29/05/2026
๐๐
๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
Mariing kinikilala ng RTU SSC โ Legislative Committee on Gender Development and Sexual Health (LCGDSH) ang mga kumakalat na ulat, hinaing, at usapin sa social media hinggil sa umanoโy hindi angkop na relasyon ng ilang g**o sa kanilang mga estudyante, gayundin ang mga insidente ng panghuhusga, pangmamaliit, at hindi makataong pagtrato ng ilang student leaders sa kapwa mag-aaral.
Bilang komiteng nagsusulong ng gender sensitivity, safe spaces, at karapatan ng bawat estudyante, naninindigan ang LCGDSH na ang anumang uri ng abuso sa kapangyarihan, harassment, diskriminasyon, at hindi propesyonal na pakikitungo ay walang puwang sa loob ng akademikong institusyon.
Nais din naming ipaalala na nakapaloob sa Student Manual ng Rizal Technological University ang pagsunod sa mga umiiral na special laws at implementing rules na nagbibigay proteksyon sa mga estudyante laban sa pang-aabuso, harassment, at diskriminasyon. Kabilang dito ang:
โข Republic Act No. 11313 o ang Safe Spaces Act
โข Republic Act No. 7877 o ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995
โข Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act (VAWC)
โข Mga probisyon ng Anti-Discrimination Ordinance (ADO) at iba pang gender-sensitive policies na umiiral sa loob at labas ng pamantasan
Ang relasyon sa pagitan ng g**o at estudyante ay may kaakibat na power imbalance at responsibilidad. Dahil dito, ang anumang sitwasyon na maaaring magdulot ng discomfort, coercion, favoritism, exploitation, o conflict of interest ay dapat seryosohin at mabigyang agarang aksyon ng mga kinauukulang opisina.
Dagdag pa rito, nais din naming paalalahanan ang lahat ng student leaders at miyembro ng komunidad na ang pagiging lider ay hindi lisensya upang manghusga, manlait, o maliitin ang pagkatao, identidad, at personal na buhay ng kapwa estudyante. Ang pamumuno ay dapat nakabatay sa respeto, integridad, at malasakit.
Simula sa darating na linggo, ang LCGDSH ay makikipag-ugnayan na sa mga kaukulang opisina ng unibersidad upang mabigyang pansin, maimbestigahan, at mabigyan ng kaukulang aksyon ang mga kumakalat na usapin at mga sumbong na natatanggap mula sa mga estudyante.
Hinihikayat namin ang lahat na maging responsable sa paggamit ng social media at tiyaking ang bawat pahayag at aksyon ay hindi nakakasira sa dignidad at kaligtasan ng iba. Kasabay nito, patuloy naming hinihikayat ang mga estudyanteng may hinaing o nais magsumbong na dumaan sa tamang proseso at makipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan upang masig**o ang maayos, ligtas, at makatarungang pagresolba sa bawat usapin.
Ang LCGDSH ay mananatiling kaisa ng mga estudyante sa pagsusulong ng ligtas, inklusibo, at makataong pamantasan para sa lahat.