BULSU Student Government

Directions Website

BULSU Student Government Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BULSU Student Government, College & University, Malolos.

HIGHLIGHTS | KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST: DAY 4Matagumpay na naisagawa ang huling araw ng KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST, bah...
27/10/2026

HIGHLIGHTS | KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST: DAY 4

Matagumpay na naisagawa ang huling araw ng KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST, bahagi ng HULIP 2026: Binhi ng Paglaya, Ani ng Pakikibaka!

Tinalakay ni Ronnel Arambulo, Pangalawang Taga-Pangulo ng PAMALAKAYA-Pilipinas, ang “Karapatan sa Pangisdaan at Pakikibaka para sa Kabuhayan ng mga Mangingisda,” na nagbigay-diin sa kalagayan ng mga mangingisda, sa mga hamong kinakaharap nila sa pagtatanggol sa kanilang karapatan sa pangisdaan, at sa patuloy na pakikibaka para sa makatarungang kabuhayan.

Sa pagtatapos ng KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga suliranin ng mga sektor sa kanayunan at ng pagkilala sa kanilang mga karapatan at pakikibaka. Mula sa usapin ng lupa hanggang sa karapatan sa pangisdaan, mahalagang maunawaan ng kabataan ang kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda at ang mga usaping panlipunang humuhubog sa kanilang buhay.

Pag-aralan ang lipunan. Mula kampus, kilalanin ang laban ng kanayunan!





26/10/2026

Bilang paghahanda para sa nalalapit na enrollment at upang masiguro ang kapakanan ng mga mag-aaral, naghain ng opisyal na liham-kahilingan ang BulSU Student Government – Committee on Academic Affairs at Committee on Admissions and Enrollment kay VP for Academic Affairs Dr. Warlito M. Galita nitong October 21, 2026.

Layunin ng pagpupulong na ito na talakayin ang mga sumusunod na mahahalagang isyu kaugnay ng Heims Portal Public Inaccessibility;

1. Second Semester Enrollment Preparation – Proseso at gabay para sa maayos na pagpapatala.

2. Petition Classes – Proseso, mga kinakailangan, at pag-apruba para sa mga petition class na makakaapekto sa academic progression ng mga estudyante.

3. Encoding at Pag-post ng First Semester Grades – Status at timeline ng pag-encode ng mga grado na napakahalaga para sa enrollment at evaluation sa kabila ng isyu sa portal.

Patuloy ang inyong Student Government sa pagtataguyod ng inyong mga karapatan at kapakanan akademiko. Para sa iba pang updates, manatiling nakatutok sa ating opisyal na page.



&C26_27

HAPPY INTERSEX AWARENESS DAY! 💛💜This Intersex Awareness Day, we remind everyone that human bodies naturally embody a div...
26/10/2026

HAPPY INTERSEX AWARENESS DAY! 💛💜

This Intersex Awareness Day, we remind everyone that human bodies naturally embody a diversity that cannot always be confined to conventional definitions of male and female.

As we commemorate Intersex Awareness Day, the BulSU SG Gender Equality, Diversity, and Inclusion Committee (GEDIC) calls on the BulSU community to challenge intersexphobia, reject harmful stereotypes, and foster an environment where intersex people are seen, heard, respected, and protected. Let us build spaces where differences are not treated as defects, where dignity is never conditional, and where every individual has the freedom to live authentically.

Intersex people do not need to fit into society’s boxes for their existence to be valid. Their bodies, stories, and identities deserve respect—not correction, shame, or silence. ✊🏻🌈




PANAWAGAN SA ADMINISTRASYON NA TUGUNAN ANG PROBLEMA SA HEIMSNoong nagsimula ang unang semestre ng A.Y 2026-2027 ay hindi...
26/10/2026

PANAWAGAN SA ADMINISTRASYON NA TUGUNAN ANG PROBLEMA SA HEIMS

Noong nagsimula ang unang semestre ng A.Y 2026-2027 ay hindi maayos na napakinabangan ang HEIMS.

Pahirapan ang pagkuha ng COR at COG sa panahong kritikal ito dahil isa ito sa pinakaimportanteng requirements para sa mga scholarship opportunities na nagbukas para sa mga BulSUans.

Naghain ang Office of the Student Regent (OSR) sa BulSU Administration ng liham upang linawin ang mga mangyayari sa enrollment para sa 2nd semester ng A.Y 2026-2027.

May kalakip na posibleng problema kung hindi tayo magkakaroon ng malinaw na sagot mula sa BulSU Administration.

Malapit na matapos ang semestre at hanggang ngayon ay wala pa rin malinaw na patutunguhan kung kailan ba maibabalik o maisasaayos ang HEIMS na siyang lubos na importante sa sangkaestudyantehan.

Hindi lang ang pag-post ng grade ng faculty ang maapektuhan dito, kundi pati na rin ang pag-evaluate sa faculty performance sa pagtatapos ng unang semestre.

Nanawagan ang bawat BulSUan ng malinaw na sagot upang tugunan ang ating mga katanungan sa matagal ng pinoproblema na hanggang ngayon ay wala pa rin sagot.


HIGHLIGHTS | ISKOnsulta x DALUYAN 2026Matagumpay na naisagawa ang DALUYAN: Student Publication Sectoral Forum Discussion...
26/10/2026

HIGHLIGHTS | ISKOnsulta x DALUYAN 2026

Matagumpay na naisagawa ang DALUYAN: Student Publication Sectoral Forum Discussion, sa pangunguna ng Public Relations and Societal Affairs Committee (PRSA), bilang bahagi ng ISKOnsulta: University-wide Sectoral-Based Legislative Engagement ng BulSU SG Office of the Vice President.

Sa pangangasiwa ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at Union of Journalists of the Philippines – UP (UJP-UP), naging espasyo ang talakayan upang mailahad ang mga usapin, hinaing, at mungkahi ng student publication sector hinggil sa kalayaan sa pamamahayag at kapakanan ng mga student journalist sa loob ng pamantasan.

Kasama ang Plaridel Guild, BulSU Student Publications Office, at BulSU SG Research and Development, layunin ng gawaing ito na mapalalim ang ugnayan ng mga student journalist at student leader, at matukoy ang mga usaping nangangailangan ng mas malawak na talakayan at angkop na hakbang ng Student Government.

Sa pamamagitan ng ISKOnsulta, patuloy na binibigyang-espasyo ang tinig ng iba’t ibang sektor ng pamantasan bilang bahagi ng isang mapanagutan at makabuluhang lehislatura.

Mula sa pakikinig, tungo sa makabuluhang representasyon at pagkilos.

Legislative for the People, by the People.





26/10/2026
ISKOnsulta | DALUYAN: Student Publication Sectoral Forum DiscussionNgayong araw, isinasagawa ang DALUYAN: Student Public...
26/10/2026

ISKOnsulta | DALUYAN: Student Publication Sectoral Forum Discussion

Ngayong araw, isinasagawa ang DALUYAN: Student Publication Sectoral Forum Discussion, sa pangunguna ng Public Relations and Societal Affairs Committee (PRSA) bilang bahagi ng ISKOnsulta: University-wide Sectoral-Based Legislative Engagement, isang programa ng BulSU SG Office of the Vice President para sa buong Legislative Branch, sa koordinasyon ng mga kinauukulang Standing Committee.

Layunin ng DALUYAN x ISKOnsulta na magbigay ng espasyo para sa mga kinatawan ng student publication sector na ilahad ang kanilang mga hinaing, pangangailangan, at mungkahi hinggil sa kalayaan sa pamamahayag at kapakanan ng mga student journalist sa loob ng pamantasan.

Sa pangangasiwa ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at Union of Journalists of the Philippines – UP (UJP-UP), layunin ng talakayan na palakasin ang ugnayan ng mga student journalist at student leader, at buksan ang mas malawak na pag-uusap hinggil sa mga usaping kinahaharap ng sektor.

Kasama sa gawaing ito ang Plaridel Guild, BulSU Student Publications Office, at BulSU SG Research and Development.

Sa pamamagitan ng ISKOnsulta, layuning makalap ang mga hinaing, mungkahi, at pananaw ng iba’t ibang sektor ng pamantasan bilang batayan sa mas angkop na mga talakayan at hakbang ng Legislative Branch at ng buong BulSU Student Government.

Legislative for the People, by the People.




MEET THE SPEAKER | DAY 4 OF KAMPUS-TALAKAYAN x ED FESTMamayang gabi, makakasama natin ang tagapagsalitang magbabahagi ng...
26/10/2026

MEET THE SPEAKER | DAY 4 OF KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST

Mamayang gabi, makakasama natin ang tagapagsalitang magbabahagi ng kaniyang karanasan at kaalaman sa huling araw ng KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST, bahagi ng HULIP 2026: Binhi ng Paglaya, Ani ng Pakikibaka. Sa pagtatapos ng seryeng ito, layunin nating higit pang palalimin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa kalagayan, karapatan, at pakikibaka ng mga sektor sa kanayunan, gayundin ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng kanilang mga panawagan.

Makakasama natin si Ronnel Arambulo, kasalukuyang Pangalawang Taga-Pangulo ng PAMALAKAYA-Pilipinas. Naging bahagi rin siya ng Anakpawis-Rizal bilang Taga-Pangulo noong 2013, Anakpawis-Binangonan noong 2010, at Anakbayan-Rizal noong 2005.

Sa kaniyang karanasan sa organisadong pagkilos at pagtatanggol sa karapatan ng mga mangingisda, tatalakayin niya ang mga usapin sa pangisdaan at ang mga hamong kinakaharap ng mga komunidad na umaasa sa yamang-dagat para sa kanilang kabuhayan. Mahalaga ang pag-unawa sa kanilang kalagayan upang higit na makita ang ugnayan ng karapatan sa pangisdaan, kabuhayan, at patuloy na pakikibaka para sa katarungang panlipunan.

Sa huling araw ng KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST at ng HULIP 2026, sama-sama nating palalimin ang kamalayan sa laban ng mga mangingisda at pagnilayan kung paano maiaambag ng kabataan ang kanilang kaalaman at pagkilos sa pagtatanggol sa karapatan sa pangisdaan at makatarungang kabuhayan.

OCTOBER 26, 2026 | 7:00 PM ONWARDS
Online via Google Meet

Ang Google Meet link ay ipo-post sa comment section ng opisyal na anunsyo at ibabahagi rin sa iba pang communication channels, kabilang ang mga group chat.

Pag-aralan ang lipunan. Mula kampus, kilalanin ang laban ng kanayunan!





HIGHLIGHTS | KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST: DAY 3Matagumpay na naisagawa ang ikatlong araw ng KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST, b...
25/10/2026

HIGHLIGHTS | KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST: DAY 3

Matagumpay na naisagawa ang ikatlong araw ng KAMPUS-TALAKAYAN x ED FEST, bahagi ng HULIP 2026: Binhi ng Paglaya, Ani ng Pakikibaka!

Sa pangunguna ni Dharcel B. Parungao, National Director for Publicity and Engagement ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), naging sentro ng talakayan ang papel ng kabataan sa pakikibaka ng mga magsasaka at pagtatanggol sa karapatan ng mga sektor sa kanayunan. Binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-unawa sa kalagayan ng mga magsasaka at ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng kanilang mga karapatan at kapakanan.

Mula sa karanasan sa student governance hanggang sa pakikipag-ugnayan sa sektor ng agrikultura, muling binigyang-pansin ang ugnayan ng edukasyon at panlipunang pananagutan. Bilang mga Iskolar ng Bayan, mahalagang lumampas ang ating pag-aaral sa loob ng silid-aralan upang higit na maunawaan ang mga suliraning kinakaharap ng mga komunidad at ang papel na maaari nating gampanan sa pagsusulong ng pagbabago.

Ngunit hindi rito nagtatapos ang ating pag-aaral.

Patuloy nating palalimin ang pag-unawa sa kalagayan at pakikibaka ng iba't ibang sektor sa kanayunan, at kilalanin ang papel ng kabataan sa pagtatanggol sa kanilang mga karapatan.

Pag-aralan ang lipunan. Mula kampus, kilalanin ang laban ng kanayunan!





KILALANIN ANG MGA TAGAPAGDALOYGet to know our facilitators of DALUYAN: Student Publication Sectoral Forum Discussion tom...
25/10/2026

KILALANIN ANG MGA TAGAPAGDALOY

Get to know our facilitators of DALUYAN: Student Publication Sectoral Forum Discussion tomorrow, October 26, at AVR A, e-Library, BulSU - Main Campus.

Mr. Marc Lino Abila will be representing the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) as its Director to tackle "Press & Progress: From Discourse to Action in the Community." He is also the current Chief Editor of the alternative news publication, Pinoy Weekly, that serves as one of the leading voices for the marginalized Filipinos.

Dwelling from the only student chapter of Union of Journalists of the Philippines in University of the Philippines (UJP-UP), Aya Ancajas, UJP-UP Chairperson, and Claire Velasco, UJP-UP Vice Chairperson for Internal Affairs, is set to share a discussion about "Solidifying Our Freedom: Bringing Support in the Campus" as fellow campus journalists.

For the freedom of the press, we remain.



Address

Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BULSU Student Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share