13/06/2026
COLUMN | ๐ข๐ป๐ฒ๐ ๐ฆ๐จ: ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ๐
Madalas nating marinig ang katagang โOneMSUโ bilang simbolo ng pagkakaisa ng lahat ng constituent campuses ng Mindanao State University System. Binabanggit ito tuwing may tagumpay, may mga topnotcher, o may mga pagkakataong ipinagmamalaki ang buong Pamantasang Mindanao. Naririnig ito sa mga pagtitipon ng MSUSAA, sa mga pagpupulong ng FEMSUSSCO, at sa iba't ibang opisyal na programa at pahayag ng pamunuan. Ngunit ang tunay na kahulugan ng pagkakaisa ay hindi nasusukat sa mga panahon ng pagdiriwang kundi sa mga panahon ng pagsubok.
Kaya matapos ang mapaminsalang lindol noong Hunyo 8 na nagdulot ng tinatayang halos โฑ900 milyong pinsala sa imprastraktura ng MSU-General Santos, maraming estudyante ang napaisip: buhay pa ba ang diwa ng OneMSU, o isa na lamang itong katagang maganda pakinggan sa mga talumpati? at nakakagulat ang nakakabinging katahimikan ng pamunuan ng Mindanao State University.
Sa kasalukuyang kinakaharap ng MSU-General Santos at mga komunidad sa Sarangani Province matapos ang mapaminsalang lindol, kung ang OneMSU ay inilalarawan bilang isang pamilya o pagkakapatiran, nararapat lamang itanong: kaya bang matulog nang mahimbing habang ang isang kapatid ay humihingi ng saklolo? Kaya bang ipagpaliban nang ilang araw ang pagbisita habang siya ay nangangapa sa dilim?
Sa gitna ng lawak ng pinsala, patuloy na hinaharap ng komunidad ng unibersidad at mga karatig na pamayanan ang epekto ng sakuna. Maraming gusali ang nangangailangan ng masusing pagsusuri at pagkukumpuni, naapektuhan ang ilang akademikong gawain, at ang mga estudyante, g**o, kawani, at mga pamilyang apektado ay patuloy na umaangkop sa hindi tiyak na sitwasyon. Sa ganitong kalagayan, ang inaasahan ay hindi lamang paliwanag o pahayag, kundi malinaw at agarang pakikiisa mula sa mga inaasahang manguna sa sistema.
Ang frustration ng mga estudyante ay hindi lamang nagmumula sa pisikal na pinsala kundi sa naramdamang selective silence at institutional apathy. Sa panahon ng krisis, ang pakikiramay at pakikiisa ay hindi dapat hinihintay na ipanawagan. Dapat itong kusang ipinapakita, lalo na mula sa mga institusyong inaasahang unang kumikilos at nagpapakita ng direksyon. Kapag ito ay nauurong o nagiging mabagal, nag-iiwan ito ng tanong tungkol sa tunay na lawak ng pagkakapantay-pantay ng atensyon sa loob ng sistema.
May mga pagkakataong mas malakas ang katahimikan kaysa sa anumang pahayag. Kapag walang malinaw na presensya at direksyon sa gitna ng pangangailangan, hindi maiiwasang magtanong ang komunidad kung ang ipinapangakong pagkakaisa ay tunay ngang umiiral sa lahat ng pagkakataon. Ang selective silence ay nagiging mensahe rinโisang mensaheng mahirap balewalain.
Dito mas nasusubok ang kahulugan ng OneMSU. Madaling banggitin ito sa panahon ng tagumpay at pagdiriwang, ngunit mas mabigat itong dapat patunayan sa panahon ng krisis. Ang tunay na pagkakaisa ay nakikita sa aktwal na pagkilos, sa presensya, at sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga kampus at komunidad na naaapektuhan.
Sa harap ng halos โฑ900 milyong pinsala, ang inaasahan ng marami ay hindi lamang mga pahayag ng pakikiramay kundi isang lideratong nakikita, naririnig, at nararamdaman. Kapag ang mga boses na dapat kumakatawan sa mga estudyante at komunidad ay nananatiling mahina o huli sa pagtugon, hindi maiiwasang maramdaman ng ilan na sila ay naiwan sa gitna ng kanilang pagsubok.
Sa huli, ang tanong ay hindi lamang kung may inilabas bang pahayag o pakikiramay. Ang tanong ay kung naramdaman ba ng mga estudyante at komunidad ang pagkakaisang matagal nang ipinapangako sa kanila. Dahil ang OneMSU ay hindi dapat manatiling mantra o slogan, kundi isang prinsipyong isinasabuhay.
Sapagkat kapag ang isang kampus at ang mga komunidad na nakapaligid dito ay nasa gitna ng pagsubok habang ang tugon ay tila katahimikan, ang tanong ay hindi na lamang, โNasaan ang OneMSU?โ kundi: Paano ito magiging tunay na OneMSU kung may mga pagkakataong may naiwan sa gitna ng pangangailangan, na parang walang masasandalan?
Photos Courtesy: Bagwis