Social Business Incubation Hub - Bulacan State University

Social Business Incubation Hub - Bulacan State University The main purpose of the Center

Cultivate a culture of innovation and a dynamic entrepreneurial ecosystem within the University.

31/12/2025
Bago magbukas ang taong 2026, balikan ang produktibo at maalab na taong 2025. ​Isang taon ng walang-sawang pagtuklas, pa...
31/12/2025

Bago magbukas ang taong 2026, balikan ang produktibo at maalab na taong 2025.

​Isang taon ng walang-sawang pagtuklas, paglikha, at paglilingkod. Mula sa makasaysayang paglulunsad ng Sidhaya Journal hanggang sa tagumpay ng ICBEST 2025, pinatunayan ng BULSU RIO na ang ating pagsasaliksik ay walang hangganan.

​Dala ang alab ng inobasyon, handa na kaming harapin ang mas marami pang hamon at tagumpay sa susunod na taon!


https://online.fliphtml5.com/afemy/ynvi/?1767161899111&fbclid=IwY2xjawPBoEBleHRuA2FlbQIxMABicmlkETFIano2WmtWYTZIcXJ2ZFRkc3J0YwZhcHBfaWQQMjIyMDM5MTc4ODIwMDg5MgABHkIkb-wcV1ycPhZOrX-6AfXdsy8bD0BnT_j4nEjqelSCn2al1uUAz2s1n3uo_aem_R5wBXiL6045GVdNCZjT1Qg =22

May thesis or research idea ka ba na pang-solve ng real-world problem, pero wala kang access sa high-end equipment o pon...
15/12/2025

May thesis or research idea ka ba na pang-solve ng real-world problem, pero wala kang access sa high-end equipment o pondo? Ito ang solusyon!

Ang Alab Collab 2: Siklab Konek ay institutional commitment ng BULSU na tulungan ang mga high-potential student projects na maging ganap na implementable.

⚙️ Siklab (Ignition): Ang Research and Innovation Office (RIO) ang bahala sa pag-assign ng faculty mentors at pag-grant ng access sa specialized university facilities at equipment.

⚙️ Konek (Connection): Kami na ang maglalapit sa inyo sa mga funding partners (DOST, NGOs, Foundations) para masecure ang budget na kailangan n'yo. Itataguyod namin ang inyong gawa —from paper to prototype!

Eligibility: Existing student research, capstone, or design project, post-proposal man o pre-implementation stage.

Tara na, magpasiklab na, makipag-collab na!

Gform link: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfN15zEkcF_KMO2BXS1ts8lY-rwHzcf1nqN21n6ug526i_q8w/viewform

𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩 𝙀𝙣𝙩𝙧𝙚𝙥𝙧𝙚𝙣𝙚𝙪𝙧𝙨 𝙣𝙜 𝘽𝙪𝙨𝙩𝙤𝙨 𝘾𝙖𝙢𝙥𝙪𝙨, 𝙃𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙉𝙖𝙣𝙜 𝙐𝙢𝙖𝙣𝙜𝙖𝙩!Nitong nakaraang 08 Setyembre 2025, isang makabuluhang usapan...
10/09/2025

𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩 𝙀𝙣𝙩𝙧𝙚𝙥𝙧𝙚𝙣𝙚𝙪𝙧𝙨 𝙣𝙜 𝘽𝙪𝙨𝙩𝙤𝙨 𝘾𝙖𝙢𝙥𝙪𝙨, 𝙃𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙉𝙖𝙣𝙜 𝙐𝙢𝙖𝙣𝙜𝙖𝙩!

Nitong nakaraang 08 Setyembre 2025, isang makabuluhang usapan sa pagitan ng mga aspiring student entrepreneurs ng Bustos at ng ating Social Business Incubation in-charge, G. Fernan Tadeo ang ginanap 👨‍🏫

Ang interaktibong usaping ito ay naglalayong magbahagi ng mga mahahalagang tips at estratehiya sa tamang 𝙥𝙖𝙜-𝙗𝙧𝙖𝙣𝙙 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜-𝙘𝙤𝙢𝙢𝙚𝙧𝙘𝙞𝙖𝙡𝙞𝙯𝙚 ng mga estudyante sa kanilang mga produkto.

Mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibong kinabukasan!Isang makabuluhang pulong ang isinagawa noong 14 Agosto 2025, na...
15/08/2025

Mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibong kinabukasan!

Isang makabuluhang pulong ang isinagawa noong 14 Agosto 2025, na naglalayong isulong ang mga solusyon para sa mga batang may espesyal na pangangailangan. Ito ay pinangunahan ng office of Innovation Development ,Social Business Incubation Hub at Fabrication Laboratory, sa pakikipagtulungan ng Bustos Campus Research and Development Unit.

Nakatuon ang talakayan sa “𝗦𝗲𝗻𝘀𝗼𝗿𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗘𝘀𝗽𝗲𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻.” Tinalakay ang paglikha ng mga makabagong kagamitan tulad ng 𝘀𝗲𝗻𝘀𝗼𝗿𝘆 𝗸𝗶𝘁 𝗮𝘁 𝘀𝗲𝗻𝘀𝗼𝗿𝘆 𝗯𝗼𝘅/𝗵𝗼𝘂𝘀𝗲, na magsisilbing mahalagang tulong sa pagpapaunlad ng kalidad ng buhay ng mga kabataang ito.
Bilang resulta, napagkasunduan ang pagbuo ng prototype design batay sa masusing pananaliksik. Pagkatapos nito, ang prototype ay isasailalim sa ebalwasyon ng mga SNED (Special Needs Education) teachers sa pamamagitan ng panayam upang matiyak ang pagiging epektibo at praktikal nito.

Layunin ng pulong na ito na pag-alabin ang suporta sa mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga kabataang ito, gamit ang makabagong ideya, teknolohiya, at pananaliksik.

Inobasyon para sa Kalikasan at Edukasyon! 🌍💡Nitong Huwebes, 13 Agosto 2025, nagtipon ang office of Innovation Developmen...
15/08/2025

Inobasyon para sa Kalikasan at Edukasyon! 🌍💡

Nitong Huwebes, 13 Agosto 2025, nagtipon ang office of Innovation Development, Center for Fabrication and Manufacture – Fabrication Laboratory (FabLab), Environmental Management and Sustainability Office (EMSO), Office of Innovation Development at Social Business Incubation (SBI) personnel sa Bulacan State University Main Campus upang isagawa ang isang konsultatibong pagpupulong upang talakayin ang mahahalagang isyu na may kaugnayan sa mga solusyon para sa 𝙎𝙤𝙡𝙞𝙙 𝙒𝙖𝙨𝙩𝙚 𝙈𝙖𝙣𝙖𝙜𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩 at paglikha ng mga 𝙎𝙚𝙣𝙨𝙤𝙧𝙮 𝙇𝙚𝙖𝙧𝙣𝙞𝙣𝙜 𝙏𝙤𝙤𝙡𝙨 para sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.

Layunin nito na higit pang isulong na maprotektahan ang ating kalikasan at bigyang-pansin ang mga serbisyong nararapat para sa mga mag-aaral.

Productive consultative meeting with Mr. Sol Anastacio today!  Exciting things ahead for the BULSU Social Business Incub...
10/10/2024

Productive consultative meeting with Mr. Sol Anastacio today! Exciting things ahead for the BULSU Social Business Incubation Hub and our research on the socio-economic analysis of Tabing Ilog, Marilao, Bulacan.

Address

Bulacan State University
Malolos

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Social Business Incubation Hub - Bulacan State University posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share