UP Sigma Alpha Sorority - Los Baños Chapter

UP Sigma Alpha Sorority - Los Baños Chapter A protest sorority of dynamic women leaders that stands against all forms of physical initiation, advocates excellence, and upholds salience in action.

𝗗𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗗𝗔𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞 𝗙𝗥𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗦𝗧!Kaisa ang 𝐔𝐏 𝐒𝐢𝐠𝐦𝐚 𝐀𝐥𝐩𝐡𝐚 𝐒𝐨𝐫𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 - 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 sa sangkaestudyantehan...
11/09/2026

𝗗𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗗𝗔𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗟𝗔𝗖𝗞 𝗙𝗥𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗦𝗧!

Kaisa ang 𝐔𝐏 𝐒𝐢𝐠𝐦𝐚 𝐀𝐥𝐩𝐡𝐚 𝐒𝐨𝐫𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 - 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 sa sangkaestudyantehan, kaguruan, mga organisasyon, at mga progresibong pangkat sa pagtutol sa kaliwa’t kanang krisis na kinakaharap sa pamantasan at buong bansa. Kabilang na rito ang mga isyung hinaharap ng ating komunidad tulad ng Pax Silica, VP Sara Duterte Impeachment, UP Budget Cut, at ang kasalukuyang tapatan ng nominadong UPLB Chancellor.

Ngayong ika-11 ng Setyembre, igiit natin ang mga panawagan ng mga iskolar ng bayan at bakahin ang sistemang patuloy na gumigipit sa sambayanan.

🗓 September 11, 2026
⏰️ 3:30 PM
📍Carabao Park
⚫️ Magsuot ng itim

𝙄𝙨𝙠𝙤𝙡𝙖𝙧 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙉𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙮 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣!
𝘼𝙗𝙖𝙣𝙩𝙚 𝘽𝙖𝙗𝙖𝙚, 𝙋𝙖𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣, 𝙈𝙞𝙡𝙞𝙩𝙖𝙣𝙩𝙚!


𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗦𝗜𝗚𝗠𝗔 𝗔𝗟𝗣𝗛𝗔 𝗦𝗢𝗥𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬: 𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥𝗜𝗦𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡!A realistic day in my ...
09/09/2026

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗦𝗜𝗚𝗠𝗔 𝗔𝗟𝗣𝗛𝗔 𝗦𝗢𝗥𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬: 𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥𝗜𝗦𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡!

A realistic day in my life as a junior in UPLB:
Mag-aayos ng sarili bago pumasok. Maglalakad papunta sa mga klase na pinaghirapan at pinagmakaawa kong makuha. Pero pagpasok sa silid-aralan, bitak-bitak naman ang tiles, hindi na masulatan ang whiteboard sa pagkaluma, minsan hindi gumagana ang TV, at nawawala-wala pa ang kuryente. Titiisin ang karamdaman dahil malayo pa ang UHS sa silid. Tutungo nalang sa palikuran at magugulat na naayos na ang flush, bidet, tiles, at tubig sa gripo matapos ang ilang taon sa unibersidad. Dadaanan ang laboratoryong kulang-kulang at awditoryum na pinagkakait sa mga artista ng bayan, pati mga gusaling hindi pa rin natatapos itayo. Pagninilayan ang kulang na student spaces sa laki ng unibersidad. At bago umuwi, may panibago nanamang materyales na kailangang bilhin para malampasan ang isang kurso.

Ganito ang danas ng isang estudyante para lamang makapagtapos, nakikipagsapalaran para sa karapatan kapalit ang dignidad; dala ng kakulangan ng pondo, kakulangan ng maayos na pasilidad, at kakulangan sa kaguruan at yunits.

Sa kabila ng mga nabanggit, haharap pa ang University of the Philippines (UP) System sa halos tatlong bilyong bawas sa pondo sa taong 2027 mula sa nagdaang taon. Sa partikular, Php 26.5B lamang ang naaprubahang badyet sa 2027 National Expenditure Program (NEP) ng Department of Budget and Management (DBM) kumpara sa Php 53.5B na mungkahi ng University of the Philippines' Board of Regents. Dahil dito mababawasan rin ng Php 805M ang Philippine General Hospital (PGH) sa kabila ng mga ulat tungkol sa kakulangan ng k**a at sustento para sa mga health workers.

Kabilang ang UP System sa 49 SUCs na haharap sa direktang badyet cut mula sa kabuuang 116. Habang ipinagmamalaki ang mga pampublikong pamantasan sa paghubog ng mga iskolar ng bayan, kinakapos at tinitipid ang sektor ng edukasyon at napipilitang magtiis ang mga estudyante sa bulok at kulang na pasilidad. Napakalaking halaga ng Php 312.777B na nakalaan para lamang sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kung ikukumpara. At ang malaking dipirensya sa badyet ng UP System kumpara sa AFP ay malaking sampal at pagyuyurak sa dignidad ng sangkaestudyantehan.

Sigaw ng 𝐔𝐏 𝐒𝐢𝐠𝐦𝐚 𝐀𝐥𝐩𝐡𝐚 𝐒𝐨𝐫𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 - 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬, Pondo para sa Edukasyon, Hindi Militarisasyon.
Ang edukasyon ay isang karapatang pantao at hindi pribilehiyo; ito ay dapat libre, aksesible, at dekalidad. At para maisakatuparan ito, nararapat lamang itong mapondohan nang sapat at masuportahan ng estado.

Kung badyet cut ang trato sa tinuturing na “top university” ng Pilipinas, paano pa ang kondisyon ng iba pang pampublikong pamantasan? Paano pa maaasahan ang kabataan sa kinabukasan kung ginigipit sila sa kasalukuyan?






Mga datos mula sa:
[1] https://explained.ph/dbm-slashes-up-budget-by-%E2%82%B13-billion-for-2027/
[2] https://www.facebook.com/share/1BYrW9NfYW/?mibextid=wwXIfr

07/09/2026

TAPATAN | TATAPATIN NA ANG SAMBAYANAN!

Mag-uumpisa na ang TAPATAN 2026: UPLB Chancellor Selection Forum sa Baker Memorial Hall.

Sama-sama nating usisain ang plataporma, paninindigan, at kapasidad ng apat na nominado bilang susunod na tagapangasiwa ng pamantasan.

Masusubaybayan din ang programa sa livestream sa UPLB Perspective page.

Presented by:
UPLB Perspective
Tanglaw
The Staple
UPLB University Student Councils (USC)
All UP Academic Employees Union - Los Baños (AUPAEU-LB)
Red Cross Youth - Los Baños (RCY-LB)
UPLB Sectors for Democratic Governance (SDG)


𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗦𝗜𝗚𝗠𝗔 𝗔𝗟𝗣𝗛𝗔 𝗦𝗢𝗥𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜 𝗔𝗧 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗘𝗦𝗔𝗣𝗔𝗥𝗘𝗖𝗜𝗗𝗢Bayani ang bans...
31/08/2026

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗦𝗜𝗚𝗠𝗔 𝗔𝗟𝗣𝗛𝗔 𝗦𝗢𝗥𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜 𝗔𝗧 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗘𝗦𝗔𝗣𝗔𝗥𝗘𝗖𝗜𝗗𝗢

Bayani ang bansag sa isang taong nagpakita ng katangi-tanging katapangan at kakayahan dito sa Pilipinas. Noong sinaunang panahon, sila ang mga mandirigmang nanguna sa pagtatanggol ng komunidad o tribo laban sa mga kaaway at panganib. Sa sunod-sunod na pagsakop ng mga dayuhang Kastila, Amerikano, at Hapones, bayani ang mga rebolusyonaryong nanguna sa laban para sa kalayaan. Ngayon, marami na silang mga mukha: mga OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para buhayin ang pamilya, mga health worker na pangunahing pwersa laban sa nagdaang pandemya at sa patuloy na krisis pangkalusugan; mga magsasaka at mangingisdang nagdadala ng pagkain sa lamesa ng bawat pamilyang Pilipino sa kabila ng kinakaharap na laban para sa kanilang teritoryo; at mga rebolusyonaryong bitbit ang panawagan para sa pagbabago ng lipunan.

Hindi lahat ng bayani ay kilala, may pangalan, o nabigyan ng parangal. Ang iba naman ay dinukot, at ikinulong sa dilim, mga biktima ng marahas at mapaniil na estado na naglalayong patahimikin ang tinig na lumalaban at kumikilos.

Ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, Agosto 31, kinikilala ng 𝐔𝐏 𝐒𝐢𝐠𝐦𝐚 𝐀𝐥𝐩𝐡𝐚 𝐒𝐨𝐫𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 - 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬 ang mga bayani ng kasaysayan at mga bayaning itinatawid tayo tungo sa kinabukasan. Lalo ang mga kababaihang doble ang sikap para sa parehong rekognisyong naibibigay sa kaibang kasarian. At kasabay ng pagdiriwang ay ang pag-alala sa mga bayaning itinago at pinagkaitan ng kalayaan, ang mga biktima ng sapilitang pagkawala.

Sa paggunita sa kanila, huwag nating kalimutan ang kanilang mga mukha, kwento, at mga ipinaglaban at patuloy na pinaglalaban. Sapagkat ang pag-alala ay hindi lamang pagkilala, ito rin ay paniningil para sa katotohanan at katarungan.

Dala ang parehong dugo nanalaytay kina Gabriela Silang, Melchora Aquino, Teodora Alonzo, Trinidad Tecson, Josefa Rizal, Teresa Magbanua, Gregoria de Jesus, Josefa Llanes Escoda, at Nieves Fernandez; Babae, ang lugar mo ay sa pakikibaka!

Para rin kila Cristina Catalla, Gerry Faustino, Rizalina Ilagan, Ramon Jasul, Salvador Panganiban, Jessica Sales, Emmanuel Salvacruz, Virgilio Silva, B**g Sison, Erwin de la Torre, Dexter Capuyan, Bazoo de Jesus, James Jazmines, Felix Salaveria Jr., Elgene Mungcal, Ma. Elena Pampoz, at sa iba pang biktima ng estado. Sila man ay walang monumento o parangal, hindi dapat mawala sa ating alaala ang kanilang mga pangalan. Ang inyong mga ipinaglaban ay hindi malilimutan.




𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗦𝗜𝗚𝗠𝗔 𝗔𝗟𝗣𝗛𝗔 𝗦𝗢𝗥𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗡𝗜𝗧𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗪 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛Ngayong buwan ng Agosto, ...
30/08/2026

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗟𝗕 𝗦𝗜𝗚𝗠𝗔 𝗔𝗟𝗣𝗛𝗔 𝗦𝗢𝗥𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗡𝗜𝗧𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗪 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛

Ngayong buwan ng Agosto, ginugunita ang ika-77 taon ng pagtatatag ng International Humanitarian Law (IHL). Ito ay mga batas na pinagkasunduan ng mga bansa na naglalayong pangalagaan ang mga sibilyan, inosente, sugatan, at mga taong hindi nakikilahok sa armadong tunggalian.

Ngunit sa mismong buwan kung kailan dapat binibigyang-diin ang paggalang sa karapatang pantao at proteksyon sa mga sibilyan, patuloy naman ang panggigipit at panghaharas ng estado sa mamamayan.
Sa loob ng UP Los Baños, patuloy pa rin ang paniniktik at red-tagging, lalo na laban sa publikasyon ng pamantasan na UPLB Perspective. Nitong mga nakaraang buwan, isang page ang patuloy na ginagamit ang mga larawan at pangalan ng miyembro ng publikasyon upang mag post ng mga maling paratang laban sa kanila. Kabilang dito mga post na nag-uugnay sa miyembro ng publikasyon at mga lider-kabataan sa mga armadong grupo dahil lamang sa kanilang mga aktibidad sa unibersidad.

Ang red-tagging ay binabaluktot ang tunay na pagpapahayag ng mga estudyante sa kanilang paninindigan, habang inilalagay sila sa panganib ng panghaharas, paniniktik, pananakot, at iba pang anyo ng karahasan.

Ang 𝐔𝐏 𝐒𝐢𝐠𝐦𝐚 𝐀𝐥𝐩𝐡𝐚 𝐒𝐨𝐫𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 - 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬 ay naniniwala sa pagpapanatili ng dignidad ng bawat tao. Dapat nating panghawakan ang pagkundena sa ‘di makatarungang pag-atake sa malayang pamamahayag. Sa paggunita ng International Humanitarian Law Month, dapat nating panindigan ang diwa nitong protektahan ang mamamayan, igalang ang kanilang karapatan, at tutulan ang anumang uri ng pang-aabuso at karahasan.



𝓦𝓱𝓸 𝓻𝓾𝓷 𝓽𝓱𝓮 𝔀𝓸𝓻𝓵𝓭?The Executive Committee A.Y. 2026-2027 of the Sigma Alpha Sorority - Los Baños Chapter is here, ready ...
23/08/2026

𝓦𝓱𝓸 𝓻𝓾𝓷 𝓽𝓱𝓮 𝔀𝓸𝓻𝓵𝓭?

The Executive Committee A.Y. 2026-2027 of the Sigma Alpha Sorority - Los Baños Chapter is here, ready to take over the advocacy and sisterhood built since 1970.

Taking over as the sorority's new leaders are:
🌷Zyrel Anne Sapinit as the 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐞 𝐒𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐄𝐱𝐞𝐦𝐩𝐥𝐚𝐫
🌷Lorrein Jhulea Tiquio as the 𝐒𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐄𝐱𝐞𝐦𝐩𝐥𝐚𝐫
🌷Sofia Andie Gwen Palmiano as the 𝐒𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐆𝐮𝐚𝐫𝐝𝐢𝐚𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐜𝐫𝐨𝐥𝐥𝐬
🌷Kristine Lorraine Paed as the 𝐒𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐂𝐮𝐬𝐭𝐨𝐝𝐢𝐚𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐄𝐱𝐜𝐡𝐞𝐪𝐮𝐞𝐫
🌷Gwen Erich Ladera as the 𝐒𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐋𝐚𝐫𝐤 [𝐄𝐱𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐥𝐬]
🌷Cleo Moana Borce as the 𝐒𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐋𝐚𝐫𝐤 [𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬]

With warmest welcome, the 𝐔𝐏𝐋𝐁 𝐒𝐢𝐠𝐦𝐚 𝐀𝐥𝐩𝐡𝐚 𝐒𝐨𝐫𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲🌸 would like to extend our sincerest congratulations to the Executive Committee. May you gracefully all lead with courage, stand with the sorority’s beliefs, and continue to strengthen the bond of the sisterhood that makes us who we are.

𝙎𝙖𝙡𝙞𝙚𝙣𝙘𝙚, 𝙨𝙞𝙨𝙨𝙚𝙨!💕

’26-‘27

𝗔 𝘀𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗱𝗮𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗼𝘂𝗿 𝗯𝗲𝗹𝗼𝘃𝗲𝗱 𝗦𝗶𝘀 𝗠𝗮𝗹𝗼𝗶 🪷🌺Today, we celebrate one of the most genuine and wonderful sisters in our Alpha...
18/08/2026

𝗔 𝘀𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗱𝗮𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗼𝘂𝗿 𝗯𝗲𝗹𝗼𝘃𝗲𝗱 𝗦𝗶𝘀 𝗠𝗮𝗹𝗼𝗶 🪷🌺

Today, we celebrate one of the most genuine and wonderful sisters in our Alphan family. Your presence brings warmth, laughter, and comfort to the people around you, making every moment with you all the more special. You have always been someone who makes others feel valued and cared for, and that is something we truly appreciate about you.

May this new chapter of your life be filled with happiness, exciting opportunities, and beautiful memories. May you always have the courage to chase your dreams and the people who love you by your side through every step of the way.

Here’s to more laughter, adventures, and unforgettable Alphan moments with you! 💐💗

We love you so much, Sis Maloi! Happy birthday! 🥳🫶🏻

Here are messages for you: 💌

Sis Tine:
habadu nak mwa!

Sis Rei:
To sis malory! Ea
From chemo to ea, tayo lng ba ang double sisses for life grabe! Over sa halos hindi na naghiwalay since exec term? HAHAHAAHAH maybe it was the stars that aligned our path or maybe it was God, either way im really thankful for ur existence and to be part of your college journey, especially na dis is probably your last sem here sa univ, I wish that you finish your sem with ease and grace. Since our lobo trip, I got to know u even more sana alam mo na ket nagmamalditahan tayo always, pls know that i’ll always and forever be here for you no matter what, love u a lot sis maloi and i hope you enjoy your day!

Sis Abie:
Happy birthday, Sis Maloi! Wishing you all the happiness and love you deserve. May your special day be as wonderful and genuine as you are. MWAAA 🥰🫶🏻

Sis Cleo:
Happy birthday, batchie kong octave na octave🥰 Kahit nung process natin, you've always inspired me to work hard and do my best! I hope you stay as bright and reliable as you are now!💖 Wishing you great experiences ahead and all the love you deserve!! Love u Sis Maloichh🎀

𝙶𝚎𝚝 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚜𝚙𝚊𝚛𝚔𝚕𝚎 𝚘𝚗 ✨𝚂𝚑𝚘𝚠 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚠𝚘𝚛𝚕𝚍 𝚠𝚑𝚎𝚛𝚎 𝚢𝚘𝚞 𝚋𝚎𝚕𝚘𝚗𝚐 😉Hey Freshbies! How was your first weeks at UPLB? We hope you’re f...
16/08/2026

𝙶𝚎𝚝 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚜𝚙𝚊𝚛𝚔𝚕𝚎 𝚘𝚗 ✨
𝚂𝚑𝚘𝚠 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚠𝚘𝚛𝚕𝚍 𝚠𝚑𝚎𝚛𝚎 𝚢𝚘𝚞 𝚋𝚎𝚕𝚘𝚗𝚐 😉

Hey Freshbies! How was your first weeks at UPLB? We hope you’re feeling the Barbie energy of believing that you can be anyone that you dreamed to be, 𝚊𝚕𝚕 𝚒𝚝 𝚝𝚊𝚔𝚎𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚕𝚒𝚝𝚝𝚕𝚎 𝚏𝚊𝚒𝚝𝚑, 𝚋𝚎𝚕𝚒𝚎𝚟𝚎 𝚒𝚝. 💐💕

The 𝐔𝐏𝐋𝐁 𝐒𝐢𝐠𝐦𝐚 𝐀𝐥𝐩𝐡𝐚 𝐒𝐨𝐫𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲🌸 would like to thank everyone who visited our booth and played fun games with us, a warmest welcome to all of you. Buckle up as the fun is just beginning. There’s more to the university life and we hope that you enjoy every moment of it.

We would also like to extend our sincerest gratitude to our alumn sisses who supported us throughout this event, thank you so much 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐲𝐝𝐬, 𝐒𝐢𝐬 𝐑𝐢𝐳𝐳𝐚, 𝐒𝐢𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐢𝐜𝐚, 𝐒𝐢𝐬 𝐑𝐢𝐨, 𝐒𝐢𝐬 𝐌𝐚𝐲 𝐓𝐞𝐫𝐞𝐬𝐢𝐭𝐚, and 𝐒𝐢𝐬 𝐘𝐬𝐬𝐞𝐥. Your support delivered smiles to the UPLB Community.



𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗕𝗮𝗿𝗯𝗶𝗲 𝗶𝘀 … 𝗮 𝗙𝗿𝗲𝘀𝗵𝗶𝗲!💃💖 Every day is the best day in UPLB, but tomorrow is extra special! The UP Sigma Alpha Soror...
11/08/2026

𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗕𝗮𝗿𝗯𝗶𝗲 𝗶𝘀 … 𝗮 𝗙𝗿𝗲𝘀𝗵𝗶𝗲!💃💖

Every day is the best day in UPLB, but tomorrow is extra special! The UP Sigma Alpha Sorority - Los Baños Chapter is thrilled to welcome the most fabulously stylish batch of Freshies ever!💅✨

Step into ΣΑ𝐥𝐚𝐧𝐝 this 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟭𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲 from 𝟭𝟮:𝟬𝟬 𝗣𝗠 𝘁𝗼 𝟳:𝟬𝟬 𝗣𝗠 at the 𝗙𝗿𝗲𝗲𝗱𝗼𝗺 𝗣𝗮𝗿𝗸 - 𝗕𝗼𝗼𝘁𝗵 𝟰𝟳 for an unforgettable afternoon of thrilling games, exclusive prizes, and delicious treats before you step into the real world!👠

Pack your bags, dress to impress, and let’s make memories that never go out of style! These Barbies can’t wait to meet you!🤭👋


𝗔 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗹𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗼𝗿𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆'𝘀 𝘀𝘁𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗮𝗱𝗺𝗶𝗿𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗹𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿, 𝗣𝗦𝗘 𝗭𝘆𝘆🪷🌺 From the very beginning of your Alphan journey, y...
08/08/2026

𝗔 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗹𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗼𝗿𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆'𝘀 𝘀𝘁𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗮𝗱𝗺𝗶𝗿𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗹𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿, 𝗣𝗦𝗘 𝗭𝘆𝘆🪷🌺

From the very beginning of your Alphan journey, you've shown how you embody Salience through your consistent presence and remarkable leadership. From being our creative and hardworking Sister Lark to becoming our newly elected Prime Sister Exemplar, you continue to serve our community with such honor and dedication. Your loyalty inspires us, your sisses, to stand alongside you in serving our beloved community.

Today is your day! We celebrate you not only for the leader you are, but for also being a sister who would stand by us no matter what. You are bright, inspiring, dependable, and you never fail to amaze us every day with your continuous growth. May this year be a prosperous one for you, and may you achieve success in all that you do.

We love you, PSE Zyy!

~-~-~-~-~

happy birthday sa naksha kong dinosaur at manhater! HAHAHA thank you for always being there for me, may it be in/out of our soro. i wish you the best and of course your success. more dates to come, andito lang ako for you. isa ko sa unang makikipagsagupaan pag may umaway at misplaced hatred sa inyong mga nanak ko. luvya 🫶

happy birthday sa leo kong psenang!
thank you for welcoming me into the sorority with open arms. it's admirable how you can do many things and still maintain a joyful presence. i'm excited for your term and i can't wait to bond soon. ,mwa

Address

Los Baños
4031

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Sigma Alpha Sorority - Los Baños Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UP Sigma Alpha Sorority - Los Baños Chapter:

Shortcuts

Share