City of Malabon University - Health Unit

City of Malabon University - Health Unit Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City of Malabon University - Health Unit, College & University, Malabon.

14/04/2025

Paghandaan ang patuloy na pagtaas ng Heat Index sa iyong lugar! ☀️

Kapag ang heat index ay mataas, mas tumataas din ang panganib ng pagkakaroon ng heat related illnesses gaya ng:
⚠️ Dehydration
⚠️ Heat Cramps
⚠️ Heat Exhaustion
⚠️ Heat Stroke

Alamin ang heat index forecast ng iba’t ibang lugar sa pagasa.dost.gov.ph. 🌡️

Maging handa, maging ligtas laban sa banta ng matinding init! ☀️




10/01/2025
07/01/2025

𝗙𝗟𝗨 𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗢𝗨𝗥 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗕𝗨𝗘Ñ𝗢𝗦 𝗢𝗙 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗛𝗬𝗚𝗜𝗘𝗡𝗘 𝗖𝗟𝗜𝗡𝗜𝗖

Inaanyayahan ang mga 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗕𝗨𝗘Ñ𝗢𝗦 na nakarehistro at kasalukuyang kliyente sa ating Social Hygiene Clinic na magpa-bakuna kontra FLU (trangkaso) upang maprotektahan laban sa ubo, sipon at lagnat. Simula Lunes hanggang Biyernes ng buong buwan ng Enero sa ganap na alas nuwebe (9) ng umaga hanggang alas tres (3) ng hapon hanggang may supply.

Kaya, para sa mga kasalukuyang kliyente ng SOCIAL HYGIENE CLINIC (PLHIV), tara na at magpa rehistro sa Malabon Social Hygiene Clinic na matatagpuan sa Pagamutang Bayan ng Malabon para makakuha ng slot dahil ito’y first come, first serve basis.

02/01/2025

Bagong taon, Bagong you! 💪

Ngayong taon, Tamang Pagkain, Ehersisyo, at Disiplina sa Katawan ang kailangan para maabot ang fitness goals sa 2025! Gawing prayoridad ang Bagong YOU na Healthy, dahil




02/01/2025

Bagong taon, Bagong you! 💪

Para sa Bagong YOU na Healthy, laging mag-WASH O’Clock sa mga kritikal na sandali – bago kumain, pagkatapos magbanyo, at tuwing maghahanda ng pagkain!

Itapon nang wasto ang basura para hindi kumalat ang germs at sakit sa bahay at komunidad, at laging maging handa sa sakuna dahil ang bawat buhay ay mahalaga



31/12/2024

Maaaring magdulot ng tetano ang sugat na mula sa paputok. Kaya naman huwag magpaputok at mamulot ng hindi gumaganang paputok!

Narito ang mga dapat gawin kapag natamaan ng paputok:

1. Huwag balewalain ang paso at sugat na sanhi ng pagpaputok, kahit gaano man ito kaliit.

2. Hugasan ang sugat ng sabon at malinis na tubig.

3. Takpan ang sugat ng sterilized gauze bandage.

4. Pumunta sa pinaka malapit na health center o ospital upang mabigyan ng paunang lunas at bakuna kontra tetano.

Sama-sama nating salubungin ng ligtas at masaya ang bagong taon, Malabueños!

28/12/2024

Sa isang iglap, hindi lang kamay ang maaaring mawala dahil sa paputok. NAKAMAMATAY ANG PAGPAPAPUTOK💥

Ingatan ang sarili at inyong pamilya. 🙏

🎆🚫 Gumamit ng alternatibong paingay at pailaw

Katulong ang ating mga Barangay Officials at lider ng komunidad, kaya nating gawing ligtas at masaya ang pagsalubong ng Bagong Taon. Ang kaligtasan ng bawat isa ay nakasalalay sa kooperasyon ng buong komunidad.

Para sa mga emergency, tumawag sa DOH Hotline 1555 📞 at National Emergency Hotline 911 📲




23/12/2024

DOH PINAG-IINGAT ANG LAHAT SA MGA SAKIT NA MAY KAUGNAYAN SA HOLIDAY HEART SYNDROME NGAYONG PASKO AT BAGONG TAON

Sa ginanap na Ligtas Christmas Hospital Preparedness and Response Rounds ng Department of Health bilang paghahanda ngayong Pasko, inihayag ni Secretary Ted Herbosa na alisto ang mga ospital sa pagbabantay ng mga sakit na may kaugnayan sa Holiday Heart Syndrome kagaya ng Stroke. Bukod pa ito sa pagtutok at tuloy-tuloy na operasyon ng mga ospital para sa Road at Fire Cracker Related Injuries na karaniwan nang binabantayan tuwing Pasko at Bagong Taon. Ang Holiday Heart Syndrome ay isang kondisyon dulot ng labis na pag-inom ng alak, stress, kakulangan sa pahinga at pagkain ng maalat o matataba na nagpapataas sa presyon. Maaari itong humantong sa arrhythmia o abnormal na heart rhythm na isa sa sanhi ng Stroke.

Sa pag-iikot ng DOH, ipinakita ng Philippine Heart Center (PHC) na pumalo sa humigit kumulang animnapu (60) ang kaso ng Stroke mula Hulyo hanggang Nobyembre 2024 na tinutukan ng ospital. Habang may naitalang pitong (7) kaso ng Stroke bago pa man mag Pasko, mula December 1 hanggang 20, 2024. Maaari pang tumaas ang bilang ng mga kaso ng Stroke matapos ang Pasko at pagsalubong sa bagong taon kung hindi mapipigilan ang labis na pag-inom ng alak at pagkain mula sa sunud sunod na handaan. Nakita na ng ospital ang ganitong pagtaas noong 2023. Ayon sa PHC, noong Disyembre 2023 umabot sa tatlumput-walo (38) ang kaso ng Stroke sa ospital na tumaas sa apatnaput-dalawa (42) pagdating ng Enero 2024. Ito ang pinakamataas na bilang ng Stroke na naitala ng ospital sa buong taon. Habang ang isandaan at sampung (110) kaso ng Acute Coronary Heart Syndrome na naitala ng PHC ng Disyembre 2023 ay tumaas sa isandaan at labinlima (115) pagdating ng Enero 2024.

Naitala naman ng East Avenue Medical Center (EAMC) ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Stroke kung ikukumpara ang bilang sa buwan ng Disyembre ng taong 2020 hanggang 2023. Nasa isandaan at walumpu’t walo (188) ang Stroke patients noong Disyembre 2020. Mas mataas naman ang bilang noong Disyembre 2021 na umabot ng dalawandaan at dalawamput-anim (226), na muling tumaas sa Disyembre 2022 na umabot sa dalawandaan at apatnaput-pito (247). Pumalo naman sa tatlong daan at dalawampu’t-walo (328) ang kaso ng Stroke sa EAMC na naitala sa buwan ng Disyembre 2023.

Sa unang pagkakataon, isinama rin ng DOH ang pribadong ospital sa Ligtas Christmas Hospital Preparedness and Response Rounds, at dito ipinakita sa Kalihim ng Kagawaran na tumaas din ang mga kaso ng Stroke sa St. Lukes Medical Center Quezon City. Taong 2023, apatnapu at labinlima (415) ang kaso ng Stroke ang kanilang naitala, na mas mataas kumpara sa bilang noong 2022 na nasa dalawandaan at siyamnaput-lima (295). Ngayong taon, nakapagtala na ng Stroke Discharges ang ospital mula Enero hanggang Nobyembre na umabot na sa tatlong daan ang tatlumput siyam (339).

Patuloy na hinihikayat ng DOH ang bawat pamilyang Pilipino na panatilihing malusog ang kanilang pangangatawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, regular na ehersisyo, at disiplina sa panahon ng kapaskuhan at sa pagsalubong sa bagong taon. “Mahal po ng Kagawaran ng Kalusugan ang ating mga kababayan. Katulad ng pag-aalaga ninyo sa inyong mga kaanak, kami ay nagpapa-alala na iwasan ang sobra sobrang pagkain ng mga maaalat, matataba at matatamis na pagkain ngayong holiday season. Damihan ang pagkain ng gulay at prutas na dapat ay kalahati ng inyong Pinggang Pinoy. Humanap po tayo ng oras na mag-ehersisyo,” pahayag ni Secretary Ted Herbosa.

Kasama rin na isinusulong ng Kagawaran ang kampanyang BiyaHealthy at Iwas Paputok upang makaiwas sa road at firecracker related injuries na babantayan din sa mga ospital. “Huwag uminom ng alak kung magmamaneho at huwag nang magpaputok. Mapanganib sa mga menor de edad ang parehong alak at paputok! Isara po natin ang 2024 nang ligtas at sama-samang salubungin ang 2025 nang malusog, dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga,” dagdag ni Sec. Herbosa.




01/12/2024

Advisory from the Office of the University President

📌 City of Malabon University Class Suspension & Online Modality Announcement - November 18, 2024

Dear City of Malabon University Students and Professors:

Due to the ongoing threat of Typhoon Pepito and Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 being raised in Metro Manila, all classes at City of Malabon University are still suspended tomorrow, Monday, November 18, 2024.

While face-to-face classes are suspended, learning continues! All classes will proceed with asynchronous online activities. Please check your class group chats and learning management system for further instructions from your professors regarding online class activities.

Everyone is advised to exercise caution and stay updated on government announcements. Stay safe!




01/12/2024

"Important Advisory"

Dear Students,

As final examination week begins, remember that this is your chance to showcase the hard work, dedication, and learning you’ve cultivated throughout the semester. Stay focused, manage your time wisely, and approach each exam with confidence.

Take care of your health—get enough rest, eat well, and don’t forget to pause and breathe when things feel overwhelming. Trust in your preparation and give your best effort.

We believe in you. Good luck, and may you finish this week strong!


22/10/2024

For those who are in need of psychiatric consultations and/or more information about this service, please contact UP PGH through the numbers provided.
———
Please read the post carefully. UP PGH Dept of Psychiatry is the one providing the psychiatric consultations. PNU OSASS Counseling Services does not provide psychiatric and clinical services. Instead, we provide counseling services to PNU bonafide students only. Thank you very much!

Address

Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of Malabon University - Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share