21/08/2026
โ๐ผ ๐ฉ๐๐ข๐ ๐๐ค๐ข๐๐จ ๐๐ฃ ๐ ๐ข๐๐ฃโ๐จ ๐ก๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐ฃ ๐๐ ๐ข๐ช๐จ๐ฉ ๐ฅ๐ง๐๐๐๐ง ๐ ๐ข๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐ช๐ก ๐๐๐๐ฉ๐ ๐ฉ๐ค ๐ ๐ข๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐จ๐จ ๐ก๐๐๐.โ โ Benigno โNinoyโ Aquino Jr.
Bilang isa sa mga hayagang kritiko ng diktadurya, ipinagpatuloy ni Ninoy ang kanyang paninindigan kahit kapalit nito ang pagkakakulong, pagkakatapon, at panganib sa kanyang buhay. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983, pinili niyang harapin ang panganib dahil naniniwala siyang may mga bagay na higit na mahalaga kaysa sa sariling kaligtasan.
Apatnapuโt tatlong taon na ang nakalilipas nang ang kanyang pagbabalik ay nauwi sa isang trahedyang tumatak sa buong bansa. Sa kanyang pagpanaw, naiwan ang isang pamana ng tapang at paninindigan na patuloy na bahagi ng ating kasaysayan at alaala bilang mga Pilipino.
Sa paggunita sa ika-43 anibersaryo ng kanyang pagpanaw, nakikiisa ang Society of Applied Mathematics of UPLB sa pag-alala sa buhay at paninindigan ni Ninoy Aquino. Nawaโy magsilbing paalala ang kanyang kuwento na ang isang makabuluhang buhay ay hindi lamang nasusukat sa haba nito, kundi sa tapang na gamitin ito para sa bayan.