10/06/2026
Ang diploma ay hindi lamang piraso ng papel, ito'y tanda na ang paghihirap ay may kapalit na gantimpala. Ang mga hamong nalampasan ay paglalim ng paninindigan. Ang bawat pagdududang hinarap noon ay pagtitiwalang nagpupunyagi ngayon.
Sa likod ng ngiti mula sa mga nagsipagtapos, mababakas dito ang mga gabing walang sapat na tulog at pangarap ang tanging pinanghahawakan. Ang pagtatapos ay hindi dulo. Ito ay pagpapatuloy ng kuwento na minsan nang inumpisahan.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang inyong tagumpay at magbunga ng kabutihan para sa sarili, pamilya, at higit sa lahat para sa bayan. Ipagmalaki ang bunga ng inyong pinaghirapan at patuloy na mangarap nang higit pa.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Hiraya Kolektib sa hindi matutumbasang tawa at palitan ng mga kuwentong ibinahagi ninyo. Nawa'y bitbitin ninyo ang mga panata at aral na nagbubuklod sa bawat isa.
Muli, maalab na pagbati sa mga nagsipagtapos!