09/12/2025
TULOY ANG LABAN PARA SA TUNAY NA LIBRE, AKSESIBOL AT DEKALIDAD NA EDUKASYON!
Nagtungo ang Konseho ng Mag-aaral ng Bulacan State University sa Senado na pinangunahan ng ating Student Regent Roshan Reyes kasama sila Senador Jerolbe Capule at Senador Anne Paraiso upang maghain at igiit sa pinakamataas na kapulungan ang dagdag badyet sa financial assistance at scholarships para sa mga Iskolar ng Bayan - maging ang pagpapataas ng stipend ng mga cultural performers at athletes.
Habang papalapit sa pagtatapos ang pagtalakay sa pambansang badyet na mas nakatuon sa pansariling interes ng iilan, nararapat lang na mas lalong patindihin ang ating panawagan sa loob man ng mga tanggapan o sa kalsada, ipagpapatuloy natin ang laban para sa tama at makatarungan.
Higit kailanman, ang pondong dapat ay para sa taumbayan, para sa pangangailangan ng mga kabataang estudyante, ng mga BulSUan ay hindi dapat mauuwi sa bulsa ng mga tiwali at gahaman sa kapangyarihan.