01/10/2026
Tatlong araw na lamang, mga Kapatid!
Malapit na nating ipagdiwang ang ika-58 Founding Anniversary ng Tau Gamma Phi – Mandaluyong City Triskelion. Limampu’t walong taon ng kapatiran, pagkakaisa, paninindigan, at paglilingkod—mga taon na binuo ng bawat Kapatid na naglaan ng panahon, lakas, at malasakit para sa ating samahan.
Ang 58 taon ay hindi lamang bilang. Ito ay 58 taon ng samahan, sakripisyo, pagkakaibigan, at mga alaala na patuloy nating dadalhin bilang mga Triskelion.
Habang papalapit ang ating anibersaryo, muli nating ipakita ang solidarity at tunay na brotherhood. Ipagmalaki natin ang ating pinagmulan, igalang ang mga naunang Kapatid, at panatilihin ang pagkakaisa ng kasalukuyang henerasyon.