09/02/2026
ππππππ πππππ β Ito ay isa sa pinaka-importanteng tradisyon ng ating Kapatiran. Bilang isang probationary, dadaan ka muna sa pagsubok sa loob ng maraming buwan upang masukat ang iyong disiplina, paggalang sa kapwa, at respeto sa mga nauna sa iyo. Ang pagdaan sa Ritual Rites ang nagsisilbing huling hakbang upang maging ganap ang iyong pagka-Triskelion.
Mga Tol, sa mga Probationary members ba ninyo, naipaliwanag niyo ba nang maayos ang mga dapat at hindi dapat gawin? Halimbawa nito ay ang pagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar, ang pag-iwas sa pakikipag-away o pakikipag-argumento sa mga full-fledged members, lalo na sa mga opisyal at lider, at ang hindi pagsagot nang pabalang sa mga nauna sa inyo? Itinuro niyo rin ba ang tamang pagkilala at pagbibigay-pugay sa tuwing may makakasalubong silang mga naunang miyembro?
βKayo rin, mga Tol at Sis, naranasan niyo ba ang ganitong uri ng disiplina noong kayo pa ay nasa probationary stage? Dahil kung hindi niyo pinagdaanan ang mga ito, may malaking kulang sa naging paghubog sa inyo at may malaking kakulangan sa inyong pagka-Triskelion.