26/10/2026
Kilalanin si Juan Raphael Lardero, Ang ating Bidang PubAd! โจ
Ako si Juan Raphael Lardero, nagtapos ng Batsilyer ng Arte sa Administrasyong Pangmadla noong Hunyo 2026, na may malawak na karanasan sa pamumuno ng mga organisasyon, pamamahala, pampublikong administrasyon, pananaliksik, komunikasyon, at paglilingkod sa kapwa.
Sa loob ng APAS, dumaan ako sa iba't ibang posisyon at antas ng pamumuno. Nagsimula ako bilang Executive Vice President, sinundan ng pagiging Assistant Chairperson ng Commission on Elections (COMELEC), pagkatapos ay nagsilbing Officer-in-Charge Chairperson, hanggang sa maging full-fledged Chairperson ng Official Gazette and Public Relations Office ng organisasyon. Kalaunan, naging bahagi rin ako ng Council of Leaders, at inirepresenta ang organisasyon sa Komisyon ng Halalan para sa Konseho ng mga Mag-aaral ng Unibersidad. Sa mga tungkuling ito, naging bahagi ako ng organizational governance, student representation, electoral affairs, legislative processes, policy development, communications, program implementation, at mga pangunahing proseso ng pagpapasya sa organisasyon.
Higit sa mga posisyong aking hinawakan, naging mahalaga sa akin ang pagkakataong makatulong sa paghubog ng APAS bilang isang organisasyong nagbibigay-halaga sa pamumuno, pakikilahok ng mga mag-aaral, pananagutan, at paglilingkod. Sa pamamagitan ng iba't ibang akademiko, organisasyonal, humanitarian, at community-oriented na gawain, naisabuhay ko ang mga konsepto ng Public Administration hindi lamang bilang aralin sa loob ng silid-aralan, kundi bilang mga prinsipyong maaaring gamitin sa aktuwal na paglilingkod.
Nagkaroon din ako ng pagkakataong magsanay sa pamahalaan sa pamamagitan ng aking internship sa Bureau of Communications Services (BCS) ng Presidential Communications Office (PCO). Doon ako nagkaroon ng praktikal na karanasan sa human resource management at administrative operations, kabilang ang recruitment processes, personnel records, attendance at leave administration, appointment documentation, clearances, routing ng mga opisyal na dokumento, at iba pang gawaing administratibo sa pamahalaan. Ang karanasang ito ay nagbigay sa akin ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng maayos, episyente, responsable, at propesyonal na pamamahala sa loob ng isang institusyong pampubliko.
Bilang bahagi ng aking akademikong pag-aaral, pinamunuuan ko ang pagsasagawa ng undergraduate research tungkol sa kabuhayan ng mga mangingisda sa Dampalit Megadike, na nagsilbing batayan sa pagbuo ng mga rekomendasyon tungo sa isang sustainable livelihood program. Sa pamamagitan nito, mas napalalim ang aking interes sa community-centered governance, evidence-based policymaking, at pagbuo ng mga programang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad.
Bukod sa Public Administration, naging bahagi rin ako ng larangan ng balita, pagsusulat, produksyon, directing, hosting, at digital content production. Ang mga karanasang ito ay humubog sa aking kakayahan sa komunikasyon, storytelling, public engagement, at information dissemination, na naging mahalagang katuwang ng aking kaalaman sa governance at public administration.
Para sa akin, ang Public Administration ay hindi lamang isang kurso o propesyon. Ito ay isang pananagutang mamuno nang may integridad, magtatag ng mga institusyong may malinaw na layunin, manindigan para sa pananagutan, at gamitin ang kapangyarihan ng pamamahala para sa kapakanan ng publiko.
Bitbit ko ang mga aral, karanasan, at prinsipyong nabuo sa aking panahon bilang estudyante at lider, at nais kong ipagpatuloy ang mga ito sa bawat pagkakataong maibibigay sa akin upang makapaglingkod at makapag-ambag sa mas maayos na pamamahala.