siya bilang managing editor at OIC, editor-in-chief ngayong taon.
Sa gitna ng mga patuloy na umiigting na isyung panlipunan, kaagad na pangangasiwaan ni Magadia ang pahayagan, kabilang na ang pagbuo ng bagong Tanglaw Editorial Board para sa A.Y. 2026-2027.