12/06/2026
Maligayang Araw ng Kalayaan!
Ngayong ika-12 na Hunyo, ipinagdiriwang natin ang ika-128 Araw ng Kalayaan. Mahigit isang siglo matapos nating ipaglaban ang ating kasarinlang, kasabay nito ay ang pagdiriwang sa umuunlad na kalayaan sa kasarian. Ang pagdiriwang at ala-ala ay nananatiling hamon sa pagkamit ng tunay na kalayaan para sa mamamayan.
Habang iilan ang nakikinabang sa yaman ng bansa, natatamasa ang nakaw na komportable, at tuloy-tuloy na paglabag sa karapatang pantao.
Ang kalayaan ay hindi lamang umiikot sa konsepto ng pagwagayway ng watawat sa araw ng kalayaan. Ito rin ay naipapakita sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan, katarungan, at pambansang demokrasya.
Bilang kabataan, mag-aaral ng Agham Pampulitika, at mamamayan ng Pilipinas, patuloy na nag lalagablab ang init na ipagpatuloy ang diwa ng paglaban ng ating mga bayaniโhindi lamang sa dayuhang pananakop, kundi laban sa anumang porma ng pang-aapi, korapsyon, at kawalan ng pananagutan.
Makibaka para sa tunay na kalayaan. Makialam sa isyung panlipunan. Makilahok sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan. Ipaglaban ang tunay na kalayaan.
๐ผ๏ธโ๐ผ Layout and Caption by Aljom Maglangit and Mark Denoy