23/10/2026
HIGHLIGHTS | KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST: DAY 1
Matagumpay na naisagawa ang unang araw ng KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST, bahagi ng HULIP 2026: Binhi ng Paglaya, Ani ng Pakikibaka!
Sa pangunguna nina Ariel “Ka Ayik” B. Casilao at Cathy Estavillo, naging bahagi ng talakayan ang mga usapin ng lupa, tunay na repormang agraryo, kabuhayan, land grabbing, at epekto ng climate crisis sa mga magsasaka. Binigyang-diin ng diskusyon ang kalagayan ng mga pesante at ang patuloy na panawagan para sa lupa, kabuhayan, at karapatan.
Ngunit hindi rito nagtatapos ang ating pag-aaral!
Inaanyayahan ang lahat ng mga BulSUans at mamamayan na muling makiisa sa Day 2 ng KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST bukas, October 24, 2026, sa ganap na 7:00 PM via Google Meet. Patuloy nating palalimin ang pag-unawa sa kalagayan at pakikibaka ng mga sektor sa kanayunan.
Pag-aralan ang lipunan. Mula kampus, kilalanin ang laban ng kanayunan!